34. NEW US?

1803 Words
Kasalukuyang nasa silid si Maxine kung saan siya nagpipinta. Malalim ang kaniyang iniisip, hindi dahil sa kung ano ang susunod niyang ipipinta kung hindi ang susunod niyang hakbang upang makatakas. "Sa tingin ko naman ay tunay akong mahal ni Jin. Kung… kung pagbibigyan ko s'ya sa mga gusto niya baka maisipan niya na pakawalan na niya ako, right? Need ko maging mabait at masunurin sa kan'ya para makuha ko ang loob niya... Nagagalit lang siya if ever na 'di ko siya sinusunod, but he never na rin niya ako pinagbuhatan ng kamay. Once lang no'ng sinakal niya ako at simula noon wala nang kasunod. Palagi ko naman siya nahuhulihang bumubulong sa 'kin at nag-a-apologize. Kahit nakapikit ako, ramdam ko sa boses niya ang sincerity. I can also feel na kahit gan'to niya ako tratuhin, I feel safe and that's the scariest part of it. Hindi ko dapat 'to ma-feel sa nag-abduct sa 'kin," isip niya habang nakatingin sa isang canvas panel na may light blue na pinta. "For now, ako lang ang nasa mansyon. Nagpaalam ulit siya na papasok siya sa work n'ya. Although, open na ang lahat ng pinto at p'wede na ako lumabas, masyado namang maraming guard ang nagbabantay na nakapalibot sa buong mansyon. Mahirap din makapuslit. Mahirap din magka-contact sa labas, wala man lang phone or computer sa loob," buntong hininga niyang bulong sa sarili. Muli niya ginalaw ang kaliwang kamay at siya'y nagpinta. "Anong oras kaya siya uuwi? Anong klasing mukha ba ang isasalubong ko sa kan'ya kung nagkataon? Anong ugali ba ang p'wede kong ipakita para makuha ang loob niya?" Mga tanong sa kaniyang isipan habang siya ay nagpipinta. Sa kabilang banda, pumunta si Jin sa SR Enterprise, isa sa pinakamalaki at pinakamatayog na kumpanya ni Stephen Reyes sa Makati, City. Suot ang itim at mamahalin niyang suit, siya ay pumasok sa opisina ni Stephen na nasa pinakailalim ng gusali. Pagpasok niya ay nakita niya ang kaniyang boss na nakaupo habang nagbabasa ng mga ilang papeles. Marami ring mga dokyumento ang nakapatong sa kaniyang mahabang mesa at mayroon din na nasa lapag. Tila ba isang pabrika ng papel ang loob sa dami ng papel. Naaninag ni Stephen mula sa gilid ng kaniyang mga mata ang pagdating ni Jin, laking tuwa niya binati ang binata. "Jin, my boy!" masaya niyang tawag sa binata, sunod siyang tumayo at nilapitan si Jin. Niyakap niya ito ngunit panandalian lamang. "Mabuti na lang ay magaling ka na. Tingnan mo na lang ang nangyari no'ng nawala ka." Siya ay umiling nang makita ang maraming papeles sa kaniyang silid. "Sorry, Sir Stephen," walang gana niyang paghingi ng paumanhin. "Hay, hay… Hayaan mo na iyon. Ang mahalaga ay magaling ka na at nakapasok. May maaasahan na ulit ako sa kumpanya," masayang usap ng matanda habang tinatapik ang balikat ni Jin. "Iyong magaling mong tauhan na si Fernan, hindi ba maaasahan iyon? Balita ko palaging nakabuntot sa 'yo at kung ano-ano pinagsasabi," nakangising tugon niya. Buntong hininga niya tiningnan si Jin. "Hindi naman matalino 'yon. Mas maaasahan kita sa gan'tong bagay kumpara sa kan'ya. Minsan kasi may pagkatanga ang lalaking iyon." Saka siya bumungisngis. Si Fernan Guerrero ang isa sa pinakamatagal na tauhan ni Stephen Reyes sa kaniyang negosyo. Siya ang lalaking may pulang buhok na malaki ang tutol sa pagtanggap kay Jin sa trabaho noong maliit pa siya. Ngumisi si Jin sa pinahayag ni Stephen at tinulungan siya sa pagpapatakbo ng kumpanya. Nang dahil sa dami ng kanilang ginawa, umabot sila ng tatlong araw upang matapos ito. Sa loob ng tatlong araw, hindi umuwi ang dalawa; determinado na tapusin ang kanilang trabaho. Sa tatlong araw na lumipas, ang tanging hangad lang ni Jin ay matapos na agad ang kanilang trabaho upang makasama na ang kaniyang minamahal. Habang nagtatrabaho, pasimple itong sumisilip sa kaniyang smartphone upang makita si Maxine. Sa tuwing nasisilayan ang dalaga, lalo siyang ginaganahan sa trabaho niya. Napansin naman ito ni Stephen. Tahimik lang niya sinusuri ang binata. Napansin ang malaking pagbabago ni Jin. Tila ba lumiwanag ang mukha ng binata at naging maayos. Kinatuwa naman ito ng matanda kung kaya hinayaan na lamang niya si Jin. Gabi na rin nang umuwi si Jin kay Maxine, pagod na pagod at gusto na magpahinga. Tila ba nawala ang nararamdaman niyang pagod nang makita si Maxine sa sala, nakaupo sa sofa habang nanonood ng palabas sa telebisyon. Narinig naman ni Maxine ang pagbukas ng malaking pinto kung kaya nilingunan niya si Jin at binigyan ng isang mainit na ngiti. Nilapitan ng dalaga si Jin at niyakap. Laking gulat ni Jin sa naging kilos ni Maxine at dahil doon, hindi gumana ang kaniyang pag-iisip — sinusubukan iproseso ang nangyayari sa oras na iyon. "Welcome home, Jin," masayang bati ni Maxine na sabay niya inalis ang pagkakayakap sa binata. "Kumain ka na ba? Nagluto ako ng dinner natin. Although hindi ko kaya tapatin ang masarap na luto mo, sana pasok sa taste mo ang niluto kong food," malambing niyang usap. At saka niya hinawakan ang kamay ni Jin. "May allergies ka ba sa fish or anything?" "W-wala naman…" Gulat pa rin siya sa nangyari. Ningitian muli siya ni Maxine at niyaya, "Tara?" Nananatiling nakatitig lang si Jin sa babaeng mahal niya. Hindi makapaniwala sa kaniyang nasaksihan. Tumango lamang siya at hinigpitan ang kapit kay Maxine, saka siya sumunod papunta sa kusina. Nananatiling nakaupo habang pinagmamasdan niya si Maxine na maghanda ng kanilang kakainin. Nais niya itanong kay Maxine ang dahilan ng biglaang pagbago ng trato sa kaniya, ngunit naisip din niya na huwag na lang ituloy. Baka magbago pa ang isip ni Maxine at bumalik sa dati. Ayaw na niyang makitang natatakot at nandidiri siya sa kaniya. "Kung ano man ang nangyari, salamat naman at hindi na siya takot sa 'kin," masaya niyang isip habang pinapanood si Maxine na nagsasandok ng pagkain. Pagkalapag ng kanilang pagkain, tumabi si Maxine sa kaniya na ayaw na ayaw niya noon habang sila ay kumakain. Tumingin siya kay Jin at hinintay na kainin ng binata ang kaniyang niluto, hinintay sa kung ano ang magiging puna nito. "Ang totoo niyan ay hindi talaga ako gano'n magaling magluto. Prito lang ang kaya kong lutuin. Sana umm… magustuhan mo iyong luto ko," nahihiyang usap ni Maxine. Ningitian ni Jin ang dalaga at tinikman ang paksiw na isda. Sa sobrang asim ng luto ni Maxine ay nangilo ang mga ngipin niya. Gusto niya ito idura, subalit nang makita niya ang nasasabik na titig ni Maxine sa kaniya, pinigilan niya ito. Ayaw niya na malungkot si Maxine dahil sa sasabihin niya. Nilunok na lang niya ang pagkain at pilit na ngumiti. "Sobrang sarap nito. Grabe, walang katulad," masaya niyang sagot habang tumatango. Bahagya siya umubo, pero agad din niya ito pinigilan. Natuwa si Maxine sa kaniyang narinig. "Really? Wow! I can't believe na may talent pala ako sa cooking. Ang sabi kasi nila, 'yong mga sister ko, ang pangit ko raw magluto... Ewan ko ba sa kanila kung anong klaseng taste buds meron sila, palagi nila sinusuka pagkain ko, eh. Pero 'pag naman kinakain ko ito ayos lang," may halong inis niyang pagsasalaysay. "Oh gosh… Nasabi ko 'yong word na 'di appropriate sa kumakain, baka mawalan ka ng gana." Saka niya tinakpan ang bibig habang nakatingin kay Jin. Ngumiti si Jin at bahagyang tumawa. "It's alright, my love. Pa'no ako mawawalan ng gana, ang sarap-sarap ng luto mo," pagsisinungaling niya. Gumaan ang pakiramdam ni Maxine sa sinabi ni Jin. Alam niya sa sarili niya na hindi siya masarap magluto kung kaya nag-aral nang mabuti si Maxine sa pagluluto sa loob ng tatlong araw. Hindi niya tukoy kung kailan babalik si Jin kung kaya araw-araw siya nagluluto. May mga pagkakataon na nasusugatan siya dahil hindi siya marunong humawak ng kutsilyo, ganoon din sa peeler. Napansin ni Jin ang mga sugat ni Maxine sa mga kamay niya. Nakaramdam siya ng kiliti sa tiyan — na-appreciate niya ang effort ni Maxine. "Maxine," tawag niya. Pagkalingon ni Maxine ay hinawakan ni Jin ang mga kamay ng dalaga. Sabay niya hinalikan ang mga sugat ni Maxine pagkatapos ay hinalikan sa pulso. "I appreciate your time and effort in making this, but please don't do it again. I don't want you to be hurt. It causes me pain," malambing niyang usap, saka niya dinilaan ang isang daliri ni Maxine. Nakiliti si Maxine sa ginawa sa kaniya. Nakita niya ang mabagal na paggalaw ng dila ni Jin sa kaniyang mga daliri, sunod naman nito sinubo ang daliru niya habang nakatingin sa kaniya. Napalunok siya at nakaramdam ng kiliti sa tiyan. Hindi rin nagtagal ay hininto ito ni Jin at saka niya hinalikan sa leeg si Maxine. Nilapag niya ang mga kamay ni Maxine sa mga hita ng dalaga at saka tinuloy ang pagkain. Nanatili namang nakatulala si Maxine dahil sa biglaang pag-atake ni Jin sa kaniya. Nag-init ang mga pisngi niya at sinabayan na si Jin sa pagkain. Samantala, tiningnan naman ni Jin ang pagkain at saka lumunok dahil sa nararamdamang takot sa pagkaing nasa harapan niya. "Bahala na," isip niya at saka inubos ito. Sa huli ay sinikmuraan siya. Napansin ni Maxine ang pamumutla ni Jin. "Ayos lang ba siya? Baka naman pagod siya sa trabaho niya. Ilang araw din siya subsob sa work. Gutom na gutom din siya, oh. Sunod-sunod ang kain niya sa luto ko... Shocks! Grabe rin pala ang trabaho niya. Ano kaya klasing work ang meron siya kaya 'di siya nakauwi ng three days? Maybe sa opisina? Palagi kasi s'ya nakapang-Amerikana," isip niya habang pinagmamasdan si Jin na kumain. Pagkatapos nilang kumain ay patagong pumunta si Jin sa banyo. Tanging tubig ang sinusuka niya, lalo tuloy siya nanghina. Sunod siyang pumunta sa lababo upang magmumog at maghilamos. "I'll just... get take-out the next time so she doesn't have to cook," bulong niya sa sarili. Mula sa loob ng banyo, naghubad siya ng kaniyang damit at naligo, nagbihis at pabagsak siyang humiga sa kama. Habang nagpapahinga, naramdaman niya ang isang mainit na yakap sa kaniyang dibdib. Bukod doon, naramdaman din niya ang isang bagay na dumadagan sa kaniyang balikat. Iminulat niya ang kaniyang mga mata at nakita niya si Maxine na natutulog sa kaniyang bisig. Kaniya naman inunat ang braso upang maging unan ito ni Maxine at niyakap ito nang napakahigpit. Sobrang galak ang nadama ni Jin sa gabing iyon. Tila ba natanggap na ni Maxine ang pagmamahal ng binata sa kaniya. Nakahinga nang maluwag ang binata at nakatulog nang mahimbing, ngunit nananatili namang gising si Maxine. Hindi makatulog dahil sa sobra niyang pag-iisip. Tumingala siya upang makita ang natutulog na mukha ni Jin. Kaniya namang hinaplos ang mukha nito na may pag-aalala. "Kung hindi mo ito ginawa… kung naghintay ka lang, baka sakali tanggapin kita sa buhay ko," isip niya. At saka niya inalis ang kamay at niyakap muli si Jin, pinikit ang mga mata para siya ay makatulog.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD