31. FAKE LETTER

1228 Words
"Kaloka, sis... Nakita mo ba 'yong ginawa ni Anton? Grabe nakakaloka talaga. Sabing bawal pumuwesto sa p'wetan ng kabayo, pero pumuwesto pa rin siya at 'yon, sinipa siya. Talsik tuloy si tanga," natatawang kuwento ni Andrew kay Jana habang naglalakad sila pauwi sa kanilang tahanan. Humalakhak naman si Jana nang maalala ang pangyayaring kinuwento sa kaniya ni Andrew noong nasa Baguio pa sila dahil sa kanilang field trip. "Putsa, 'wag mo na ipaalala iyan, sis. Lalong sumasakit tiyan ko kakatawa," natatawa niyang tugon. "'Musta na kaya iyon? Buhay pa ba iyon?" Muli siyang tumawa habang kinukuha ang susi sa kaniyang bag. "Sa tingin mo ba buhay pa iyon? Sa lakas ng sipa ng kabayo sa kan'ya, parang naging si Doctor Strange siya… iyong nahiwalay ang kaluluwa niya sa body niya." Habang masayang nagtatawanan ang magkaibigan ay napahinto naman si Jana nang mapansing hindi nakakandado ang pinto. "So weird… Ngayong time wala na si Maxine, ah, 'cause nasa another job na s'ya," banggit ni Jana na nakatitig sa pinto. Napansin naman siya ng kaibigan. "Anong meron? Ba't natameme ka?" "'Di kasi naka-lock 'yong pinto. Never naman na iniiwanan ni Maxine ang pinto na hindi naka-lock kahit nga na nasa loob pa tayo ng house, eh. Every gumogora siya palagi niya nila-lock ito, but this time hindi." "Baka 'di siya pumasok ngayon? You know naman do'n sa weird niyang nararamdaman, iyong palagi siya nagpapawis at uhaw? Baka inaatake na naman siya. My gosh, kalurkey naman." Bigla nag-alala ang dalawa at agad na pumasok. Binaba nila ang mga gamit at pasalubong nila mula sa Baguio sa mahabang sofa na nasa sala. "Babe Maxine? Are you okay ba?" tanong ni Andrew habang papunta sa silid ng dalaga. Nagtaka naman siya nang hindi niya makita ang kaibigan sa kuwarto. Napansin din niya ang kakaibang ayos ng silid. Pumasok si Andrew sa loob ng kuwarto upang tingnan ang loob at tila ba nakaramdam ng kakaiba habang siya ay nagmamasid. Lumapit siya sa malaking aparador na gawa sa kahoy, bahagya nakabukas ang pinto nito na pumukaw sa kaniyang atensyon. Bigla siya tumili nang makitang walang laman, miski isa, ang aporador. Patakbo naman siyang pinuntahan ni Jana. "Hoy, An! Kaloka ka, aatakihin ako sa puso sa lakas ng tili mo!" inis na usap ni Jana. Napansin naman niya ang kakaibang ayos ng silid at nilapitan si Andrew. Napahawak siya sa bibig dahil sa gulat nang makita ang cabinet. Agad naman niya nilibot ang buong silid ng kaibigan at nakita na wala na rin ang iba pang personal na gamit ni Maxine ganoon na rin ang mga gamit niya sa pagpinta. "Iniwan na tayo ni Maxine?" malungkot na bulong ni Jana, sabay siyang napaupo sa kama. "Bakit biglaan naman? Wala man lang pasabi sa 'tin? At isa pa, saan naman s'ya pupunta? Bumalik na ba siya sa bahay nila? Nagkaayos na ba sila ng pamilya niya?" Maraming tanong ang pumapasok sa kaniyang isipan, ngunit ni isa doon ay hindi niya makuhanan ng sagot. Habang nakatayo si Andrew, may napansin naman siyang isang papel sa ibabaw ng mesa na nasa tabi ng cabinet. "Oh gosh… Please huwag iyong naiisip ko," banggit niya habang kinukuha niya ang papel. Huminga siya nang malalim at binasa ang papel. "Ano iyan?" tanong ni Jana. Kumunot ang noo ni Andrew sa kaniyang nabasa. Sunod siyang humarap kay Jana habang nakatingin pa rin sa papel. "I think… I think may k-um-idnap kay Sissy Maxine." "Hoy, gaga. 'Wag ka nga magsalita ng gan'yan. Ano ba sabi sa sulat?" banggit niya habang palapit sa kaniya, saka naman niya kinuha ang papel at binasa. "Dear friends…" Bigla naman siya napakunot nang mabasa niya ang dalawang salita. "'Di ba? Una pa lang, hindi na si Maxine ang nagsulat, eh, although gan'yan ang sulat niya pero iyong nilalaman ng sulat parang hindi si Maxine. "Dear friends" talaga, eh, sissy ang tawagan natin sa isa't isa. Tapos iyong laman pa, nakakaloka, ah... Anong meaning na gusto niya na mag-isang harapin ang kan'yang chosen career? Eh, siya nga ang nagsabi sa atin na sama-sama natin haharapin ang future natin at gusto niya na kasama niya tayo habang inaabot niya ang pangarap niya... Ano iyon? Bigla-bigla na lang magbabago within three days lang? And besides, hindi pa enough ang money n'ya to be an independent woman. Kaya nga tayo nag-iipon, eh, for us — sa gastusin nating lahat," inis na usap ni Andrew. "Sinasabi ko sa iyo, hindi iyan si Maxine natin. Kinakabahan na ako, eh. Tumawag na kaya tayo sa pulis?" Tinapos ni Jana ang pagbabasa ng sulat at nakumbinsi ang sarili na hindi si Maxine ang nagsulat ng liham. "Before that, we need to check sa family ni Maxine. Baka bumalik s'ya sa bahay nila at sapilitan niya lang ito sinulat para hindi tayo mag-alala," suhestiyon ni Jana. "Na-ah… Hindi iyon babalik sa family niya habang wala pa siya napapatunayan. Alam mo naman kung anong klaseng pamilya meron siya, right?" Saka siya umirap sa kaibigan. "Yeah, I know pero we need to make sure pa rin. What if nag-change of heart ang family niya at tinanggap s'ya? We don't have any idea kung ano ang nangyari sa three days nating absent, what if bumalik na nga si Maxine sa pamilya niya to settle na iyong pagtatalo nila? Before we jump sa another conclusion na k-in-idnap nga siya, check muna natin." "Fine… Pero ikaw ang kakausap sa kanila. 'Di pa rin ako maka-move on sa kung paano nila tratuhin si Maxine. Baka maimbyerna pa ako 'pag nakita ko sila." Bumuntong siya ng hininga. "Alright. Magpapalit lang ako ng clothes at lalarga na tayo." Pagkasabi niya ay nagmadali silang umalis sa silid ni Maxine. Nagbihis at agad nila pinuntahan ang tahanan ng pamilya ni Maxine. Nang makarating sa lugar, nagpaiwan naman si Andrew sa labas ng bahay. Mag-isang pumasok si Jana at saka siya kumatok. Pagkabukas, ang nanay ni Maxine ang sumalubong sa kaniya. "Sino sila?" tanong ng ina ni Maxine. "Good morning po. Ako po si Jana, kaibigan po ni Maxine. Gusto ko lang po malaman kung—" tugon ni Jana. Nanlaki ang mga mata ng babae nang marinig ang pangalan ni Maxine. "Kasama mo si Maxine? Nasaan siya? M-maayos naman ba siya? Nakakakain ba siya nang tama? Nasa ayos naman ba ang tulog niya? N-na… Nagawa ba n'ya ang gusto niya na maging painter? N-na-nandito ba kayo dahil nagbago na isip ni Maxine na… na uuwi na siya sa amin?" may halong kaba niyang tanong kay Jana habang hinihimas ang mga kamay upang pakalmahin ang sarili. Nakahinga nang maluwag si Jana noong marinig at makita kung paano mag-alala ang ina ni Maxine sa kaniyang anak. "Tita, ang totoo po niyan, gusto rin po namin matukoy kung nasaan siya ngayon." "A-ano? Akala ko ba… kaibigan kayo ni Maxine? Hindi ba, m-magkakasama kayo sa iisang bahay?" pagtataka niya. "Paano niyo po nalaman ang tungkol diyan?" "Sinabi sa amin ni Mauie ang tungkol sa Ate Maxine niya. Sa loob ng maraming taon, si Mauie lang ang nakakausap ni Maxine," sagot niya. "Halikayo, pumasok muna kayo at sa loob na natin ituloy ang pag-uusap." Tumango si Jana at saka tumingin kay Andrew. Sinenyasan niya ang kaibigan na pumunta siya roon. Ngunit bumulong si Andrew ng "Ayoko." Inirapan naman siya ni Jana at tinitigan nang masama. Buntong hininga namang naglakad papasok sa loob si Andrew. Bakas sa mukha ng lalaki na hindi siya masaya.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD