Hindi makapaniwala si Maxine na tinupad nga ni Jin ang kaniyang winika. Nakita niya sa labas ng restaurant ang binata na nakatayo sa gilid ng isang mamahaling sasakyan.
Nang magkrus ang kanilang tingin, malaking ngiti ang ibinigay ni Jin sa kaniya. Pinigilan ni Maxine na ngumiti sa gabing iyon at lumakad papunta sa kaniya.
"Hey," masayang bati ni Jin.
"Hey," sagot niya.
"So, ano? Let's go? Do'n ka pa rin, 'no?"
Tumango si Maxine. "Pero sure ka ba na kaya mo mag-drive? Okay lang naman sa 'kin na mag-jeep na lang at isa pa, always ko naman ginagawa ito."
"Not this time," nakangisi niyang tugon. "Please?" Sunod niya binuksan ang pinto sa may passenger seat.
Ningitian ni Maxine si Jin at saka pumasok sa kotse. Pagpasok ay isinara ito ng binata at pumasok na rin upang paandarin
"Wala ka ba naramdaman no'ng ininom mo ang ibinigay sa iyo ni A.D?" tanong ni Jin na nananatiling nakatingin sa daan.
"A.D?"
"Her… Her nickname."
"W-wala naman. Napaitan lang ako, iyon lang," sagot niya.
At simula no'n naging tahimik ang dalawa, sa sobrang tahimik ay tanging ingay ng sasakyan at ingay sa labas lamang ang kanilang naririnig. Kapwa nahihiya sa isa't isa, hindi nila magawang magsalita.
Makalipas ng mahigit dalawampung minuto, nahatid ni Jin si Maxine sa munti nitong tahanan. Ginarahe ng binata ang sasakyan sa tapat ng bahay at agad na lumabas upang sa gano'n ay mapabuksan niya si Maxine ng kotse. Ngunit bago pa niya bubuksan ang pinto ay lumabas na si Maxine. Umatras na lang si Jin at pinasok ang kamay sa bulsa. Ningitian niya si Maxine na kasalukuyang nasa labas.
"Umm… Thank you, Jin, for… for this." Saka niya binigyan ng ngiti ang binata.
"You're welcome."
Nag-umpisa na maglakad si Maxine papasok sa bahay niya. Bago pa niya bubuksan ang pinto ng bahay, nilingunan niya muna si Jin at binigyan ng isa pang tipid na ngiti pagkatapos ay bahagya siyang kumaway. Tinaas ni Jin ang kaniyang kamay, senyales ng pamamaalam niya, at nakita na pumasok na sa loob ang dalaga.
Huminga siya nang malalim at nananatiling nakatayo roon, pinagmamasdan ang tahanan ng dalaga hanggang sa nagdesisyon siyang bumalik sa mansyon.
Pagkauwi ay agad niya inutusan si Richard na mag-imbestiga tungkol kay Maxine Gonzales. Nakuha naman niya kinabukasan ang mga impormasyong nais niyang makuha at binasa ito upang alamin ang buhay ng babaeng kaniyang natipuhan. Nalaman niya ang lahat-lahat sa kaniya; ang dahilan kung bakit siya lumayas sa kaniyang pamilya, ang marami niyang trabaho, pati na rin ang dati niyang naging karelasyon. Bukod pa roon, nalaman din niya ang mga hilig at libangan ng dalaga. Ginamit niya ang kaniyang nalalaman upang mapalapit sa dalaga.
Simula ng araw na iyon, palagi na rin siya pumupunta sa Guevara's Restaurant kung saan nagtatrabaho si Maxine. Noong una ay pumunta siya upang ipaalam kay Alejandro na nalaman na niya ang dahilan ng pagkawala ng pera ng matanda at agad naman nila ito inaksyunan, ngunit nang tumagal, si Maxine na ang kaniyang pakay.
Napansin naman ng kaibigan ni Maxine ang mga tingin ng dalaga gano'n din ang palagiang pagpunta ni Jin.
Habang nasa counter si Maxine, nilapitan ni Hanna ang dalaga mula sa likuran. "Hinay-hinay lang sa tingin at baka matunaw si Papa Yummy," bulong ni Hanna.
Nagulat si Maxine sa biglaang pagsulpot ng kaibigan sa likuran at siya ay napalingon sa kaniya. "Ano ba, Hanna? Gusto mo ba ako magka-heart attack?" bulong niya na may halong inis.
"Ba't ganiyan ang naging reaksyon mo? Siguro may iniisip kang something habang tinitingnan mo si Papa Yummy, 'no? Ay sus…" natatawang sambit ni Hanna.
"A-ano ka ba? Tigilan mo nga 'yan, Hanna. Baka marinig niya iyan at ano pa isipin, lalo na ang pagtawag mo sa kaniya ng ano… ng Papa Yummy na 'yan."
"Why naman hindi? Yummy naman talaga siya, eh." Siya ay bumungisngis. "So, what's the chika ba? Balita ko kaibigan siya ni Sir Guevara at sabi sa chika, siya rin naka-discover sa ginawa ni manager. Grabe talaga… I can't believe na gagawin iyon ni manager like, he's so mabait naman pero isa pala siyang manggagantso, my gosh…" Bumuntong siya ng hininga.
"Yeah…"
Tiningnan ni Hanna ang naging reaksyon ni Maxine at mukhang hindi siya interesado sa kaniyang binanggit. Nananatiling nakatingin kay Jin habang may ginagawa ang binata sa kaniyang laptop at umiinom ng kape. Ngumisi si Hanna at nakaisip ng ideya upang mahuli si Maxine.
"Papa Yummy is so maaasahan pala. Kaya hindi na nakapagtataka kung palagi na nandito si Papa Yummy. Well, wala naman nagrereklamo if palagi s'ya sa restaurant 'cause iyong presence lang niya nakaka-motivate na, especially kapag nagtatrabaho siya. Just look at his god-like appearance — his serious look, iyong malalambot at basa niyang labi after niya uminom ng coffee na sa sobrang ganda, gusto mo na matikman ang kissable lips n'ya. What do you think, Maxine? Gusto mo rin ba matikman ang labi niya?" nakangisi niyang bulong sa kaniya.
Siya ay napatingin sa labi ni Jin at namangha. "Yeah…" Bigla naman napailing ang dalaga nang matauhan siya. "I-I mean ano, no. What the hell, Hanna?"
Tumawa si Hanna sa naging reaksyon ng kaibigan at pinisil ang mga pisngi ni Maxine na agad din niya inalis. "Don't worry, girl. Secret lang natin na gusto mo rin matikman si Papa Yummy." Saka niya kininditan ang dalaga.
Napailing ang dalaga at tumingin na lamang sa ibang customer.
Samantala, hindi maka-concentrate si Jin sa kaniyang ginagawa dahil nararamdaman niya ang mga titig ni Maxine sa kaniya. Huminga siya nang malalim at pinatunog ang mga daliri, sunod siyang uminom ng kape. Tumingin siya sa kaniyang relo at nakita na alas-singko na kung kaya nagtawag siya ng waitress upang um-order ng pagkain. Kay Maxine siya tumingin na agad naman siya pinuntahan ng dalaga.
Walang araw na hindi pumupunta si Jin sa restaurant. Palagi na rin sila nag-uusap ng kahit ano lalo na tuwing break time ni Maxine. Unti-unti na rin nakukuha ni Jin ang loob ni Maxine. Naramdaman naman ni Maxine na mabuting tao si Jin at naging panatag ang kalooban niya rito. Nang dahil doon, naging tampuhan ng tukso ni Hanna si Maxine. Palagi niya tinutukso ang kaibigan na may nararamdaman ang binata kay Maxine kaya palagi siya dumadalaw, gano'n na rin kung paano hinahatid ni Jin si Maxine kapag uwian.
"Don't tell me hindi pa kayo niyan? Girl, believe me, ako na nagsasabi sa iyo, si Papa Yummy ay may big crush sa 'yo. Sunggaban mo na, girl, kung hindi ako ang lalandi sa kaniya," banggit ni Hanna. Kasalukuyan silang nasa staff room, nagpapahinga. "Although I know naman na kahit landiin ko s'ya, 'di niya ako papansinin kasi, ikaw naman talaga ang bet niya."
"Imagination mo lang iyan, Hanna. Wala siyang crush sa akin or what. Bumabawi lang siya dahil sa kaibigan niya na may… basta, gano'n." Saka siya umirap. "My point is wala siyang gusto sa akin at isa pa, hindi pa ako ready na pumasok ulit sa isa pang relasyon. Alam mo naman ang nangyari sa akin sa last relationship ko, right? Masyadong pangit, na-trauma rin ako sa ginawa niya so," tumayo siya sa kinauupuan niya, "sa career muna ang focus ko before sa gan'yan. Ayoko ulit na… na ma-step aside ang pagiging painter ko because of a single man na manloloko."
Bumuntong ng hininga si Hanna at tumayo, naglakad palapit kay Maxine at saka niya niyakap. "Okay, fine. Hindi na kita kukulitin about kay Papa Yummy, pero p'wede ko ba siya harutin?" Saka siya tumawa.
Natawa naman si Maxine sa sinabi ng kaibigan.
"Joke… Baka magalit ka kasi inaagaw ko siya sa iyo."
Binigyan ng tingin ni Maxine ang kaibigan na kinatawa ni Hanna. Pagkalabas ay muli nila ginawa ang kanilang trabaho. Kinabukasan, kataka-taka na hindi pumunta si Jin sa restaurant hanggang sa nagsara na sila.
Nakaramdam ng lungkot ang dalaga na hindi niya nasilayan si Jin sa gabing iyon. Umalis siya sa lugar at naghintay ng jeep hanggang sa may isang pamilyar na sasakyan ang huminto sa kaniyang harapan. Lumabas ang isang malaki at matipunong lalaki at naglakad palapit sa kaniya. Nagulat si Maxine nang makita niya si Jin gano'n din sa kamay ng binata — wala na siya nakikitang arm sling, pakiwari niya ay magaling na siya.
"Hey," bati ni Jin.
"Hi. Mukhang okay ka na. Mabuti iyan," nakangiti niyang sambit kay Jin.
"Masyado magaling ang doctor kaya mabilis ako gumaling," tugon niya habang ginagalaw ang kaniyang balikat.
"Masunurin din kasi ang pasyente." Saka siya tumawa nang mahinhin.
Ngumiti si Jin sa tawa ni Maxine, tila ba boses ng isang anghel ang kaniyang naririnig. "Maxine."
"Yes?" mabilis na tugon ni Maxine.
"Umm… Since sunday naman bukas at wala kang work, is it okay if I ask you out on a date?" May halong kaba niya tinanong ang dalaga, ngunit hindi niya pinakita para hindi siya mapahiya.
Hindi makasagot si Maxine sa tanong ni Jin. Hindi niya inaasahan na tanungin siya nito tungkol sa date. Bigla niya naalala ang sinabi ni Hanna tungkol kay Jin na may gusto ito sa kaniya. Nakaramdam siya ng takot at naalala ang sakit na nadama niya sa huli niyang karelasyon.
"I'm sorry. I can't." Sa pagkakataong iyon, may nakita siyang isang jeep at agad niya ito sinenyasan.
"Wait, Maxine." Sinubukan naman pigilan ni Jin ang dalaga, subalit agad ito nagmadaling pumasok sa jeep. Nagdesisyon na lamang na huwag habulin si Maxine.