Chapter 2

1579 Words
Sabi ko, kung nasaan man ngayon si Ryker at kung ano man ang desisyong napili niya ay magiging masaya na ako. Pero bakit hindi iyon ang nangyayari ngayon? Bakit kailangan ko ulit masaktan sa kaalamang si Miranda ang pinili niya? Alam ba niyang magkapatid kami? Imposibleng hindi niya alam, pero posible ring oo. Magkaiba naman kami ni Miranda ng gamit na last name. Gamit niya ang kay Daddy— Miranda Solace David. Nagpalit siya magmula noong kinuha siya sa States. Ang gamit ko ay 'yung kay Mama— Cruz. Kaya posible rin na mangyaring hindi alam ni Ryker. Unless ay madalas akong bukambibig ni Miranda sa kaniya. Pero sa kaninang inakto nito, mukhang hindi nga. Pero bakit, Ryker? Bakit hindi na lang ako? Dahil ba mas maganda si Miranda? Mas sexy? Mas may dating? Dahil ba may sariling business? Samantalang ako, heto at nahihirapan pang igapang ang sarili na makisalamuha sa ibang tao. Napakurap-kurap ako nang manlabo ang parehong mata ko sa nagbabadyang luha. Malakas akong bumuntong hininga bago ibinalik ang ulirat sa reyalidad. Wala sa sarili nang mapatitig ako sa kanin na sinasandok ko. Kung sabagay, madali rin naman talaga na mapalitan at makalimutan ang katulad ko. Sino ba naman ako? Ito nga at sila pa ang pinagsisilbihan ko. Pagak akong natawa, kapagkuwan ay umikot upang harapin ang hapag. Naabutan ko ang nanunuring tingin ni Ryker, bawat galaw ko ay nakasunod ang mga mata niya. Kaya hindi ko alam kung isasampal ko ba sa kaniya itong hawak kong mangkok. Padabog kong ibinaba ang mangkok sa gitna dahilan para magulantang sina Mama, Tito Brantley at Miranda na kanina pa kinukwentuhan si Ryker ngunit wala naman ito sa huwisyo para makinig. "Kain na tayo," masigla kong bigkas, paupo na sana ako nang biglang magsalita si Mama. "Kunin mo pa iyong juice sa ref. Pati iyong desert na ginawa ko kagabi, paborito iyon ni Miranda." Ngumiti si Mama sa kapatid ko dahilan para humagikhik si Miranda. "Aww, thank you, Mama. Hindi mo pa rin talaga nakakalimutan ang paborito kong macaroni salad. Sa States kasi ay hindi iyon uso sa kanila," natatawa niyang banggit. Saglit ko silang pinanood. Sila ang magkatabi habang nasa kabilang gilid ni Miranda si Ryker. Si Tito Brantley naman ay nasa kabisera ng lamesa. Ako ang nasa kabila niya kung kaya ay kitang-kita ko silang lahat. Nakagat ko ang pang-ibabang labi ko. Nakita ko ulit si Ryker na nakatanaw sa akin, kaya minabuti ko nang tumalikod. Kinuha ko iyong pineapple juice at macaroni salad sa ref. Syempre ay kumuha rin ako ng platito at extra kutsarita para roon. Nang matapos ay hindi muna ako umupo, baka may iutos pa si Mama ngunit nang makitang nagsimula na silang kumain ni Miranda nang hindi rin ako inaaya ay tuluyan na akong naupo. Dagli akong pumikit para tahimik na magdasal. Kalaunan ay nag-umpisa rin akong ngumuya. Wala akong imik habang pinapanood lang silang kumain. Panay ang kwento ni Miranda, kaya buong atensyon ni Mama ay hindi maalis sa kaniya. "You know what, Mama? Gusto ni Daddy na pumunta rito, pero alam ko na ayaw mo naman. Sabi niya sa araw na lang daw ng kasal namin ni Azaleo. Kaya si Brantley— I mean, Tito Brantley na lang din ang pinasama niya sa amin." Ngumisi si Mama ngunit may bahid ng lungkot. "Sus, duwag kasi yang Daddy mo. Ni hindi nga ako ipinaglaban sa magulang niya, samantalang nakadalawa na kaming anak." Tumawa si Tito Brantley. Ganoon din si Miranda, namumula na ang pisngi nito sa kanina pang pagtawa niya. "Pupunta-punta rito ng Pilipinas para maghanap ng aanakan, hindi naman pala kayang panagutan," patuloy na palatak ni Mama, tumatawa rin naman. "Pero kumusta naman kayo rito?" Binalingan ako ni Tito Brantley. "Ikaw, Madison? May boyfriend ka na ba?" Kamuntikan ko nang maibuga ang pagkaing nasa bibig ko. Maagap akong inabutan ni Tito Brantley ng tubig, panay ang tawa niya sa naging reaksyon ko. Si Mama ay natahimik at sapilitang gustong makinig. "Alam ko na 'yan," dagdag ni Tito Brantley, saka pa sinundot ang pisngi ko "Mayroon, ‘no? Anong pangalan? Ikaw, Marie, alam mo bang may boyfriend itong anak mo?" "Huh? Paano magkaka-boyfriend ang batang iyan, palaging nandito sa bahay. Walang trabaho at kaibigan. Mahiyahin, maski bumili ng shampoo niya sa tindahan ay hindi magawa." Nagtawanan ulit sila. Pasimple akong umismid. Wala silang kaalam-alam na minsan na rin akong nagka-boyfriend. Hanggang ngayon nga ay akala ni Mama na virgin pa ako, na inosente pa ako't tatandang dalaga. Walang nakakaalam sa lahat ng pinagdaanan ko, o sa naging nakaraan namin ni Ryker maliban lang sa aming dalawa. Ewan ko lang din kung nabanggit na ni Ryker kay Miranda ang relasyon namin noon, pero tingin ko ay isa lamang akong sikreto na hindi pwedeng ipagsabi, kahiya-hiya at dapat itago. Base na rin sa reaksyon ni Miranda ngayon na namamangha sa kaalamang wala pa akong naging boyfriend. Bumuntong hininga ako. Bakit ba nasa akin ngayon ang topic? Sila ang bida rito, hindi ba? "Wala pa po, Tito," pagsasabi ko ng totoo. Napangisi si Mama. "Oh, 'di ba?" "Bakit ayaw mo pang mag-boyfriend? Itong si Miranda, napakaraming naging ex sa States. Kung hindi lang din dumating itong si Azaleo at inanunsyong ikakasal sila ay hindi pa magtitino..." pahayag ni Tito Brantley. Siya iyon, iba ako. Hindi ko na kaya pang buksan ang puso ko para sa ibang lalaki. Isang beses na akong nasaktan, kaya ayoko nang umulit pa. Hindi na ako nagsalita at dumugtong pa. Nawalan na rin ako ng ganang kumain, pero hinintay ko na muna silang matapos dahil alam ko namang ako rin ang maghuhugas ng mga pinagkainan nila. Naiwan ako sa kusina at naroon naman sila sa sala. Tahimik ang paligid, sapat lang din para makapagmuni-muni ako. Ang daming gumugulo sa utak ko. Hindi ko na malaman kung ano pang uunahin kong isipin. Kailan ang kasal nina Miranda at Ryker? Dito ba sa Pilipinas gaganapin? Kung oo, bakit hindi na lang sa States? Bakit hindi na lang sila nanahimik doon at bakit kailangan pa nilang magpunta rito? Para ano? Para guluhin ang nananahimik kong buhay? Para ipamukha sa akin na pareho na silang masaya? Nagtagis ang bagang ko. Hindi ko namalayan ang pagdaplis ng kutsilyo sa daliri ko dahilan para tumulo ang dugo roon. Hindi ko naman naramdaman ang hapdi, kaya kalmado at parang normal na lang ang aksyon kong binanlawan ang dugo. "Here." Boses sa gilid ko, kasabay nang paglapag ng isang baso sa lababo. "Sorry, late ko nang naibigay." Kumunot ang noo ko ngunit hindi ko na pinansin pa si Ryker. Nagpatuloy ako sa paghuhugas. Kinuha ko ang basong ginamit niya at mabuting sinabunan. Kanina ay chill lang ako, ngayon ay nagmamadali na. Nandito pa rin kasi si Ryker. Dama ko pa rin ang presensya niya. Nasa gilid ko lang siya at nang hindi pa ito makuntento ay sumandal ito sa sink. Ang dalawa niyang kamay ay pinagkrus nito sa ibabaw ng dibdib niya. "Wala ka pang naging boyfriend?" Bigla siyang natawa. "After ko?" Mula sa peripheral vision ko ay nakita ko ang agaran niyang pagbaling sa akin. Dumukwang din siya sa pwesto ko. "Hindi mo na ako sinundan?" dugtong niya, ang tinig ay akala mong natutuwa ngunit pilit niyang itinatago. "Bakit, Maddy?" Mariin akong pumikit. Isinarado ko ang faucet at saktong tapos naman na ako. Nagpupunas na ako ngayon ng mga kamay gamit ang tuyong basahan. Kating-kati na akong makalabas ng kusina. Kahit gustung-gusto ko ring sapakin si Ryker, hindi ko naman magawa. Lalo ngayon na nanginginig na ang mga tuhod ko. "Maddy..." pagtawag niya ulit. Lumanghap ako ng hangin bago siya hinarap. "Huwag mo akong matawag-tawag na Maddy, kasi hindi naman kita close. Ni hindi kita kilala. Okay, fiancé ka ng kapatid ko, kaya please lang, know your limit." Mahina siyang natawa. "Limit? Bakit? Ano bang ginagawa ko sa 'yo ngayon? Did I touch you? O baka... naalala mo lang iyong mga gabing tinatawag kitang Maddy?" Nagpilantikan ang mga kilay ko. Hindi ko alam— hindi ko alam na pagkatapos ng isang taon nang hindi namin pagkikita ay ganito na siya kayabang at arogante. Na imbes din na magpaliwanag siya sa akin ay hindi niya magawa-gawa. Na imbes din na ipaintindi niya sa akin lahat kung bakit niya ako iniwan ay ayaw niyang gawin. Dahan-dahang lumapit sa akin si Ryker. Huminto naman nang isang dangkal na lang ang layo ng mukha naming dalawa. Hinawakan niya ang baba ko, pilit na pinapatingala sa kaniya. Sa panghihina ko ay mabilis na nagtagpo ang mga mata namin. Ngumiti siya. "I'm glad you're still single." Kaagad akong kumawala sa kaniya at tinabig ang kamay nito. Masaya ba siya na single pa ako kasi iniisip niya na hindi pa ako nakaka-move on sa kaniya? Iniisip niya na mahal ko pa siya? Wow. "So, kung iniisip mo na hinihintay kita, mangarap ka, Ryker. Ano? Pagkatapos mo akong iwan, tingin mo ay kaya pa kitang hintayin? Ni hindi mo nga tinanong kung pinatawad na ba kita." Iyon ay kung talagang mapapatawad ko pa ba siya. Ang kapal naman ng mukha niya na bigla na lamang siyang magpapakita, tapos ganito? Malalaman ko na ikakasal silang dalawa ni Miranda? Aba, kahit sa kasal nila ay hinding-hindi ako pupunta. Hindi nakaimik si Ryker. Ngumuso lang siya, parang tutang nagpapaamo. "Bwisit ka," anas ko, kapagkuwan ay tinalikuran na siya ngunit kaagad ding natigil nang hawakan niya ang kamay ko. "Wear your bra, Madison. Next time, huwag na huwag kang yayakap ng lalaki kung alam mong wala kang suot na bra."
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD