21. MEET AGAIN

1513 Words
"F**k! Naalala ko na!" mura ni Jin. "That's why I'm so anxious and eager to get out 'cause I'm planning to see Maxine," inis na bulong niya sa sarili. Nang gabing bumisita si Alejandro sa kanilang mansyon, naalala ni Jin ang tungkol kay Maxine. Agad niya hinila si Sinclair palayo sa kaniyang pamilya. "Aray, ah. Careful ka naman, man. Masyadong sensitive ang body and soul ko," usap ni Sinclair habang pinapagpagan ang kaliwang braso na hinatak ni Jin. "Sinclair, I need your permission to go out. Kailangan na kailangan ko na," mabilis na banggit ni Jin. "Wow… Halata nga na nagmamadali ka. Ibibigay ko lang iyon if you explain why. 'Wag mo sabihin na babalik ka ulit sa work mo. Dang, man... 'Di ka talaga nadadala, 'no? 'Di pa nga p'wede sa iyo ang magtrabaho lalo na't napaka-extreme ng trabaho mo," tarantang tugon ni Sinclair. "That's not the case. Basta gawin mo na lang." "Tsk! Kahit kailan napaka-bossy mo. Tatanong lang, eh, galit na?" Nainis si Sinclair sa kaibigan at siya ay ngumuso. Padabog itong naglakad pabalik sa dining area kung nasaan ang iba. "At saan ka naman pupunta?" Pinigilan niya si Sinclair na umalis. "Relax lang, man. Sasabihin ko lang ang 'magandang balita' about sa iyo. You're welcome." Saka niya tinapik sa balikat si Jin. Naglakad papunta sa gitna si Sinclair at umubo upang makuha niya ang atensyon ng lahat. "Since we're having a good time tonight, may good news ako ishe-share sa inyo at iyon ay," sabay siya tumingin kay Jin at tinuro siya, "dahil sa magandang resulta na pinakita niya, he has the power to move and do whatever he wanted. He is now able to perform simple exercises para na rin sa ikalalakas ng body n'ya." "Oh! Iyon naman pala, eh. Tamang tama, Jin, kailangan ko tulong mo," banggit ni Alejandro, sabay siyang tumayo. "Umm… Excuse me, lolo Aled… Nakita niyo naman na 'di pa kaya ni kuya so 'wag niyo muna siya utusan. Stay at home ka muna." Tiningnan ni Chloe si Jin nang masama kahit siya ay nakangiti. "May tama lang ang braso ko but it doesn't mean na baldado na ako," mabilis na tugon ni Jin. "'Di naman ako masamang tao, Chloe, 'di tulad ng kuya mo. 'Di ko naman pagbubuhatin o ano iyang kuya mo. Kung iyon ang gagawin ko, 'di sana sa mga employer ko na lang inutos iyon," natatawang usap ni Alejandro sa dalaga. "Talagang masyadong love ng batang ito ang kuya niya." Naglakad siya papunta kay Chloe habang masayang sumasayaw. Pagkatapos ay hinalikan niya ito sa ulo. "Naman, eh…" inis na usap ni Chloe sa kaniya, saka niya hinawi ang matanda paalis sa kaniya. "What can I do for you?" tanong ni Jin kay Alejandro habang palapit sa kaniya. "Actually, malaki," seryoso niyang sagot. "Isa sa rason ko kung bakit din ako pumunta ay dahil sa iyo." Sabay tapik niya sa likod ng binata at nilingunan sila. "Oh, siya. Kami'y mauuna na." "Bye, lo. Ingat sila sa iyo," paalam ni Chris. "Oo naman, lalo na ang mga babae." Saka niya kinindatan ang binata at ngumisi. "Bye, lo. Make sure na hindi mabigat ang iuutos mo kay kuya," paalam naman ni Chloe at saka niya niyakap ang matanda. "Of course, my love. Alam ko naman ang consequences kapag ginawa ko iyan. Baka 'di mo na ako tawaging lolo. Ma-banned pa ako sa inyo." Tumawa ang matanda sa kaniya. Lumabas silang lahat sa mansyon upang magpaalam. Nakatayo sa labas ng malaki nilang pinto, patuloy nila kinakawayan ang dalawa. Si Alejandro ang siyang nagmaneho samantala nasa passenger seat naman si Jin. Habang nasa biyahe, tinanong muli ni Jin ang matanda, "Tungkol saan ba, Aled?" "Well, need ko lang utak mo, especially sa negosyo ko." Kibit-balikat na sinagot ng matanda ang binata. "Ang totoo niyan, para kasing may napuna ako sa pera… tila ba may may mali sa pera na pumapasok sa restaurant. Ni-review ko naman ang sales, cost ng ingredients… pero parang may mga pera sa restaurant na nawawala." "May mga ahas sa restaurant mo, obvious naman. Dalawa lang ang nasa isip ko, manager mo ang salarin o baka naman iyong magaling mong apo." "Imposible na siya ang kumuha, kilala ko ang apo ko, 'pag kailangan niya ang pera hihingi na lang siya sa akin at hindi mangungupit." "You don't know what you're talking about. As I told you, your grandchild is not an angel, as you think, Aled. Amoy na amoy ko ang mga g**o lalo na't katulad ko," nakangising usap ni Jin. "At 'wag mo isusumbat sa akin na nagka-college siya at may alam. Kahit edukada iyang magaling mong apo, g**o pa rin 'yan. "I don't get it. When it comes to your grandchild, you are blind and deaf. Pinagpipilitan mo talaga na katulad siya ng mga magulang niyang anghel. I already told you, kahit mabait ang magulang kung may tarantado sa pamilya ay talagang magiging katulad din siya ng bata." Saka siya tumingin kay Alejandro. "Aba! 'Di ko gusto tabas ng dila mo, ah. Ang ibig mong sabihin ay nagmana sa akin si Leslie, ha?" "I'm not saying anything like that. Ikaw 'yon," nakangising tugon niya. Hindi na nagsalita pa ang matanda at tinuon na lamang ang atensyon sa daan. Nang gabing iyon, dumiretso ang dalawa sa isang silid sa loob ng restaurant ng matanda. Pinakita ni Alejandro ang files na nasa laptop at saka naman ito sinuri ni Jin. Lumabas si Jin sa silid, sa loob siya ng restaurant pumunta upang doon gumawa at um-order ng kape. Umupo siya sa gilid nito at nagmasid, pinagmasdan niya ang buong loob ng restaurant ganoon din ang mga empleyado ni Alejandro para mamanmanan ang mga empleyado ng matanda. Habang siya ay nagmamasid, tila ba huminto ang kaniyang paligid nang makita niya si Maxine na lumabas sa kusina — suot ang uniporme na para lamang sa empleyado at may dala-dalang tray ng pagkain. Nakangiting kinakausap ang mga customer habang nilalapag ang mga pagkaing kanilang binili. Pagkatapos ay bumalik sa counter upang maghintay sa susunod na utos. Sa pagkakataong iyon, biglang naging blangko ang isipan ni Jin. Wala siyang ideya kung paano niya kakausapin si Maxine dahil sa gulat at sa sobrang bilis ng pangyayari. Bigla siya pinagpawisan at hindi maka-focus sa kaniyang ginagawa. Muli niya binalin ang atensyon sa laptop, ngunit siya ay pasimpleng tumitingin kay Maxine. Inamoy naman niya ang sarili at hindi nagustuhan sa kaniyang amoy — amoy vicks at gamot. Sinilip naman niya ang sariling repleksyon at nakita niya na masyadong magulo ang kaniyang buhok, agad din niya inayos ang sarili. Habang siya ay nag-aayos ng sarili ay hindi niya namalayan ang pagdating ni Maxine sa kaniya dala-dala ang kaniyang kape. "Good evening po, here's your coffee, sir. Enjoy," masayang bati ni Maxine. Hindi niya agad namukaan si Jin at aakmang aalis na siya ngunit pinigilan siya ni Jin. "Wait, Maxine." Mabilis na hinawakan ni Jin ang braso ng dalaga. Huminto si Maxine at tiningnan ang taong pumigil sa kaniya. "Jin?" Nanlaki ang mga mata niya sa gulat, ngunit napalitan din ito ng saya. "Jin, hi? 'Musta na? Ang tagal na no'ng huli nating nagkita," masaya niyang bati. Napatingin naman siya sa braso nito. "Oh my gosh, ayos ka lang?" "Ah, this? Wala lang ito. Daplis lang," masaya niyang tugon. "What do you mean daplis? Gan'yan ba ang daplis? Binago na pala ang definition ng daplis?" Mahinhin na tumawa si Maxine. Nakatitig naman ang binata sa kaniya habang nakangiti. Nagandahan nang marinig ang tawa at masayang mukha ng dalaga. Mga ilang sandali pa ay nailang si Maxine sa mga titig ni Jin gano'n din na hindi pa rin siya binibitawan ng binata. "Umm… Jin? Iyong kamay mo…" nahihiya niyang usap habang nakatingin sa kaniyang braso. "Oh. Sorry. My bad." Ngumiti at inalis din niya ang pagkakahawak niya kay Maxine. "I… I didn't know na nagtatrabaho ka rito." "Well… Need ko kumita for my schooling and, you know, sa necessities ko na rin. Ang dami kasi bayarin kaya need ko mag-work," masayang sambit ni Maxine at saka siya tumawa. "Umm… Sige. Balik na ako sa work ko. Enjoy sa coffee, Jin. Bye." "Bye," mahina niyang tugon. Hindi maalis ang tingin ni Jin kay Maxine hanggang sa makita niya na nilingunan siya ng dalaga at nagmadaling bumalik sa kaniya. "Umm… Jin, I just… Umm… Ask ko lang kung p'wede kita makausap mamaya?" nahihiyang usap ng dalaga sa kaniya habang mahigpit niya hinawakan ang tray. "S-sure…" Muntikan na pumiyok ang binata dahil sa gulat. Umubo siya upang malinis ang kaniyang lalamunan. "Don't worry, tatapusin ko agad ito pagkatapos ay pupuntahan na rin kita. May… Masyado ka ba busy? Baka kasi nakakaabala ako sa iyo." "No… Not at all. It's alright. Take your time. Hanggang mamaya pa naman ako rito," nakangiting tugon niya. "Okay." Huminga nang maluwag si Maxine at saka ngumiti. Sa kabilang banda, habang sila ay masayang nag-uusap. Nakita naman ni Alejandro ang dalawa. Natawa ang matanda sa naging reaksyon ni Jin, sa pagiging awkward nito habang kausap ang dalaga. "Aba! Akalain mo naman… Binatilyo na ang lalaking iyon." Sabay na tumawa ang matanda.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD