Chapter 3

1587 Words
Nayakap ko ang sarili, kasunod nang mabilis kong pagtakbo papasok sa loob ng aking kwarto. Halos sumabog ang ulo ko sa labis na kahihiyan. Walang hiyang Ryker 'yon! Ang kapal-kapal talaga ng mukha niya! Inis na nasuntok ko ang unan ko. Iniisip ko na pagmumukha iyon ni Ryker. Bawat suntok ay kumakawala ang impit kong sigaw dahil sa sobrang inis. Nang mapagod ay tumihaya ako ng higa sa kama. Natulala ako sa kisame ng kwarto ko. Hindi ko na alam kung ano pang iisipin ko. Halu-halo na sila sa utak ko at kapag talagang hindi pa umalis 'yang si Ryker dito sa bahay ay baka tuluyan na akong mabaliw. Marahas kong inihilamos ang dalawang kamay sa mukha ko. Hindi ko na kaya pang makisalamuha sa kaniya, kaya sa nagdaang mga oras ay naroon lang ako sa kwarto. Pinilit kong matulog, pagkagising ko ay hinarap ko naman ang computer. Pasado alas singko na pala ng hapon. Himala at hindi ako tinatawag ni Mama para magluto ng hapunan? Baka nakaalis na rin sila Miranda kaya hindi na ako iniistorbo ngayon. Mas mainam, mas maganda at mas matiwasay! Sana ay huwag na silang bumalik pa rito sa bahay. Siguro naman ay may condo unit pa rin naman dito si Ryker, doon na lang sila ni Miranda tumuloy. Mabibigat ang bawat pagtipa ko sa keyboard. Saktong galit ang babaeng character ko sa kwento ko kung kaya ay doon ko rin inilalabas ang sama ng loob ko ngayon. Ang dami kong salitang naisulat. Tinapos ko ang isang kabanata sa oras na iyon. Mayamaya nang mag-unat ako. Wala akong balak na bumaba hangga't hindi ako tinatawag ni Mama, pero gusto kong malaman kung umalis na nga ba sila. Sa sala ay wala akong naabutang tao. Wala ring ilaw at sa papalubog na araw ay limitado ang nakikita ko. Napansin ko namang may ilaw sa kusina. Si Mama iyon at malamang na nagluluto ng ulam. Pumaskil sa labi ko ang maliit na ngiti sa katotohanang wala na nga sina Tito Brantley, Miranda at Ryker dito sa bahay. Nagpatuloy akong maglakad papasok ng kusina, pero madali ring natigil sa hamba ng pinto nang si Ryker ang nabungaran ko. Nakatalikod ito dahil abala siya sa niluluto nito. Iba na ang suot niya. Ternong white t'shirt at maong shorts. Nangunot ang noo ko. Anong oras na at hindi pa sila umaalis? Akmang tatalikod ako upang magtago nang marinig ko ang boses niya. "Ayusin mo na ang hapag," pahayag niya dahilan para umahon ulit ang galit sa katawan ko. "Nasa kwarto pa si Miranda, tulog pa rin siguro. Ang Mama mo at si Tito Brantley naman ay nag-uusap sa labas." Saglit akong tumitig sa likod niya. Ako ba ang kausap niya? Syempre at sino pa ba? Lumanghap muna ako ng sapat na hangin bago pumasok sa kusina. Naiinis ako, pero tahimik kong inayos ang lamesa. Kumuha ako ng mga plato, kubyertos at mga baso. Kumuha rin ako ng malaking mangkok upang lagyan ng kanin. Dinala ko iyon sa gitna ng lamesa. Saktong pinatay na ni Ryker ang kalan, kaya kumuha rin ako ng isa pang mangkok para sa niluto niyang ulam. "Oh, ito." Nilahad ko sa gilid niya ang babasaging mangkok. Sinipat niya ako ng tingin mula sa pagitan ng leeg at balikat niya. Samantala ay kanina pa nakakunot ang noo ko. Dagli niyang dinungaw ang bandang dibdib ko. Pinagtaasan ko siya ng kilay. "Ano?" "You're still not wearing a bra," pahayag niya sa casual na boses. "Eh, ano?" "May bisita kayo. Ganiyan ka ba sa lahat ng nagiging bisita ninyo rito sa bahay niyo?" "Hindi. Kayo lang naman 'yan, ang kapatid kong si Miranda, si Tito Brantley at ikaw..." Sandali akong huminto, hindi alam kung dudugtong pa ba ako. "Nakita mo naman na lahat 'to. Kaya ano bang pakialam mo?" Nawala na rin kasi sa isipan ko. Total ay maliligo naman ako mamaya bago matulog. "That's right, Maddy. Mabuti sana kung ako lang ang bisita ninyo. Hindi kita susuwayin, kahit pa nakahubad ka lang—" Hindi na nito natuloy ang gusto pa niyang sabihin nang kinurot ko ang tagiliran niya. Kulang na lang din ay ipukpok ko itong hawak kong mangkok sa ulo niya, nang sa gayon ay matauhan naman ito. Nakita niya ang galit sa mukha ko, na hindi ako nakikipagbiruan, rason para maagap din siyang sumeryoso. Marahan niyang kinuha sa akin ang mangkok. Takot lang din niya na baka nga ipukpok ko iyon sa kaniya. "Doon ka na, ako na rito." Inginuso nito ang upuan ko sa hapag, pero imbes na sundin siya ay iniwan ko siya roon. Hindi magkandamayaw ang kilay ko at talagang kumukulo ang dugo ko sa kaniya. Mga hanggang kailan pa sila magtatagal dito? Huwag ko lang talaga malalaman na rito pa sila matutulog sa bahay. Nakita ko ang pagpasok nina Tito Brantley at Mama galing sa labas ng bahay. Bilang utos din ni Mama na gisingin ko si Miranda ay pumanhik ako sa taas. Pumasok ako sa dating kwarto ni Miranda. Madilim ang kwarto nito kaya minabuti ko ring buksan ang ilaw. Dinig ko ang pag-ungot ni Miranda mula sa kama niya. Akap-akap niya ang isang unan. Dahan-dahan naman nang lumapit ako sa gawi niya. Mahimbing ang tulog ni Miranda na kahit naalimpungatan kanina ay bumalik siya sa pagkakatulog. Halatang pagod ito. Kaya nagdadalawang-isip ako na gisingin siya. Nakatitig lang ako sa likod niya. Nakatalikod kasi ito. Nakasando na lamang din siya at panty. Mukhang ganito rin siya sa States. Hindi naman na nakakapagtaka dahil noon pa lamang, sa aming dalawa ay ako iyong mahinhin at inosente. Bumuntong hininga ako bago siya marahang kinalabit sa kaniyang balikat. Muli siyang umungot at umiling-iling. "Mamaya na, Brantley..." wala sa sariling bigkas niya dahilan para matigilan ako. Brantley? Umismid ako. Pati si Tito Brantley ay hindi na niya ginagalang. Hindi ba porket na nasa thirty pa lamang ito. Kung sabagay, sabi nga ni Mama ay parang si Tito Brantley na rin ang naging kaibigan ni Miranda sa States. Sila ang palaging magkasama roon bukod pa kay Daddy na siyang sobra yatang abala sa mga kumpanya nito. Kaya si Tito Brantley ang tumatayong guardian ni Miranda. "Miranda, kakain na," pahayag ko at saka pa siya niyugyog sa balikat. "Five minutes..." ungot niya, kasunod nang paggalaw niya. Tumihaya siya ng higa kung kaya ay nakita kong bakat ang nípple nito. "Anong five minutes?! Tumayo ka na riyan, kasi ako rin ang pagagalitan ni Mama! Mas okay pa sa kaniya na ako ang ma-late kumain, huwag lang ikaw!" sigaw ko rito at hindi na ako nakapagtimpi. Dahil ito sa galit ko kay Ryker. Pati tuloy itong si Miranda na walang kamalay-malay ay nadadamay sa galit ko. Nagmulat si Miranda. "Why are you shouting? Pwede ka namang lumabas na, iwan ako rito at susunod ako sa baba. No need to shout, Madison." Pabalikwas na umahon ng higa si Miranda. Masama na ang tinging ipinupukol niya sa akin. Matagal ko siyang tinitigan nang bigla niya akong irapan. "Labas," utos niya. Gumalaw ang panga ko. Bandang huli ay lumabas na rin ako ng kwarto niya. Hanggang ngayon ay hindi pa rin siya nagbabago, suwail pa rin. Palibhasa ay ipinapakitang paborito siya nina Mama at Daddy, kaya lumaking spoiled brat. Si Tito Brantley lang yata ang istrikto pagdating sa kaniya ngunit wala ring epekto dahil mas matigas ang ulo ni Miranda. "Nasaan na si Miranda?" agap na tanong ni Mama habang tinatanaw ang likod na. "Susunod daw." Pumwesto ako sa palaging upuan ko nang mapansin kong nakaayos na rin iyon. I mean, ready to sit na lang at hindi na kailangang hilain pa. Napatingin ako kay Ryker na nakatitig sa upuan ko. "Hintayin natin si Miranda na makababa," ani Mama kaya sumunod kami, kahit pa nagwawala na ang tiyan ko sa gutom. Hindi rin kasi ako nakakain nang maayos kaninang tanghali. Nag-isang linya ang labi ko. Inabala ko na lang ang sarili na tingnan ang nilutong ulam ni Ryker. Sinigang na baboy iyon. Ewan ko kung naaalala pa niya na paborito ko ang lutong iyon. Napanguso ako. Magaling magluto si Ryker, una niyang tinapos ang kursong HRM noon bago siya nag-take ng business course. Kaya swerte rin ni Miranda sa kaniya, mayroon siyang personal chef. "Apat na buwan pa naman ang hihintayin bago kayo ikasal, hindi ba, Azaleo?" Si Mama na nilingon si Ryker. "Yes po, Tita." "Tita? Mama na lang," natatawang turan ni Mama. "Total ay ikakasal na rin naman na kayo ng anak kong si Miranda." Ngumiti si Ryker. Tahimik kami ni Tito Brantley na nakikinig sa kanila. "Dito ba kayo muna sa Pilipinas? O may balak pa kayong bumalik sa States?" "Dito muna kami sa Pilipinas at nagpasya kami ni Miranda na rito na muna tumuloy sa bahay niyo ng isang linggo habang pinapalinis ko pa po iyong condo unit ko sa Greenhills," anang Ryker. "Isang linggo?!" wala sa sariling palatak ko, sabay-sabay silang napatingin sa akin. Huli ko nang ma-realize ang biglaan kong aksyon. Literal na namula ang pisngi ko. "Bakit, Madison?" tanong ni Tito Brantley. "Wala... walang problema." Peke ang naging ngiti ko, pero alam na alam ni Ryker kung ano ang ipinuputok ng butsi ko. Naabutan ko ang nakangisi niyang mukha, tila ba natutuwa sa naging reaksyon ko. Lalo sa katotohanan na rito siya ng isang linggo. Ibig sabihin ay isang linggo rin akong maha-highblood sa kaniya. "Ikaw, Brantley? Saan ka?" pukaw ni Mama. "I have my own space near BGC. Pwede rin naman doon si Miranda kung sakali na magiging busy si Azaleo." Bumuntong hininga ako. "Hindi pa ba kakain?" anas ko.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD