Kinikilig na pumasok si Maxine sa loob ng silid ng binata dahil sa sabik. Nais na niya ipaalam sa kaniyang mga kaibigan ang tunay niyang nararamdaman kay Jin. "I didn't expect na gan'to kasimple room niya. Lalaking lalaki talaga ang datingan at amoy niya rin ang buong room, ang bango," bulong ni Maxine habang nililibot ang sarili. "Baliw na yata ako. Pati amoy niya kabisado ko na," natatawa niyang usap. "Oh, yeah! Muntik ko na makalimutan. Where's the ano ba, where's the telephone or computer ba rito?" Nilibot niya ang buong silid upang maghanap. Sa kaniyang paghahanap, sunod niyang pinuntahan ang mesa ni Jin kung saan nagtatrabaho ang binata. Bakas pa sa nasabing mesa na kagagamit lang ito, magulo at nakakalat pa ang mga dokyumento na kailangan ni Jin sa kaniyang trabaho. Naisipan naman

