Ngunit hindi pa pala roon nagtatapos ang pag-angkin nila sa isa’t-isa. Pikit-matang sumunod si Daphne nang iniutos ni Franco na i-drive ang kotse papasok sa kahuyan. Para siyang nagayuma at tila nawalan ng lakas na tutulan ito. Nang matantiya na kaya nang ikubli ng mga kahoy ang kanilang sasakyan ay niyaya siya nito na lumabas. Hawak ang kanyang kamay ay iginiya siya ng lalaki sa unahan ng kotse. Madilim sa paligid at tanging ang bukas na ilaw lamang sa loob ng kotse ang nagsilbing tanglaw nila. Hinubad nito ang suot na leather jacket at inilatag sa hood ng kotse at inutusan siya na humiga rito. Parang wala na siya sa tamang katinuan. Ang nasa isip niya ay kung paano siya nito aangkinin sa ganoong sitwasyon. At nababaliw siya sa ideyang iyon. Nang makahiga sa hood paharap kay Franco a

