PINAGSALIKOP ni Alyssa ang mga kamay niyang nakapatong sa ibabaw ng hita nang maramdaman niya ang panginginig niyon habang sakay sila ng kotse ni Franco patungo sa mansion ng mga ito.
At nang sandaling iyon ay amoy na amoy niya ang mamahaling pabango ni Franco na nanunuot sa kanyang ilong. The scent of his expensive perfume invaded her senses, intoxicating her. Nakakahiya tuloy iyong mumurahin niyang pabango na nabili lang niya sa online store. Buy 1 take 1 pa. Kung alam lang niya ay sana ay iyong pabango na lang ni Audrey ang ginamit niya.
Gusto nga ding magsalita ni Alyssa, gusto niyang kausapin si Franco pero hindi naman niya alam kung ano ang sasabihin. At minabuti na lang niyang itikom ang bibig baka kasi may masabi pa siya.
Hindi nga din napigilan ni Alyssa na lihim na pakiramdaman si Franco. He was silent while driving his car. Hindi nga din niya napigilan na mapatitig sa kamay nitong nakahawak sa manibela. At kitang-kita niya ang maugat na kamay nito, may napansin nga din niya ang ugat sa braso nito na nakakadagdag lang sa taglay nitong kakisigan.
Hanggang sa palihim niyang tininginan ang mukha nito. Naka-side view ito sa kanya pero hindi iyon nakabawas sa angking ka-gwapuhan nito.
Damn. He is really handsome.
Inalis na nga niya ang tingin dito baka kasi mahuli siya nitong tinititigan niya ito. Tumingin na nga din siya sa labas ng bintana.
Hindi talaga maintindihan ni Alyssa si Audrey kung bakit kailangan nitong pagpanggapin siya nito sa harap ng boyfriend nitong si Franco.
Sa tingin niya ay wala namang problema kay Franco?
At mayamaya ay napaayos siya mula sa pagkakaupo nang marinig niya ang malamig pero baritonong boses ni Franco nang magsalita ito.
"We're here," wika nito sa kanya.
Sumilip naman siya kung nasaan sila. At hindi niya mapigilan ang mapaawang ang labi nang makita niya ang napakalaki at napakagandang mansion na nakita niya sa buong buhay niya. Maganda at malaki ang mansion ng kakambal pero mas malaki at maganda ang mansion ng mga De Asis.
Pero mayamaya ay itinikom niya ang labi baka kasi makita iyon ni Franco. Baka magtaka ito kung bakit namamamgha pa din siya mansion ng mga ito, eh, hindi naman iyon ang unang beses na nagpunta siya doon.
Mayamaya ay napatingin siya dito ng lumabas na ito ng pinto?
Iiwan siya nito doon?
Mabilis naman niyang tinanggal ang suot na seatbelt. At akmang bubuksan niya ang pinto ng mapatigil siya ng bumukas iyon. At nang mag-angat siya ng tingin ay nakita niyang si Franco ang nagbukas ng pinto.
At bago siya lumabas ay kinuha niya ang paper bag na inilapag niya.
"Thank you, Franco," nakangiting wika niya dito nang makababa siya.
Nag-angat naman siya ng tingin at nawala ang ngiti sa labi niya nang makitang nakatitig sa kanya si Franco. Hindi naman niya napigilan na makaramdam ng kaba.
Alam ba nito na hindi siya si Audrey? "B-bakit, Franco?" tanong niya dito.
"Nothing," sagot naman nito sa kanya. "Let's go," yakag naman na nito sa kanya. Hindi na nga din siya nito hinintay na magsalita dahil nagsimula na itong humakbang, mabilis naman niya itong sinundan.
At pagpasok nila sa loob ng mansion ay pinigilan niya ang sariling huwag mapasinghap nang makita kung gaano kaganda ang loob ng mansion.
"Tito Franco!" mayamaya ay napatingin si Alyssa sa harapan niya nang marinig niya ang boses na iyon. At nakita niya ang dalawang bata. Isang lalaki at babae. At kung hindi siya nagkakamali ay anak iyon ng panganay na kapatid ni Franco na si Francis kay Victoria.
Tumuon nga ang tingin ng dalawang bata sa kanya. At akmang ngingitian niya ang dalawa nang mapatigil siya nang biglang nagtago ang mga ito sa likod ng ina, para bang natakot.
"Si Tita Sungit," wika ng batang babae sa mahinang boses pero narinig naman siya.
Siya ba ang Tita Sungit na tinutukoy nito?
"Let's go, Audrey," mayamaya ay wika ni Franco. At hindi niya napigilan ang mapaigtad nang maramdaman niya ang kamay nitong humawak sa likod niya. Pero agad din siyang umayos mula sa pagkakatayo niya ng mula sa gilid ng kanyang mga mata ay nakita niya ang pagsulyap sa kanya ni Franco.
Humigpit nga din ang pagkakahawak niya sa paperbag.
Nilingon niya si Franco at nang magtama ang mga mata nila ay nginitian niya ito. "Okay," wika niya.
At kahit na nanginginig ang binti ay nagawa pa din niyang ihakbang ang mga paa.
At sunod-sunod siyang napalunok nang makapasok sila sa dining table. At pinigilan na naman niya ang sariling mamamgha nang makita niya ang nag-ga-gwapuhan at naggandahang kapatid ni Franco. Nakita nga din niya ang asawa, fiance at girlfriend ng kapatid nito. Kilala niya ang lahat dahil kasama iyon sa mga profile na ibinigay sa kanya ng kakambal na si Audrey.
"Dawson."
Mayamaya ay napatingin si Alyssa sa gilid niya nang marinig niya ang boses na iyon na tumawag sa second name ni Franco.
At nakita niya ang ina ni Franco. At hindi niya napigilan na napatitig dito, ang ganda-ganda nito kahit na may edad na, napatingin nga din siya sa tabi nito. At nakita niya ang ama ng mga ito na pinagkamalang niyang sugar daddy ng kambal.
At hindi na din nakakapagtaka kung bakit gwapo at maganda ang mga anak dahil walang tulak-kabigin ang magulang.
Lumapit naman si Franco sa magulang nito para magbigay galang. Hindi nga din niya alam kung ano ang gagawin ng tumingin sa kanya ang ina nito. Pero ginawa naman niya kung ano ang dapat. Lumapit si Alyssa dito at nang makalapit ay nagmano siya sa mga ito.
"Good evening po, Tita at Tito," magalang na bati niya.
"Good evening, Audrey," bati din sa kanya ni Tita Dana. Tinanguhan lang naman siya ni Tito Franco. Pilit din na sinasanay na marinig ang pagtawag sa kanya na Audrey.
"Para po sa inyo," mayamaya ay wika ni Alyssa sa paperbag na dala niya.
Nakangiting tinanggap naman iyon ni Tita Dana. "Nag-abala ka pa. Pero salamat, Audrey," wika sa kanya ni Tita Dana.
Ngumiti din siya pabalik. "Walang anuman po," sagot niya.
"Dawson, Audrey, maupo na kayo para makapagsimula na tayong kumain," wika ni Tita Dana sa kanila.
Tumango naman siya bilang sagot. Muli siyang hinawakan ni Franco sa likod ng baywang at iginiya na siya nito palapit sa dining table. Pinaghila pa nga siya nito ng silya.
Gentleman din pala ang lalaki. "Thanks, Franco," nakangiting wika niya nang maupo siya. At pagkaupo ay nawala ang ngiti sa labi niya nang mapansin na nakatitig sa kanya ang kapatid na babae ni Franco, pansin niya ang gulat sa ekspresyon ng mukha ng mga ito. Hindi na lang naman niya pinansin, sa halip ay nginitian lang naman niya ang mga ito.
Naramdaman naman ni Alyssa ang pag-upo ni Franco sa tabi niya.
"Okay. Let's pray," mayamaya ay narinig niyang wika ni Tita Dana.
Ipinikit naman ni Audrey ang mga mata nang magsimulang magdasal si Tita Dana.
"Amen."
Lihim na napangiti si Alyssa nang marinig niya ang malakas na boses na iyon ng anak ni Kuya Francis na si Callah.
"Callah, quiet lang, ha," narinig niyang wika ni Ate Victoria dito.
"Opo, Nanay," sagot naman nito sa ina nito.
"Kain na kayo," wika naman ni Tita Dana.
Nakita naman niyang kumilos naman ang lahat para kumain. Kumilos din naman si Alyssa, nagsandok siya ng kanin at sa halip na sa plato niya ilagay ang kanin na sinandok ay sa plato ni Franco niya iyon inilagay.
Wala siyang alam sa pakikipag-boyfriend dahil wala pa siyang karanasan. Gaya ng sinabi niya ay no boyfriend since birth siya. Ginaya na lang niya ang nakikita niya sa kaibigang si Krissa kapag kasama nito ang boyfriend nitong si Alvin. Nakikita niya ang pag-aasikaso nito sa lalaki kaya ginaya din niya.
At gusto din niyang gampanan ng maayos ang pagpapanggap niya para kapag bumalik si Audrey, maayos pa din ang dalawa.
Nang malagyan niya ng kanin ang plato ni Franco ay isinunod niya ang ulam.
At mayamaya ay napatigil siya sa paglalagay ng ulam sa plato nito ng maramdaman niya ang init ng titig ni Franco sa kanya. At nang mag-angat siya ng tingin dito ay nakita niyang nakatitig ito sa kanya.
Wala siyang makitang emosyon sa mga mata nito. But his intense gaze was fixed on her. At hindi lang ang titig nito ang nararamdaman niya, parang may ibang nakatitig sa kanya.
And she was right, dahil nang tumingin siya sa harap ay napansin niyang nakatingin sa kanya si Ate Danielle at Ate Denisse, bakas sa ekspresyon ng mga mata ang hindi makapaniwala.
At doon napansin ni Alyssa na siya lang yata ang babaeng nag-aasikaso kay Franco dahil nakita niya si Kuya Francis, Kuya Ford, Frank at si Friedrich na inasikaso ang asawa, fiancee at girlfriend. Pati nga din si Tito Franco, inaasikaso din nito si Tita Dana.
At nang sandaling iyon, kahit na hindi nakatingin si Alyssa sa sariling repleksiyon sa salamin ay alam niyang pulang-pula ang magkabilang pisngi niya.