Chapter 6

1648 Words
BIYERNES. At araw kung kailan magaganap ang family dinner ng boyfriend ni Audrey na si Franco Dawson. Sa totoo lang, inakala talaga niya na iyong may edad na lalaki ang boyfriend nito. Inakala niya na pumatol ang kakambal sa may edad na. Iyon pala ay kapangalan lang nito ang boyfriend ng kambal. At ang boyfriend nito ay ang lalaking nabunggo pa niya sa coffee shop noon. Masyado talagang mapaglaro ang tadhana, naisip niya. Naipaisip nga din ni Alyssa kung kailan nagsimula ang relasyon ng dalawa. Siguro bago lang dahil noong nangyari ang insidente sa coffee shop ay parang hindi naman siya nito kilala o ni Audrey. Naisio niyang baka pagkatapos ng insidente bago nagkakilala ang dalawa. At ang tanong niya? Namukhaan din kaya nito si Audrey? Naalala kaya nito sa kakambal niya ang naging engkwentro nilang dalawa sa coffee shop noon? At sa loob nga ng buong araw ay wala siyang ginawa kundi basahin ang profile ng pamilya ni Franco. Kinabisado niya ang lahat ng pangalan at mukha ng mga ito para hindi siya magkamali once na makita na niya ang mga ito. Baka kasi magtaka ang pamilya nito kung hindi niya kilala ang mga ito. Pero mas kinilala ni Alyssa si Franco. Dito kasi siya nag-focus, siyempre kapag nagsimula na siyang magpanggap ay mas makakasama niya lagi ang lalaki. At dapat hindi siya nito mahahalata na ibang tao para hindi sila mabuko agad. At habang wala pa ang family dinner ay muli niyang binasa ang profile ng mga ito. Nag-search nga din siya sa internet at mukhang kilala ang pamilya De Asis dahil mase-search ang pangalan ng mga ito sa internet. At sikat ang De Asis sa Business world. Dahil lahat yata ng anak ni Franco at Dana De Asis ay may kanya-kanyang kompanya. At major stock holder din ang mga ito sa ibang kompanya. At habang palapit na palapit ang oras ay hindi napigilan ni Alyssa ang makaramdam ng kaba ng sandaling iyon. Kinakabahan na siya sa mangyayari sa pangalawang beses na paghaharap nila ni Franco at sa mangyayari mamaya sa dinner. Iniwan din pala ni Audrey ang cellphone nito. At iyon daw muna ang gamitin niya pansamantala dahil doon daw ito kino-contact ni Franco. Hawak-hawak nga din ni Alyssa ang cellphone ni Audrey. At hindi nga din niya napigilan na kalikutin iyon at mukhang bago lang ang simcard nito dahil iilan lang ang naka-save na numero doon. Hindi nga din niya napigilan na tingnan ang inbox nito. Nagdalawang isip pa siya kung bubuksan niya ang convo ng dalawa, baka kasi may mabasa pa siya doon na dapat ang dalawa lang ang nakakaalam. Ganoon kasi ang kaibigan niyang si Krissa, minsan may pagka-green ang convo ng boyfriend nito. Minsan kasi ay pinabasa iyon sa kanya ng kaibigan. At na-eskandalo siya sa nabasa, pulang-pula nga din ang pisngi niya. Pinagtawanan pa nga siya ni Krissa sa naging reaksiyon niya sa nabasa. At sinabihan pa siya nito na maiintindihan niya ito kapag nagka-boyfriend na siya. Ipinilig na lang ni Alyssa ang ulo para alisin iyon sa isip niya. At napag-desisyonan din niyang buksan ang convo ng dalawa. At hindi napigilan ni Alyssa ang mapataas ng isang kilay nang makita ang convo ng mga ito. Masyadong stiff. Parang one liner ang dalawa o hindi lang mahilig ang mga ito sa text-text. O, baka naman sa tawag nag-uusap ang mga ito. At mayamaya ay muntik ng mabitawan ni Alyssa ang cellphone ng biglang tumunog iyon. At ganoon na nga lang din ang panlalaki ng kanyang mga mata nang makita niya kung sino ang tumatawag sa numero ni Audrey. Si Franco Dawson! At tama nga siya na walang hilig ang dalawa sa text-text. Saglit naman siyang napatitig sa pangalan nito sa screen ng cellphone. Pero nang makabawi sa pagkabigla ay agad niyang sinagot ang tawag nito. "H-hello?" Lihim nga niyang pinagalitan ang sarili dahil sa pagkautal ng boses niya. "Audrey." Kinagat ni Alyssa ang labi nang marinig niya ang buong-buong boses na iyon ni Franco mula sa kabilang linya. Hindi lang sa hitsura nito ang gwapo, pati sa boses nito, tunog gwapo din. "Yes?" "I'll remind you about the dinner," wika nito sa kanya. "Hindi...mo naman ako kailangan i-remind dahil hindi ko naman nakalimutan," sagot niya dito. Well, totoo naman. Hindi niya nakalimutan ang tungkol sa dinner dahil pinaghahandaan talaga niya. "It's good to hear then," sagot nito sa kanya. “Be ready at 6 PM. I’ll pick you up,” dagdag pa na wika nito. Bubuka sana ang bibig niya para magsalita nang mapatigil siya nang babaan siya ni Franco ng tawag. Napakurap-kurap naman siya ng mga mata nang mapatitig siya sa cellphone na hawak. Nagpakawala naman siya ng malalim na buntong-hininga. At nang malapit na ang oras ay doon lang siya kumilos. Pumasok siya sa banyo ay saka siya naligo. Hindi naman siya masyado nagtagal doon dahil agad siyang natapos. Suot niya ang roba nang lumabas siya ng banyo at lumapit sa walk in closet ni Audrey para maghanap ng isusuot. At mukhang bago pa ang lahat ng damit at dress na naroon dahil nakita niyang may tag pa. Naghanap naman siya ng isusuot niya para sa dinner. Puro dress ang nakita niya, mukhang iyon lagi ang isinusuot ng kambal. At kahit na hindi siya komportable sa ganoon suot ay wala siyang choice kundi mamili ng isusuot doon. Napili naman ni Alyssa na isuot ang isang off-shoulder dress na pastel color. Hanggang tuhod ang haba niyon at sa tingin naman niya ay bagay iyon sa kanya. At dahil magkasing-katawan sila ng kakambal ay sakto ang dress sa kanya. Humarap naman siya sa vanity mirror. Pinatuyo niya ang basang buhok. Nag-isip naman siya kung ano ang gagawin niya sa buhok. Inalala naman niya kung ano ang style ng ayos ng buhok ni Audrey, una niyang nakita na naka-ponytail ito. Gusto sana niyang ilugay ang mahabang buhok pero baka laging naka-ponytail ang kambal kaya pinusod na lang niya ang buhok. May kumawalang hibla pa nga mula sa pagkakapusod niya pero hinayaan na lang ni Alyssa. Ang mukha naman niya ang sunod niyang tiningnan. Kunting make-up lang siguro ang kailangan niya. Natural naman na kasing malalantik ang pilik mata niya, makapal at may shape na din ang kilay niya. Natural din na mamula-mula ang pisngi at labi. At dahil sopistikadang tingnan si Audrey ay ginaya na lang din niya. Hindi naman siya masyado marunong mag-ayos pero kaya naman niyang ayusan ang sarili. Tiningnan nga din ni Alyssa ang pabango ni Audrey na naroon. At bago niya ini-spray iyon sa katawan ay inamoy muna niya. Mabango naman iyon pero hindi siya sanay sa amoy kaya ibinalik na lang niya. Iyong pabango na lang niya ang gagamitin, hindi naman siguro siya aamuyin ni Franco. At hindi naman nagtagal ay tapos na siya. Hihintayin na lang niya ang pagdating ni Franco. At saktong alas sais nang tumunog ang cellphone niya. At nang makitang si Franco ay agad niyang sinagot ang tawag nito. “I’m already downstairs, at the parking lot," imporma sa kanya ni Franco. "S-sige, bababa na ako," sagot naman niya dito. At nang ibaba niya ang tawag ay tumayo na din siya. At bago siya lumabas ng condo ay pumunta muna siya sa kusina para kunin ang binili niyang cookies na dadalhin niya sa family dinner. Sigurado kasi si Audrey na may dala lagi ito kapag naiimbitahan ito sa dinner. Hindi naman siguro ito nagpupunta doon na walang dala. Kaya bumili na din siya. Medyo mahal nga ang pinagbili niya sa cookies. Medyo nasayangan nga siya sa pera, sa susunod nga, magluluto na lang siya at iyon ang dadalhin niya kapag muli siyang naimbitahan nito. Nang makuha iyon ay agad siyang lumabas ng bahay. At habang sakay nga ng elevator ay grabe ang bilis ng t***k ng puso niya dahil sa kaba. Pilit naman niyang kinakalma ang puso, kailangan niya iyong gawin baka kasi hindi gumana ang utak niya kapag kinakabahan siya. At nang makalabas ay agad niyang iginala ang tingin sa paligid. Hanggang sa nakita niya si Franco Dawson, nasa labas ito ng kotse. Nakita niyang nakasandal ito sa hamba ng kotse habang ang atensiyon ay nasa hawak nitong cellphone. At sa halip na lumapit ay nanatili si Alyssa sa kinatatayuan at pinagmasdan ito. Franco Dawson was undeniably handsome, especially in his white long-sleeved shirt with the sleeves rolled up to his elbows. She couldn’t help but notice the way his brows slightly furrowed. At mayamaya ay napaayos si Alyssa mula sa pagkakatayo ng biglang nag-angat ng tingin si Franco, mukhang naramdaman nito na may nakatitig dito. At hindi maipaliwanag ni Alyssa kung bakit biglang bumilis ang t***k nang puso niya ng magtama ang mga mata nila. At nang mapansin na halos mag-isang linya na ang mga kilay nito ay doon lang siya nagpatuloy sa paglalakad. Halos humigpit nga din ang pagkakahawak niya sa paperbag na may lamang cookies nang humakbang siya palapit, ramdam nga din niya ang panginginig ng mga binti. Franco was still staring at her. At nang makalapit ay umalis ito mula sa pagkakasandal sa kotse. Franco towered above her, forcing her to tilt her head to meet his eyes. Hindi naman niya alam kung ano ang gagawin. Kung ano ba ang ginagawa ni Audrey kapag magkaharap ang dalawa. At dahil hindi siya nito na-orient tungkol do'n ay ginaya na lang niya ang madalas na ginagawa ni Krissa kapag nagkita ito at ng boyfriend nitong si Alvin. Tumingkayad si Alyssa para bigyan ng halik si Franco sa pisngi. Siyempre, sa pisngi dahil hindi naman niya ito pwedeng halikan doon dahil nagpapanggap pa lang naman siya. At exclusive lang ang labi nito sa kambal. At sa ginawa niya ay naramdaman niya ang natigilan si Franco Dawson pero hindi niya iyon pinansin. At nang ilayo niya ang mukha dito ay nginitian niya ito. He was still staring at her, eyes fixed and unblinking. "Hi, Franco," bati niya dito na nakangiti.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD