29. SCAREDY CAT

1255 Words
"Sabing ayoko nga!" Sunod na tinulak ni Maxine ang kamay ni Jin na may hawak na kutsara. "Hindi ako gutom. Umalis ka na," maluha-luha niyang sambit. Kasalukuyang nakaupo sa kama sina Maxine at Jin, sinusubukang subuan ni Jin ng pagkain ang dalaga, ngunit palagi tinataboy ni Maxine si Jin. "Hindi ka pa nanananghalian at hapunan, kumain ka na. Ayokong magkasakit ka, Maxine," malumanay na usap sa kaniya ni Jin. Kinuha niya ang kutsarang tumalsik sa kama at muli siya nagsandok ng pagkain. Tiningnan siya nang masama ni Maxine. "Maxine," tawag sa kaniya at muli niya nilapit sa bibig ang kutsara. "Masarap ito, 'di ba ito 'yong favourite mo?" Muling tinapig ni Maxine ang kutsara na nagpatalsik nito. "'Wag mo ako matawag-tawag sa pangalan ko, rapist!" Sa pagkakataong iyon, nainis na si Jin at wala na siyang pasensyang natira. Agresibo niyang hinawakan sa leeg si Maxine at nilapit ang sarili sa mukha nito. Bahagya niya diniinan ang pagsakal niya rito. "Wala akong pake kung ano ang gusto mo itawag sa akin. If you don't eat, I'll f**k you until you run out of energy to fight. This is your final warning, Maxine." May halong gigil sa bawat bigkas niya rito. Muling naluha si Maxine at hindi nakahinga nang maayos sa ginawa sa kaniya ng binata. Bakas sa kaniyang mukha ang malaking pagkatakot sa lalaking nasa harapan niya. Agad siya tumango upang hindi niya muli maranasan ang ginawang paghalay sa kaniya ni Jin at natatakot na baka lalo pa idiin ng binata ang pagkakasakal nito sa kaniya. Buntong hiningang inalis ni Jin ang pagsakal niya kay Maxine at binigyan niya ng halik sa pisngi. Kaniya naman ningitian ang nanginginig na si Maxine. Sunod niyang sinubuan si Maxine ng pagkain hanggang sa maubos na niya ito. Nang matapos ay inalalayan niyang pumunta sa banyo ang dalaga na nasa tapat lang ng kaniyang kama upang linisin ang sarili at magbawas. Hinayaan ni Jin na mag-isa siya sa loob. Habang nasa loob, dali-dali naman naghanap ng malalabasan si Maxine, subalit masyadong maliit ang mga bintana na naroon, nakasara rin ang mga ito. Sinuri rin niya ang kisame kung mayroong lagusan, ngunit siya ay nabigo. Napakapit si Maxine sa lababo at yumuko, napamura ito nang mahina dahil sa galit hanggang sa may naisip siyang plano. Kinuha niya ang isang maliit na vase na nasa lababo at kaniya iyong dinala sa labas. Marahal niyang binuksan ang pinto at nakita si Jin na nakatalikod ito mula sa kaniya. Dahan-dahan siya naglakad palapit sa binata at agad niya pinukpok ang hawak niyang vase sa ulo nito, subalit agad naman siya napigilan ni Jin. Lingid sa kaalaman ng dalaga, napanood ni Jin ang ginawa niya sa loob ng banyo mula sa sariling smartphone. Inagapan niya agad ito at kinuha ang hawak na vase ni Maxine. Laking gulat ng dalaga na napigilan siya ni Jin. "What you are attempting to do is dangerous, Maxine. Pa'no na lang kung mabasag 'to? Matatalsikan ka pa ng mga bubog at baka matapakan mo pa... Please take care of your beautiful body, Maxine," malambing niyang usap at saka niya hinalikan sa pulso si Maxine. "Let's sleep. You're just tired, my love." Habang hawak pa rin ang kamay ni Maxine, nilapag niya sa gilid ang vase at inalalayan niya ito pabalik sa kama. Hindi makapaniwala si Maxine na siya ay nabigo. Pinahiga naman siya ni Jin sa kama at tinukluban ng kumot hanggang dibdib nito. Binigyan niya ng halik sa noo si Maxine at iniwan ang dalaga sa silid. Muling humagulgol sa iyak si Maxine, walang ideya sa magiging kahihinatnan niya sa susunod pa na mga araw — kung makakatakas pa ba siya mula sa kamay ni Jin o mananatili siyang nakakulong sa lugar na iyon. Sa kabilang banda, sa gabing iyon, hindi naman mapakali si Chloe. Habang sina Christian, Chris, Richard, at Gina ay abala sa paglipat ng mga gamit nila sa pangalawa nilang bahay, siya ay pabalik-balik ng lakad sa sala, iniisip ang kalagayan ng kaniyang kuya pati na rin ang babaeng inuwi nito. "Chloe… Umupo ka nga, nahihilo ako sa ginagawa mo. Mukha kang kiti-kiti," buntong hiningang usap ni Chris sa kaniya. "I can't especially kapag about kay kuya like… Argh! Napakabobo! Sobrang bobo niya! Ba't niya naisipan gawin iyon!?" inis na tugon niya. "I saw naman na how deeply in love he is kay ate girl and I'm so glad na nagkaroon na s'ya ng feelings na… na na-feel na niya kung paano ma-fall in love, pero not like this." Bumuntong siya ng hininga. "P'wede naman kasi mag-usap na lang sila about sa feelings nila sa isa't isa. I already told him na communication is one of the keys to work ang isang relationship at hindi ang pag-kidnap. Kung puwede lang tumawag sa pulis ginawa ko na, pero he's our kuya, eh." Tiningnan naman niya ang kaniyang kakambal. "Chris… Anong gagawin natin?" malungkot niyang tanong. Huminga nang malalim si Chris at niyakap si Chloe, hinimas niya ang braso nito upang mawala ang tense sa kaniyang katawan. "For now, kailangan nating magpahinga. Lahat tayo ay pagod na... Siguro, kinabukasan, hopefully na matauhan na si kuya sa ginawa niya if not… we try to convince him ulit, okay?" "Fine…" buntong hininga niyang sagot. Ginawa ng kambal ang kanilang plano na puntahan si Jin sa mansyon, kinabukasan, upang kausapin ang kanilang kapatid, subalit hindi sila pinapasok ng guwardiya. "I'm sorry po, Ma'am Chloe at Sir Chris. Hindi po talaga kayo pinapapasok ni Sir Fajardo sa mansyon," malungkot na tugon sa kanila ng guwardiya. "Anong hindi?! Papasukin mo ako ngayon na!" sigaw ni Chloe. "I'm sorry po talaga, ma'am. Ayoko po matanggal sa trabaho." "Argh! F**k! F**k you, kuya!" sigaw ni Chloe habang nakatingin sa loob ng mansyon. "Try mo tawagan si kuya," utos ni Chris habang nakaupo sa kaniyang navy blue na motor. Sinunod ni Chloe ang suhestiyon ni Chris. Nakailang tawag na siya kay Jin, ngunit hindi pa rin siya sinasagot nito. Puro mura at masasamang salita lamang ang lumalabas sa bibig ni Chloe, tunay na siyang nagagalit sa inaasal ng kapatid. Nakaisip naman ng paraan si Chris. Inayos niya ang upo sa kaniyang motor at niyaya si Chloe. "Let's go, I have an idea." Kaniyang sinuot ang asul niyang helmet. Hindi nagdalawang isip pa si Chloe at agad siya umangkas sa motor habang sinusuot ang itim na helmet. Mabilis naman pinaandar ni Chris ang motor at umalis, walang ideya si Chloe kung saan sila pupunta. Sa kabilang dako, nagbigay naman ng ulat mula sa radyo ang guwardiyang nakausap ng kambal sa kaniyang superior. Nang matanggap ang ulat mula sa kaniya, mabilis niyang tinawag ito kay Jin. Binaba rin ni Jin ang smartphone niya at saka niya hinatiran ng almusal si Maxine sa silid. May halong takot at galit na tumingin si Maxine kay Jin. Hinayaan lamang niya na pakainin siya ng pagkain dahil sa oras na siya ay sumusunod sa kaniya, hindi siya nito sinasaktan. "After this, maliligo ka na to freshen up your body," banggit ni Jin habang sinusubuan niya si Maxine. "Umm… Jin? P-puwede bang pagkatapos ko maligo… puwede ba ako l-lumabas para naman… para naman m-makapag-exercise?" may halong sabik niyang suhestiyon at takot kay Jin. Tumingin muna si Jin sa babaeng mahal niya bago niya sagutin. "Oo naman, basta ikaw," nakangiti niyang tugon, saka niya pinunasan ang gilid ng labi ni Maxine. Nasiyahan si Maxine sa kaniyang narinig at bahagyang napangiti. Ang dahilan kung bakit nais niya lumabas ay upang alamin ang kabuuan ng mansyon ni Jin at matukoy ang susunod niyang plano sa pagtakas.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD