NAPATINGIN si Alyssa kay Franco nang bumaba ito ng kotse ng makarating sila sa parking lot kung saan matatagpuan ang penthouse nito. At gaya ng napag-usapan nila noong nasa ospital pa sila ay sa penthouse siya nito mananatili habang nagpapagaling siya. Tumanggi kasi si Alyssa sa gustong mangyari ng ama na sa mansion nito muna siya mananatili habang nagpapagaling para daw may mag-alaga at magbantay sa kanya. Tumanggi siya dahil sa dalawang dahilan, una ay dahil hindi niya alam kung paano pakikitunguhan ang ama. Dahil buong buhay ni Alyssa ay hindi niya ito nakasama, hindi niya alam kung paano siya kikilos sa harap nito. Pangalawa, kinakabahan din siya na baka malaman nito na hindi siya si Audrey kapag magkasama silang dalawa. Baka kasi kapag magkasama sila sa iisang bubong ay makahalata

