Kasalukuyang nasa loob silang lahat sa sala, nakaupo at masayang nagkukuwentuhan. Hindi muna nila inalam ang sanhi ng pagkawala ni Maxine, hanggang sa umabot na sila ng gabi. Sa gabing iyon, ipaliwanag na ni Maxine ang nangyari sa kaniya at tungkol sa kanilang dalawa ni Jin. Inamin niya na ang lahat ng nakasulat sa liham na iniwan niya ay totoo. Kahit may pagdududa ang tatlong magkakaibigan, hinayaan na lang nila iyon sapagkat nakita nila na nasa maayos na kalagayan naman si Maxine. "I'm sorry kung… kung 'di ko kayo ma-contact for the past few weeks–" "Months," singit ni Andrew. Pinandilatan pa niya ng mata ang kaibigan. "Okay, months." Bumuntong ng hininga si Maxine. "Naano kasi, nasira kasi cellphone ko tapos 'yong location pa namin is pabundok — pahirapan pang makasagap ng cignal."

