“How are you, iha?” Nagulat si Daphne sa biglang pangungumusta ni mommy Elaine. Simula na ng kampanya at lubhang abala na ang kanyang mga magulang kung kaya hindi niya inaasahan ang pagtawag nito. Ganoon pa man ay ikinasiya niya ang pag-aalala sa kanya ng kaniyang ina. Hindi siya masyadong close kay mommy Elaine. Si Dorcas ang pet nito samantalang siya naman ang pet ng kanilang daddy Rodante. Marahil ay dahil alam ng kaniyang mommy na may pinagdadaanan siya kung kaya nadadalas ang pagtawag nito sa kanya. “I’m not okay, mommy,” malungkot na tugon niya. “But I’m trying to be okay.” Napabuntong-hininga ang kaniyang mommy. Tila naramdaman nito ang hirap na kaniyang pinagdadaanan. “I’m sorry to hear that, anak. Pero hindi ko pa puwedeng sabihin sa daddy mo ang nangyayari sa pagsasama ninyo

