"Sorry… Sorry kung sa oras na kailangan kita, saka lang kita kino-contact. Sorry din sa kung paano kita tratuhin, Sinclair," paghingi ng tawad ko sa kan'ya.
"Oh! S**t!" Nagmadali niyang nilabas ang cellphone n'ya. "Nakalimutan ko i-on ang record. Ulitin mo," he said.
I was so annoyed that I promptly rose up on the bed, but it seems that my decision was wrong. I felt ache in my side, but I compelled through it. Tiningnan ko naman nang masama si Sinclair habang sinusubukang hindi s'ya bangasan ng mukha.
"Hoy. Chill, man… Chill lang, Jin. Baka 'di ko gawin pinapagawa mo sa akin." He pouted like a f**king a goose. "Joke lang naman, parang 'di mabiro. Pft! As usual…" He shook his head while grinning.
"Kung pupunta ka lang dito para mangg**o, get out of my f**king place right now," inis na sabi ko at saka hinawakan ang tagiliran ko.
"Oh, ano? Masakit, 'no? Tsk! Sabi naman kasi 'wag masyado magkikikilos. Ang kulit mong bata ka, ta's magre-request ka na payagan kita lumabas? Ewan ko rin sa 'yo... 'Pag ikaw 'di talaga nakinig, baka hindi lang isang buwan ang ibibigay ko sa iyo, baka tumagal ka pa. Ma-house-arrest ka ulit ni Chloe." He sighed while shaking his head. "Ano ba gagawin mo at gustong gusto mo lumabas?"
"F**k off," I immediately replied.
"Iyan na naman tayo sa pagiging misteryoso mo."
My phone began to ring a few moments later. I picked it up from the top of the small drawer next to the bed and looked to see who was calling.
Finally! Tumawag na rin siya.
Sinagot ko ito at binati, "Mabuti na lang at tumawag ka na."
Narinig ko mula sa kabilang linya na tumawa siya nang mahina. "'Musta naman, hijo? Balita ko napuruhan ka sa last mission mo, ah. Ch-in-eck ko lang kung buhay ka pa," sagot niya sa akin.
"Ikaw ang kumusta na… I constantly visit you at your restaurant, but you are always not there — palagi kita 'di naabutan. Baka mabalitaan ko na lang na naaagnas na ang katawan mo sa bahay mo dahil sa sobrang katandaan," nakangisi kong tugon sa kaniya.
"Sinong matanda? Baka ikaw iyon."
"You're a f**king eighty-seven. Yeah, matanda ka na nga."
"'Di pa ako matanda. Ang mga matatanda ay ang mga lagpas one hundred na, 'di pa ako one hundred one, de punggol ka."
Napangiti ako kay Aled. Talagang pinagpipilitan na bata pa siya. Maybe ganito lang talaga ang mga matatanda, nagfi-feeling na bata, Meanwhile, children thought they were grown ups and mature enough — mature enough to know everything.
Si Aled o Alejandro Guevara, s'ya ang pinaka-close kong kaibigan lalo na sa pamilya ko. Nagkakilala kami sa trabaho. Dati siyang tauhan si Sir Stephen pero dahil sa aksidente, he was unable to work. Napuruhan masyado ang binti niya at kailangan na putulin. He was my mentor, and because he had no family that time na muwian, he always came to us — he made our house his second home. Lalo tuloy kami naging magka-close. I am also extremely grateful to him, if not for him, baka tuluyan na ako maging g**o at demonyo.
Simula nang namatay si tatay, pinatay pala ng isa naming kalaban, talagang nabaliw ako at nagwala. Sinugod ko ang pumatay sa kaniya at inisa-isa sila. Wala akong pake kung marami akong tama basta lang maipaghiganti ko s'ya. I didn't notice the wounds on my body before because of my anger. I couldn't think clearly at the time.
Nagpatuloy akong basagulero ng mga ilang buwan. Kahit hindi ako utusan ni Sir Stephen ay kumukuha ako ng mga misyon at tinatapos ko agad. Ang resulta ng kilos ko ay palagiang tambay sa hospital. Hindi ko na rin pinapansin ang maliliit kong kapatid. Talagang wala akong nakita sa mga panahon na iyon, binalutan ako ng dilim at galit hanggang sa nakatikim ako ng solid na suntok mula kay Aled.
"T*****a mo, Jin! Gumising ka nga! Ano sa tingin mo ang mangyayari kapag itutuloy mo iyang kag**uhan mo, ha!? Isipin mo naman mga kapatid mo, tarantado ka!" sigaw ni Aled sa akin.
Binata na ako noon, mga seventeen yata ako noon nang mangyari iyon while six years old pa lang ang kambal.
Mga panahon na iyon ay nasa loob ako ng unang bahay na naipundar ko. Dahil sa lakas ng suntok, talagang napaupo ako sa lapag at nalasahan ang dugo sa bibig ko. Dinura ko iyon at hinawakan ang panga ko.
"Gusto mo sirain ang katawan mo?! Sige, sirain mo! Makipagsayaw ka kay kamatayan! Pero isipin mo naman ang mga kapatid mo, Jin! Isipin mo ang bilin sa iyo ng tatay mo na alagaan ang kapatid mo at maging magandang huwarang sa kanila! Ano sa tingin mo ang sasabihin n'ya kapag nakita ka niya na pinapatay mo ang katawan mo dahil sa letseng galit na iyan, ha!? Ano na lang ang sasabihin niya kapag nakita ka niya binabalewala ang kambal!? Ano na lang ang mangyayari sa kanila kapag patay ka na!? Naisip mo ba iyon, ha!? P*******a mo, Jin! Gumising ka!"
Because of what he stated, I eventually came back to my senses. My tears eventually fell as I brushed my face.
"Anong ginawa ni tatay para patayin s'ya? Mabait naman si tatay… Ba't ba kasi siya kinuha sa amin? Siya na lang ang meron ako." I cried. "Dapat ako na lang ang pinatay nila! T*****a talaga! Kasalanan ko ito, eh! Sobrang hina ko para maprotektahan si tatay! I'm so f**king weak!"
I blame myself sa nangyari kay tatay. Kung malakas lang ako, mapoprotektahan ko sana si tatay sa kanila. Buhay pa sana siya ngayon.
"Hindi lang si Albert ang meron ka, hijo."
Hindi ko namalayan noon na nakita ng kambal ang nangyari. Narinig ko na lang ang iyak nila at saka patakbo nila ako niyakap. Nanlambot ang buo kong katawan sa mga iyak at yakap nila sa akin habang hinahaplos ng mga maliliit nilang kamay ang walang kuwenta nilang kuya. Napagtanto ko na sobra-sobra ang ginawa ko sa kanila for the past few months. I hug them back so tightly and apologized to them na paulit-ulit.
Nang mahimasmasan ay nagpasalamat ako kay Aled sa ginawa niyang paggising sa akin. Bumawi ako sa kambal sa ilang buwan ko pagbabalewala sa kanila. Humingi rin ako ng dispensa sa grupo dahil nadamay sila sa katarantaduhan ko, fortunately, agad nila ako pinatawad.
Simula noon, nagpalakas pa ako lalo. Nagpayaman at pinabango ang pangalan lalo na sa business industry. I did all of that to protect the twins at maibigay ang lahat-lahat sa kanila.
"Punta ako mamaya sa inyo. Dadalhan ko ng pagkain ang kambal at mainsulto na rin kita," masayang usap ni Aled mula sa kabilang linya.
"Sila talaga ang inisip mo? Ako iyong nasaktan?" I smirked.
"Malaki ka na. Kaya mo na ang sarili mo. Huwag kayo magluluto, ah… Uubusin natin ang pagkain na dadalhin ko."
"Matagal-tagal na rin ang huli kong kain ng luto mo... Fine. Sabihan ko ang kambal. I'm sure na mae-excite sila 'pag nalaman nila na dadalaw ka tonight."
"Aba, dapat lang!" Sabay siyang humalakhak, pagkatapos ay binabaan na n'ya ako.
Aled also taught me how to cook. Tinuruan niya ako noong namatay si tatay. Nagpaturo ako magluto para sa amin ding magkakapatid. Noon kasi si tatay ang nagluluto ng pagkain namin at sa oras na ako ay umuuwi, talagang hinahanap-hanap ko ang amoy ng bago niyang luto.
And now, in the present, sinusubukan kong gawin ang lahat ng mga ginawa sa akin ni tatay sa kambal; kung paano niya ako alagaan, pangaralan, at paglutuan. Even though I didn't inherit my father's delicious cooking, somehow I was able to imitate his recipes, particularly his special dish — hamonado.
In the evening, while Sinclair was still teasing me, Aled arrived.
"Lolo Aled!" The twins greeted and hugged him.
Aled gives them a cheerful grin at niyaya silang kumain.
"'Yown… Tamang tama, gutom na rin ako," singit ni Sinclair at saka sinundan niya ang matanda.
Inihanda ni nanay ang inuwing pagkain ni Aled at laking tuwa ko na makita ito sa hapag-kainan.
"Hamonado, ha?" I exclaimed gladly to Aled na nakaupo sa right side ko.
"Favourite mo iyan, eh." Then he winked.
Nang makain ko ito ay muli ko nalasap ang palaging niluluto sa akin ni tatay noon. Kuhang kuha talaga ni Aled ang luto ni tatay, samantala ako, hirap na hirap. Gumaan ang pakiramdam ko nang matikman ko ulit ito.
Sabay naming inubos ang dalang pagkain ni Aled kasama si nanay. Naging maingay ang gabing iyon sa tulong na madaldal na si Sinclair at ni Aled. Maingay pero hindi nakakaringging pakinggan.