Isang masaganang almusal ang inihanda ni Gerone para kay Daphne. Ito mismo ang naghanda ng pagkain at nagdala sa kaniya sa kama. Nang magising siya ay pinaupo lang siya nito sa kama at sinubuan. Asikasong-asikaso siya ng asawa kung kaya nakadama siya nang panliliit sa harap nito. Unti-unti na siyang inaatake ng guilt. Paano kaya kung malaman ni Gerone na kagabi lang ay nagmistula siyang babaeng pakawala? Na ibinigay niya ang kanyang virginity sa isang estranghero? Na ganoon pala siya kahina pagdating sa tawag ng laman? “I’m sorry, hon,” mahinang sabi niya habang pinapanood ang asawa na nagtatalop ng orange para sa kanya. “Sorry for what?” Tumitig sa kanya ang maamong mga mata ng asawa. Tumungo na lang si Daphne upang maiwasan ang tila makahulugang titig sa kanya ng asawa. She felt th

