I can't believe she's here tapos mukha pa akong tanga sa harap niya.
I was mad at myself when I remembered how I spoke to her.
Ang awkward ko masyado, hayop! But why does she want to talk to me? Maybe she already likes me?
Hindi ko namalayan ang ngiti sa mukha ko nang maisip ang tungkol do'n. Umubo ako at tinuon na lang ang ginagawa ko. Para sa oras na matapos siya sa trabaho niya, I'm also finished. She is currently taking orders from customers.
Uminom ako ng kape habang pinagmamasdan s'ya hanggang sa may napansin akong pamilyar na babae papasok sa restaurant. I was shocked nang makita ko si Andra na naglalakad palapit sa akin. She smirked at me at umupo sa tabi ko.
"Wow. Uso na pala kahit gabi na, nagkakape pa rin. Nice, nice!" she said.
"Ano ang ginagawa mo rito?" I asked. I lowered my voice para 'di kami marinig ni Maxine.
"Magkakape rin. Kumusta ang sugat mo?"
"O-okay naman."
She shrugged her shoulders and then she looked at Maxine. "Hey, miss!" sigaw ni A.D.
"Yes, Ma'am?" Agad niya nilingunan si A.D. at nagmadali siyang puntahan si A.D.
"Gusto ko rin ng kape, iyong katulad sa kan'ya." At saka niya tinuro ang kape ko. I noticed how she closely watched Maxine from head to toe, as if she was judging her.
Tiningnan ko si Maxine at nakita na nailang siya sa mga tingin sa kaniya ni A.D.
Napabuntong ako ng hininga.
"E-excuse po. Kuha lang ako ng kape." Pagkapaalam ni Maxine ay dumiretso siyang pumunta sa counter.
"Bakit nandito ka, A.D.? Please, huwag mo idamay si Maxine." Sinusubukan ko pigilan ang galit ko sa kan'ya. Kilala ko ang babaeng nasa harapan ko, manggugulo na naman ito.
Kinuha niya ang kape ko at saka niya ito ininom. "Don't worry, babe, iba ang pakay ko since nandito ka na rin," she replied.
After a while, bumalik na si Maxine bitbit ang kape ni A.D. "Here's your order, ma'am."
"Thanks. Can you sit down for a while?" Nakangiti niyang tanong kay Maxine.
Nahiya s'yang umupo malapit sa akin pero ningitian ko siya para mawala ang tense sa katawan niya. Sabay niyon ay napansin kong may kinuha na bagay si A.D. sa loob ng jacket niya. Pagkalabas ay nakita ko ang isang maliit na bote.
Walang ano-ano ay nagsalita siya, "Inumin mo ito."
"Po!?" gulat na sabi ni Maxine.
"Inumin mo," pag-uulit niya.
"A.D! Ano yan?" tanong ko sa kaniya. The hell!? Baka kung ano pa ipainom niya sa kan'ya.
"Ayoko ng paligoy-ligoy pa. Alam kong nakaramdam ka ng libog sa katawan mo, Maxine. Baka nga panay finger mo, eh, am I right? Ito iyong lunas para sa matabang katawan mo."
"A.D! Ayusin mo nga ang words na binibitawan mo!" sigaw ko sa kaniya.
Nakita ko na lang ang pagkamula ng mga pisngi ni Maxine.
"Umm… Maxine inumin mo na ito para sa katawan mong p'wedeng gawing kama," malambing na wika ni A.D. sa kaniya.
Napailing naman ako sa kaniya at napahawak sa noo.
T*****ang bunganga iyan, 'di talaga kayang ipreno.
Maxine took the bottle and opened it, which shocked me. She drank it right away, without even thinking about it.
"Oo nga pala Maxine, pinapayagan na kita makihati sa boyfriend ko. Sa iyo s'ya sa gabi, sa araw siya sa akin."
Maxine's brow furrowed even more, as did mine. Agad kong hinila si A.D. palabas ng restaurant. "F**k, A.D.! Sobrang daldal mo!"
"Para alam niya ang—"
Agad ko siya hinalikan nang napakadiin para tumahimik na s'ya.
"Siguro naman mananahimik ka na?" banggit ko sa kaniya.
"Bastard," inis na sabi niya sa akin at saka niya sinuot ang helmet.
"Ingat ka A.D.," paalam ko sa kaniya.
Tumango lang s'ya at hinarurot na ang motor niya.
Bumalik ako sa loob ng restaurant at hinanap si Maxine para mag-sorry sa inasal ni A.D. kanina. Nang makita siya at nagkrus ang mga tingin namin ay laking pagtataka ko nang bigla na lang siya umiwas ng tingin. I approached her, but she walked away quickly.
What's her problem?
"Wait, Maxine," pigil ko sa kaniya, but she didn't listen to me. I grabbed her hand, gently, at dinala siya sa tabi. "Hey… Anong problema? Ba't bigla ka lumalayo? Akala ko ba mag-uusap tayo?" nakangiti kong tanong sa kaniya.
"Baka kasi nakakaistorbo ako sa girlfriend mo at baka kung ano pa pag-isipan niya kapag magkasama tayo. Pakisabi na lang sa kaniya na hindi naman kita aagawin, wala akong interest sa iyo," sagot niya, I can feel her displeasure.
The last thing she said made me feel hurt. Mali pala ang hinala ko na gusto niya ako.
"'Tsaka kung p'wede lang, kontrolin mo naman ang bunganga ng girlfriend mo. Nasa public place siya at sobra nakakahiya ang mga sinabi niya sa akin, at isa pa, may mga bata rin sa restaurant, 'wag naman kayo mag-PDA."
F**k! She saw us!
"Alright. Pagsasabihan ko s'ya, pero lilinawin ko lang na hindi ko siya girlfriend. Magkaibigan lang kami. Iyong mga sinabi niya, walang meaning iyon. At iyong kiss, wala lang din iyon. Walang… Umm… Wala ring meaning iyon. It's just a simple greet sa kaibigan."
"Wow naman. Kaibigan talaga? Nagtukaan na nga kayo tapos wala lang meaning iyon? Grabe naman pala ang 'greet' sa inyo, ang scary masyado."
Kung alam mo lang na 'di lang halik ang nangyari sa atin, baka manlambot ka. Kung alam mo lang talaga.
Napailing na lang ako at buntong hininga ko s'ya tinitigan, "I'm so-so sorry sa inasal niya kanina, Maxine. Sorry talaga."
"Bakit ikaw ang nagso-sorry? Anyway, forget about that. You don't need to kasi I'm just a stranger sa iyo," galit na sabi niya. "Ewan ko ba kung bakit ako nagagalit," mabilis niyang usap. "Ayos lang talaga sa akin na lait-laitin niya ako. Alam ko naman din na mataba ako, 'di ko naman tinatanggi iyon. Ang akin lang, if she knows 10 seconds rule, please lang gawin niya iyon. 'Di lahat ng mga sinasabi niya ay okay sa kausap niya, just like you said na walang meaning iyon, pero sa 'kin... may impact ang sinabi niya towards me," galit na pagpapatuloy niya.
I took a deep breath and looked at her. "I know that's why I'm apologizing to you. I'm sorry, again, Maxine, sa pagiging rude niya at sa sinabi ko kanina. What can I do for you to forgive me?" I eagerly asked.
"W-wala… Wala naman." I just noticed she was looking away from me and her cheeks were turning red.
Bigla ko na lang na-realize na sobrang lapit na pala ako sa kaniya at nakasandal na siya sa dingding. Pinigilan kong ngumiti at nilayo ang sarili sa kaniya.
"I'll take you to your house tonight. You can't say no to me. I'll be waiting for you," I offered.
"H-hindi na. Kaya ko naman sarili ko."
"Please, I insist. Hanggang kailan ang tapos mo?"
She took a long pause before answering me. "Eleven? Pero kaya mo ba mag-drive? H-hindi naman sa ano, na nag-aalala ako sa iyo, nag-aalala ako sa safety ko at baka mabunggo pa tayo or what because of your arm."
I chuckled and checked my watch to see what time it was. "Then I'll wait for you for about an hour and a half or so. Don't worry, I got you."
"I told you already na hindi mo na ak—"
"Oh, Jin, nandiyan ka lang pala." Hindi natapos si Maxine sa sinasabi niya nang biglang sumulpot si Aled.
"Sir Guevara, good evening po," bati ni Maxine sa kaniya while she's smiling.
Tiningnan ko naman nang masama si Aled dahil sa pag-interrupt niya sa amin. But I immediately changed my expression para 'di ako mahuli ni Maxine.
"Oh, good evening din sa iyo, hija. P'wede ba mahiram itong binata na ito?"
"O-okay lang po, 'di ko naman po s'ya pagmamay-ari." She awkwardly smiled at him. "Excuse me." And now, she left.
Pagkaalis niya ay sinamaan ko ng tingin si Aled.
"Oh! 'Wag mo ako tingnan ng gan'yan. Ginawa ko lang ito para mailigtas lang siya sa iyo at bumawi sa sinabi mo sa akin." Humalakhak naman siya.
"So you interrupted us dahil lang diyan sa rason na iyan?"
"Siyempre naman. Gano'n kita kamahal." At muli s'ya tumawa. "Pero ito seryoso, Jin. Layuan mo si Maxine."
"Wow… kilala mo pala ang mga empleyado mo?" I chuckled.
"I know all of my employees, especially her. Matalik na kaibigan siya ni Leslie at mabait na bata pa, sobrang sipag, mabuti… Kaya 'wag na 'wag mong susubukan na g**uhin iyan, Jin. Sinasabi ko sa iyo. Ang dami na niyang pinagdaanan, 'wag mo pa dagdagan pa." Nakita ko how serious he is and because of that, na-curious lalo ako kay Maxine. Gusto ko pa siya makilala nang husto.
"I know… I'll go first. Tatapusin ko pa 'yong pinapagawa mo sa akin." Tinapik ko ang balikat niya at bumalik sa dating p'westo.