"Ano!?" sigaw ni Chloe sa kaniyang kuya. "Are you out of your mind!? What have you done, kuya!?" Galit na galit si Chloe nang inutusan sila ni Jin na lumipat sa pangalawang bahay nila. Nalaman din niya ang ginawa sa babaeng inuwi ng kapatid at ang dahilan sa likod ng kilos nito. "You abducted her? Oh my God! If you truly love her, you will not do that! Consider the consequences of your actions naman, kuya! Umayos ka nga!"
Sumingit naman sa usapan sa kanila si Chris sapagkat hindi rin niya nagustuhan ang ginawa ni Jin. "Kuya… Alam mo naman na nirerespeto kita, pero hindi solusyon ang pag-kidnap sa babaeng mahal mo. I understand you have feelings for her, but please consider her feelings for you if you do this... Walang magandang ibubunga ang ginawa mo sa kan'ya. May pamilya ang tao, may nagmamahal sa kaniya, at panigurado ako na hahanapin nila iyan sa oras na hindi pa siya umuwi sa kanila," seryosong pagkumbinsi ni Chris.
Kasalukuyan naman na nasa gilid si Gina, nakatayo habang mahigpit ang kapit sa kaniyang hawak na panyo. Bakas sa mukha ng matanda ang pag-aalala.
"Just do as I said. Bago maghapunan dapat nakaalis na kayo," walang emosyong utos niya sa mga kapatid. "You too, Nanay Gina. Samahan mo sila."
"Kuya naman! Akala ko ba matalino ka!? Gamitin mo nga ang utak mo, kuya!" singhal ni Chloe, subalit hindi siya pinansin ni Jin.
"Kung hindi kayo aalis, I will force you to leave." Napakalamig. Sa sobrang lamig ng pakikitungo ni Jin sa kaniyang mga kapatid ay nakaramdam ng kilabot ang tatlo. Hindi na sila nakipagtalo sa kaniya. Sa huli ay sinunod nila ang utos ni Jin. Sinundo sila ni Richard kasama ang baguhan na si Christian.
Nang gabing iyon, tinulungan ni Christian na magbuhat ng mga gamit papasok sa kotse ang magkambal, samantala nilapitan naman ni Richard si Jin na kasalukuyang nasa terrace — pinagmamasdan ang mga kapatid na nasa labas.
"Narinig ko ang nangyari mula kay Gina. I'm not expecting na gagawin mo ito dahil lang sa isang babae. Kaya pala nag-investigate ka tungkol kay Maxine Gonzales dahil gusto mo pala siyang gawing babae mo? Akala ko isa s'ya sa misyong binigay sa 'yo ni Sir Stephen, pero sariling misyon mo pala iyon?" natatawang sambit ni Richard habang naglalakad palapit kay Jin, sabay siyang umiling.
"Kung pupunta ka lang dito para pigilan ako, umalis ka na." Saka niya hinigop ang sigarilyo at marahal niya binuga ang usok sa bibig.
"Nah… 'Di ako ang tipo ng taong nangingialam ng buhay na may buhay, liban nga lang kung inutos ito sa akin ni Sir Stephen… Akala ko no'ng una na maganda ang epekto sa iyo ni Maxine. Ang saya ko pa nga kasi nakikita ko na nagbabago ka, pero nagkamali pala ako. Binalik mo ang pagiging tarantado mo." May halong gigil sa huli niyang usap. "Mabait na bata si Maxine, Jin. Nabasa ko ang files niya at nirerespeto ko ang pagiging dedicated person n'ya. Naging matatag at malakas siyang babae kahit na itinakwil siya ng pamilya niya because of her chosen career. 'Wag mo sana sirain ang kinabukasan niya dahil lang sa pansarili mong interest."
Tiningnan siya ni Jin at saka niya binagsak ang sigarilyo. Pagkatapos ay tinapakan niya iyon upang mapatay ang sindi nito at hinarap ang lalaki. "I'm not going to ruin her life. I have the means to give her whatever she desires. If she wanted to be a painter, I would go to any lengths to make that a reality. If she wants her work to be known, I will do everything in my power to help her achieve that goal. She will have a better life with me."
Sinuri ni Richard ang lalaking nasa harapan niya. "Do you think na magugustuhan niya ang pinaplano mo sa kan'ya? Sa tingin mo rin ba na gusto niya kung paano mo s'ya tratuhin? Tandaan mo na k-in-idnap mo siya, you're forcing her to love you." Bigla siya napahinto nang makita niya si Jin na bahagyang umatras sa huli niyang sinabi. "Iyan ba ang rason kung bakit mo ito ginagawa dahil hindi ka mahal ng taong mahal mo?"
Hindi nakasagot si Jin bagkus ay muli niya tiningnan ang mga kapatid na nasa baba. Hindi na hinintay pa ni Richard ang sagot ng binata. Kitang kita niya sa mga mata at kilos nito ang kasagutan sa kaniyang katanungan.
"Pag-isipan mo nang mabuti ang desisyon mo, Jin — hindi lang sa sarili mo kung hindi sa babaeng mahal mo gano'n na rin sa kanila." Sabay siyang tumingin sa kambal na nasa ibaba. Pagkatapos, siya ay naglakad paalis at ginawa ang kaniyang pakay sa mansyon kun'di ang ihatid ang kambal at si Gina sa pangalawang bahay nila.
Sinundan ng tingin ni Jin ang kotseng ginamit ni Richard sa pagsundo sa kambal hanggang sa mawala na sila sa kaniyang paningin. Tumingin siya sa kaniyang relo at nakita ang oras. Pumasok na siya sa loob ng mansyon nang matukoy ang oras. Sa gabing iyon, sila na lang dalawa ni Maxine ang nasa loob ng mansyon.
Pumunta siya sa kusina upang ipaghanda ng magiging hapunan ni Maxine. Niluto niya ang paborito ng dalaga, adobong manok, upang sa oras na siya ay magising may makain siya. Habang siya ay nagluluto, sinisilip niya ang tablet device na nakatayo sa tabing lababo niya. Sa loob ng kuwarto ni Maxine, may CCTV siyang nilagay doon upang ma-monitor niya ang dalaga. Bukod pa roon, may mga CCTV din sa bawat sulok ng mansyon. Mapapanood niya ito sa kaniyang mga device, isa na roon ang tablet na ginagamit niya.
Nasa kalagitnaan siya ng pagluluto nang mapansin niya ang paggalaw ni Maxine hanggang sa nagkaroon na siya ng malay. Napanood ni Jin si Maxine na pilit na bumabangon sa higaan at bakas sa mukha niya ang pagtataka. Ngunit nang dahil sa ginawa ng binata kay Maxine, walang lakas siya upang makatayo, bumagsak siya sa sahig dahil sa panlalambot ng kaniyang mga tuhod.
Paika-ika naman siyang pumunta sa pinto. ngunit naka-lock ito. Sinubukan niyang buksan ito ngunit hindi niya magawa. Sunod niyang ginawa ay pumunta siya sa mga bintana subalit pati ang mga ito ay naka-lock din, hindi niya kaya mabuksan.
Umiiyak at takot na takot na si Maxine sa mga oras na iyon at sumisigaw ng tulong habang kinakalabog ang mga bintana at pinto. Ang lahat na iyon ay tahimik na pinapanood ni Jin.
Naghintay siya ng kalahating oras bago niya puntahan si Maxine. Dala niya ang isang tray na may pagkain ay binuksan niya ang pinto. Nadatnan niya si Maxine na nasa sulok ng silid na iyon, nakaupo at nakayuko, umiiyak dahil sa takot.
Mabilis naman siyang napansin ng dalaga at nagalit nang makita niya si Jin. "You! Ano sa tingin mo ang ginagawa mo!? Pakawalan mo ako!" galit na sigaw niya kay Jin habang pilit siyan tumatayo. "Hindi ko ito papalampasin, you will pay for this!"
Hindi siya pinansin ni Jin. Nilapag niya ang tray ng pagkain sa isang mesa na naroon at nilapitan siya.
"L-lumayo ka! Huwag mo ako lalapitan!" may halong iyak at inis niyang sigaw kay Jin.
Hinaplos niya ang pisngi ni Maxine at pinunasan ang mga luha nito. "I know you're hungry. You need to eat," malambing niyang sagot.
Nakatikim naman si Jin ng isang malakas na sampal mula kay Maxine.
"Ang kapal ng mukha mo… Nakakadiri ka. May lakas ka pa talaga ng loob na magpakita sa akin pagkatapos… pagkatapos mo akong babuyin? Napakawalang hiya mo," diin niyang sumbat. Sa sobrang galit niya kay Jin, siya ay napaiyak.
Hindi naramdaman ni Jin ang sampal ni Maxine. Mas naramdaman niya ang mga sinabi sa kaniya ni Maxine, ganoon din ang titig ng dalaga sa kaniya, kung paano siya kamuhian ng babaeng kaniyang mahal.
"Eat." Malalim at walang emosyon niyang utos kay Maxine.
Muli niyang binigyan ng maraming sampal at suntok ang binata sa sobra niyang galit. Pinigilan naman siya ng binata at niyakap.
Umiiyak at sumisigaw si Maxine sa gabing iyon dahil sa inis at pandidiri sa kaniyang sarili — nandidiri siya sa kadahilanang nadumihan ang p********e niya pati na rin sa kung paano siya malabasan habang nakikipagtalik siya kay Jin kahit labag sa kaniyang kagustuhan ang nangyari sa kanila. Naiinis siya sa kung paano mag-react ang kaniyang katawan at dahil doon, sinisisi rin niya ang sarili kung bakit siya hinalay ni Jin.
Sa pagkakataong iyon, wala na siyang mukhang maihaharap pa sa kaniyang pamilya dahil sa ginawa sa kaniya ni Jin.