Chapter 5

1812 Words
"ANO!?" Senenyasan ni Alyssa ang kaibigang si Krissa na hinaan ang boses nito matapos niyang i-kwento dito ang nangyaring pagkikita nilang dalawa ng kambal na si Audrey. Sa lakas kasi ng boses ng kaibigan ay siguradong abot ang boses nito sa kapitbahay nila. Hindi kasi makapaniwala si Krissa sa mga kwenento niya. Una ay sinabi niya ang tungkol sa kakambal na kamukhang-kamukha niya. Pangalawa ay iyong gustong mangyari ni Audre para tulungan siya nito sa problema niya. "Nahihibang na ba iyang kakambal mo? Para tulungan ka, kailangan mo ding tulungan siya? At gusto ka pa niyang magpanggap ka na siya sa harap ng boyfriend niya?" Hindi makapaniwalang tanong nito sa kanya. Siya nga din, hindi siya makapaniwala sa gustong mangyari ni Audrey. Hindi siya makapaniwala na gusto siya nitong pagpanggapin na ito sa harap at sa mismong pamilya ng boyfriend nito. Akala nga ni Alyssa ay binibiro lang siya nito sa sinabi pero mukhang hindi ito nagbibiro. At dahil kailangan niya ng pera ay tinanggap na lang niya ang gusto nito para mawala na ang problema niya. Hindi din naman kasi niya kaya na mawala sa kanya ang bahay at lupa dahil iyon na lang ang natitirang alala ng ina sa kanya. At pangalawa, kung mawawala sa kanya ang bahay, saan naman siya titira? "Baka may problema ang boyfriend niya kaya gusto ka niyang magpanggap, Alyssa," wika ni Krissa, nanlalaki ang mga mata. "Sadista o hindi kaya baka pangit," dagdag pa na wika nito. "B-baka hindi naman," sagot niya dito. Kung may problema, sadista o hindi kaya pangit ang lalaki ay sigurado naman siya na iiwan ito ni Audrey. Sa tingin naman niya ay hindi ito mananatili sa isang relasyon na ganoon ang dahilan. "Eh, anong dahilan naman kung bakit gusto ka niyang magpanggap na siya kung hindi sa mga dahilan na iyon?" tanong nito sa kanya. Saglit naman siyang hindi nakapagsalita. Nag-iisip kasi siya ng posibleng dahilan kung bakit gusto ni Audrey na magpanggap siya. Hindi kasi niya ito natanong kung ano ang dahilan nito kung bakit gusto nitong magpanggap siya bilang ito. "Baka boyfriend for convenience," wika niya nang may naisip siya. "Hindi ba uso iyon sa mga mayayaman. Iyong marriage for conveniene or arrange marriage," pagpapatuloy niya. At dahil hindi pa naman kasal ang dalawa kaya naisip niyang boyfriend for convenience lang ang relasyon ng dalawa. "Baka pinilit lang sila ng magka-relasyon dahil sa business. Ganoon ang mga mayayaman, hindi ba?" At mukhang sumang-ayon si Krissa sa sinabi niya dahil napansin niya ang pagtango-tango nito. "Sabagay. Mayaman naman pala ang ama at ang kakambal mo. Posible ngang iyon ang dahilan niya kung bakit gusto ka niyang magpanggap ka bilang siya," wika nito sa kanya. "Pero paano iyon, Alyssa? Paano kung mahalata ka noong boyfriend niya na hindi ka si Audrey?" "Iyan din ang sinabi ko sa kanya. Oo, identical twins kaming dalawa ni Audrey. Pero sa paraan ng pananamit namin, magkaibang-magkaiba ka. Napaka-sopistikada ni Audrey," wika niya sa kaibigan. "Pero sabi niya sa akin ay hindi daw niya ako mahahalata. Basta gampanan ko lang daw ng maayos ang pagiging girlfriend ko." "'Di pati iyon?" "Anong pati iyon?" tanong niyo dito. Sa halip na sagutin siya ay ngumuso ito. Hindi naman niya napigilan ang mapakunot ng noo habang nakatingin siya dito. "Ano?" "Paano kung ikiss ka niya?" Hindi naman napigilan ni Alyssa ang manlaki ng mga mata sa sinabi ito. Hindi ba ganoon ang mag-boyfriend and girlfriend? Nagki-kiss sa isa't isa. Parang kami ni Alvin," wika nito, tinutukoy nito ay ang boyfriend nito na ka-trabaho nito. "H-hindi naman siguro," wika niya. "Anong hindi naman siguro?" ulit ni Krissa sa sinabi niya. "Sinabi ng kakambal mo na gampanan mo ng maayos ang pagpapanggap bilang siya sa boyfriend niya. At bilang magka-relasyon ay natural na maghalikan kayo kahit na boyfriend for convenience lang iyon," dagdag pa na wika ng kaibigan sa kanya. Nang marinig iyon ni Alyssa ay parang gusto niyang magback out sa usapan nila ni Audrey. Alyssa is already twenty-four years old and has never had a boyfriend. Hindi pa nga niya nasusubukan na makipag-holding hands sa opposite s*x, lalo na ang makipaghalikan. Marami naman siyang manliligaw pero wala siyang ini-ertain dahil nga busy siya. At saka inaalagaan niya ang Mama niya, baka wala din siyang time. And now, with just one snap of her fingers, she would suddenly have an instant boyfriend, someone she didn’t know, someone whose face she had never even seen. At may posibilidad din na baka maging first kiss niya ito dahil sa pagpapanggap niya bilang si Audrey. Gusto niyang mag-back out pero alam niyang hindi na pwede dahil naibigay na sa kanya ni Audrey ang kalahati ng perang kailangan niya at naibayad na niya iyon sa pinagkakautangan nila. At akmang bubuka ang bibig niya para magsalita nang mapatigil siya ng tumunog ang cellphone na nasa gilid niya. Kinuha naman niya iyon para tingnan kung sino ang tumatawag at bahagyang namilog ang mata niya nang makita kung sino ang tumatawag. "Sino ang tumatawag?" tanong ni Krissa sa kanya. "Si...Audrey," sagot niya dito. "Kausapin ko lang," wika niya bago sinagot ang tawag. "Hello?" "Alyssa," wika naman nito sa kanya mula sa kabilang linya. "Napatawag ka?" "Tungkol sa pinag-usapan natin. Franco and his family are having dinner this coming Friday,” wika nito sa dahilan kung bakit ito tumawag. “And this coming Friday, what we discussed will begin. You will attend the De Asis family dinner in my place.” NANG tawagan siya ni Audrey para sabihin sa kanya na mag-uumpisa na siyang magpanggap na ito sa darating na biyernes dahil may family dinner ang boyfriend nito ay sinabihan siya ng kakambal na bago dumating ang araw na iyon ay kailangan na niyang lumawas ng Manila para daw ma-orient siya nito tungkol sa boyfriend at sa pamilya nito. Kaya dalawang araw bago mag-biyernes ay tinawagan niya si Audrey para sabihin dito na luluwas na siya ng Manila. Sinabi naman nito sa kanya na ipapasundo siya nito sa terminal ng bus. At gaya ng sinabi nito ay may sumundo nga sa kanya sa terminal ng bus. At inakala nga din ni Alyssa noong una na sa mansion siya dadalhin ng sumundo sa kanya. Pero sa halip ay sa isang condo. At pagmamay-ari iyon ng kakambal. Inaasahan nga din ni Alyssa na sasalubong sa kanya doon si Audrey pero pagdating niya doon ay wala naman ito. Sa halip na makausap niya ito ng personal ay tinawagan siya nito. "Nasaan ka?" tanong ni Alyssa dito. "May pinuntahan akong importante," sagot naman nito sa kanya. Hindi naman napigilan ni Alyssa ang mapakunot ng noo sa sinabi nito. "Akala ko ba ay i-o-orient mo ako tungkol sa boyfriend mo at sa pamilya niya?" “I won’t be able to orient you myself, Alyssa. Pero may iniwan akong folder siya sa ibabaw ng center table." Napatingin naman si Alyssa sa center table at nakita niya ang sinasabi nitong folder. "At laman ng folder na iyan ay ang profie background ni Franco," sagot nito sa kanya. "F-franco?" balik tanong niya. "Yes. That's the name of my boyfriend," sagot ni Audrey. "At hindi lang background profile ni Franco ang nandiyan, pati na din ang mga magulang at mga kapatid niya," pagpapatuloy na wika niya. "Kailangan mong kilalanin silang mabuti, Alyssa," wika nito sa kanya. "O-okay," sagot nito sa kanya. Hindi na nga din nito pinatagal ang pag-uusap nila dahil nagpaalam na ito. "Sandali-- Hindi na niya natapos ang ibang sasabihin ng mawala na sa kabilang linya si Audrey. Nagpakawala na lang si Alyssa ng malalim na buntong-hininga. Pagkatapos niyon ay ibinaba niya ang cellphone at kinuha niya ang folder na sinasabi nito. Saglit na nakatitig si Alyssa sa folder hanggang sa napagpasyahan niyang buksan. At tumambad sa kanya ang solo picture ng isang lalaki. Hindi nga din niya napigilan ang manlaki ng mga mata nang makita niya ang mukha ng isang lalaki na nasa solo picture. Mabilis naman ng bumaba ang tingin niya sa pangalan na nakasulat dito. Franco De Asis. Basa ni Alyssa sa pangalan ng lalaki. Franco? Iyon ang binanggit na pangalan ni Audrey na boyfriend nito. Ibinalik niya ang tingin sa picture at mas lalong nanlaki ang mga mata niya. Iyon ba ang boyfriend ni Audrey? May edad na kasi ang Franco na sinasabi nito. Oo, gwapo at mukhang matikas pa pero may edad na ito. Papasa na nga ito bilang ama niya. At hindi din niya sukat akalain na iyon ang boyfriend ng kakambal. No wonder, gusto siya nitong magpanggap na ito sa boyfriend nito dahil sa age gap. Sugar Daddy ba ito ni Audrey? Nanginginig ang kamay na tiningnan pa niya ang ibang picture na hawak. At tumambad sa kanya ang magandang babae. At nang basahin niya ang pangalan ay Danielle, anak yata ito ng boyfriend ni Audrey. Mukhang may stepdaughter ang kakambal na mas matanda dito. May isa pang babae siyang nakita sa picture at Denisse naman ang pangalan, anak din ni Franco. May picture din ng isang may edad na babae. Pero kahit na sa kabila ng edad ay mababakas pa din ang ganda nito. Ex-wife ba iyon ni Franco? Bakit nito hiniwalayan, eh, ang ganda-ganda! Muli niyang tiningnan ang picture. At nakita niya ang mga nag-gwa-gwapuhang mga lalaki. Para ngang nakatingin siya sa male magazine dahil walang tulak kabigin ang hitsura ng mga ito. At may pagkakahawig lahat kay Franco. Mukhang anak nito ang lahat ng iyon. At muli niyang binuklat ang panghuling litraro. At hindi napatigil si Alyssa nang mapatigil ang tingin niya sa lalaki. Oo, may similarity lahat ang mga anak ni Franco. Lahat gwapo. Pero iba ang dating ng lalaki na nasa picture. Hindi nga niya maipaliwanag kung bakit hindi niya maalis ang tingin sa picture nito. At habang tumatagal na nakatitig siya ay parang nagiging pamilyar ang mukha nito sa kanya. Parang nakita na niya ang lalaki. Pilit naman niyang inaalala kung saan niya ito nakita at ganoon na lang ang pamimilog ng mga mata nang maalala niya. Ito iyong lalaking binigyan niya ng five hundred sa coffee shop! Anak din ito ni Franco na boyfriend ng kakambal? Magiging anak din niya ito pansamantala habang nagpapanggap siya? Parang hindi niya kayang tawagin na anak ito. Bakit parang gustong tumanggi ng isip at puso niya? Mabilis namang bumaba ang tingin niya sa pangalan nitong nasa ibaba. Franco Dawson De Asis. Kumunot ang noo niya nang mabasa niya ang pangalan nito. Franco din ang pangalan nito? Sino sa dalawang Franco ang boyfriend ni Audrey? At para masagot ang tanong niya ay tinawagan niya ang kakambal. At matagal bago nito sinagot ang tawag niya. "Audrey, sinong Franco ang boyfriend mo?" tanong niya. “Who else would it be? Franco Dawson De Asis, of course.” Kasabay ng pag-awang ng labi ni Alyssa ay ang pagbilis ng t***k ng puso niya sa narinig na sagot nito sa tanong niya. Franco Dawson is her twin sister’s boyfriend!
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD