Chapter 1

1591 Words
Nasapo ko ang aking mukha sa kahihiyan para sa sarili. Ryker, huh? Hindi ko rin alam kung anong pumasok sa utak ko kung bakit ito ang ipinangalan ko sa male lead ko ngayon. Ilang kwento na ang nagawa ko, pangatlo na ito mula sa isang taon kong pagsusulat. Siguro nga ay dahil baliw lang ako at sadyang nami-miss ko lang si Ryker. Gustuhin ko man din na baguhin ito ngunit nasa kalagitnaan na ako ng kwento. Kaya imbes na problemahin pa iyon ay ipinagpatuloy ko na lang ang pagtitipa sa keyboard. Kung sabagay, hindi rin naman niya malalaman na siya ang bida rito. Malay ba niya na nagsusulat na ako ngayon. Ewan ko nga kung magkikita pa kami, pero hindi ko na rin naman na hinangad pa. Well, kung nasaan man siya ngayon ay masaya ako para sa kaniya. Siguro naman, tamang desisyon iyong pinili niya at kung bakit niya ako hiniwalayan. Kaya kung iyon ang ikasasaya niya, kailangan ko iyong tanggapin at irespeto. Hindi rin naman ako iyong tipo ng tao na nagtatanim ng sama ng loob. Oo, marahil ay nasaktan ako, pero hanggang doon lang naman iyon. Hindi ko kaya na ipagsiksikan ang sarili sa taong ayaw sa akin. Bumuntong hininga ako. Nagdaan ang ilan pang oras. Hindi ko na namalayang natuyo na ang buhok ko. Nasa ganoong ayos pa rin ako nang marinig ko ang doorbell sa labas ng bahay. Kaagad nanlaki ang mga mata ko. Ura-urada akong tumayo, dali-dali akong tumakbo palabas ng kwarto ngunit mabilis ding bumalik para magdamit. Binuksan ko ang tukador ko, sa pagmamadali ay kung ano na lang iyong hinugot ko. Malaking t'shirt iyon na plain black na pinaresan ko ng ripped tokong shorts, na animo'y ginutay-gutay. Hindi na ako nakapagsuot ng bra, total naman din ay hindi halata sa suot kong damit. Si Miranda lang din naman iyon. Sa States nga ay mas malala ang damitan, liberated ang mga babae, kaya alam ko na maiintindihan naman niya iyon. Isa pa, alam ko na siya lang ang darating. Kaya panatag ako noong lumabas ako ng kwarto. Hindi na ako napagsuklay ngunit hindi ko na iyon inintindi pa. Mula sa sala ay natanaw kong nakabukas na iyong gate, nauna nang pumasok si Mama. "Kung wala lang siguro akong susi ay baka kanina pa nasunog ang balat ng kapatid mo sa labas," panimulang sermon niya. "Napakabagal mo talagang gumalaw. Oh, ayun, kunin mo 'yung ibang maleta sa kotse!" Mabilis akong tumalima. Kasunod ni Mama sa likod niya ay si Madison. Suot nito ay kulay pulang satin dress na kapag tinamaan ng sikat ng araw ay masakit sa mata. Naningkit ang mga mata ko at tinitigan siya. "Madison, is that you?" pukaw niya nang mamukhaan ako, akala mo ay ilang taon kaming hindi nagkita. Oo nga pala at mga bata pa kami noong huli kaming nagkita. Siguro ay mga sampung taon siya at ako ay kinse. Ngayon na nasa twenty na siya ay hindi hamak na mas mukha pa siyang dalaga kaysa sa akin. Napakurap-kurap ako sa gandang taglay niya. Dahil sa aming dalawa, mas nakuha niya ang lahat ng features ni Daddy. Kaya tuloy ay mukha rin siyang foreigner. Samantalang ako ay nagmana kay Mama. Kaya rin marahil alam na nila Mama at Daddy kung sino ang kukunin. Wala lang naging choice si Mama sa akin. "Yeah... it's me..." pilit kong pag-e-english dahil baka hindi niya maintindihan kapag nagtagalog ako. Maalam naman ako sa salitang english, hindi ko lang siya madalas na gamitin as verbal dahil bukod sa taong bahay lang naman ako— wala akong kaibigan, si Mama lang din ang nakakausap ko madalas. Baka batuhin pa ako no'n kapag nag-english ako sa harap niya. Sa pagsusulat ko lang din nagagamit ang english. Pero sa totoong buhay, syempre mas prefer ko ang tagalog. Mayamaya nang bigla akong yakapin ni Miranda. Mahigpit iyon, kasabay nang mahinhin niyang pagtawa sa tainga ko. "Nakakaintindi naman ako ng tagalog," tumatawa niyang bulong bago siya kumalas at hinarap ako, ngumisi siya. "Masaya ako na makita ka ulit, Madison." "Ate Madison," pagtatama ko. Tumawa lang siya. "Five years lang naman ang agwat natin. At bakit? Gusto mo ba na mas nade-define ang tanda mo sa akin?" "Hindi naman—" Syempre ay gusto ko lang na marinig na tinatawag niya akong Ate. Ever since kasi, Madison lang talaga ang tawag niya sa akin. "Iyon pala! Hayaan mo na!" Tinapik niya ang balikat ko habang nangingiti pa rin. Tumango na lang din ako at hinatid siya sa loob ng bahay. Lumabas ulit ako para sundin ang utos ni Mama, pero mabilis ding natigilan nang makita ang isang lalaki sa labas ng gate. Papasok pa lang siya at hawak nito ang isang maleta. Sa tagal kong hindi siya nakita, halos napatalon ako sa tuwa. "Tito Brantley!" hiyaw ko at nagmamadali siyang nilapitan. Napatingin siya sa akin at kaagad ding bumakas ang tuwa sa kaniyang mukha. Saglit niyang binitiwan ang maleta. Inilahad nito ang dalawang kamay sa ere, tanda na gusto niyang salubungin ko siya ng yakap. Iyon nga ang ginawa ko. Halos malanghap ko ang mamahaling perfume ni Tito Brantley. Natawa pa ito, kasabay nang paghimas niya sa buhok ko. Madali naman din akong kumawala upang tingalain siya. Nagmano na rin ako bilang pagrespeto. Si Tito Brantley ay pinsan ni Daddy. May lahi lang siyang afam dahil ang kaniyang ama ay purong pilipino. Hindi siya ganoon katanda katulad ni Daddy. Nasa early thirties pa lang yata itong si Tito. "How are you, darling?" pahayag niya habang natutuwa akong pinagmamasdan. "Tito, tagalog lang po," pagbibiro ko. Humalakhak siya. "Paumanhin, binibini." Nalukot ang mukha ko bilang pang-aasar. Mas lalo tuloy tumawa si Tito. Itinuro ko naman sa kaniya ang pinto ng bahay. "Doon, Tito! Pumasok ka na muna at masyadong tirik ang araw." "All right." Ngumiti muna siya sa akin bago deretsong naglakad. Saktong bumukas ulit ang gate para sa susunod pang papasok. Ang inakala kong si Daddy iyon— nagkamali ako. Mula sa itim na pares ng sapatos, sa itim na slacks at magarang polo shirt, dahan-dahan akong nag-angat ng tingin dito. Wala pa sa sarili nang mapaatras ako nang masilayan ang mukha ng isang lalaking hindi ko aakalaing makikita ko pa. Sa paninitig niya sa akin ay saglit na tumigil ang paghinga ko. Hindi ko na rin maramdaman ang pag-ikot ng mundo. "Ryker," buntong hininga ko sa kawalan nang mabalik ako sa reyalidad. Hindi siya nagsalita bagkus ay matagal siyang nakatitig sa akin. Tila ba maging siya ay nagulat na makita ako rito. Ang kaninang blanko niyang expression ay naging malamig, kagaya rati, noong gabing iwan niya ako sa madilim na lugar na iyon. Hindi rin maiwasan na manumbalik sa alaala ko kung paano akong nagmukhang basang sisiw noon, kung paano ko inilaban ang sarili sa lagnat na umabot ng isang linggo, sa kung paano ako nawala sa sarili. Bumalik ang masamang bangungot, na gaano man karami ang naging masasayang alaala naming dalawa ay mas nananaig ang lungkot at pighati ko sa gabing iyon. Animo'y may umahon sa puso kong galit. Tunay na hindi ako iyong klase ng taong nagtatanim ng sama ng loob, pero hindi ko rin inakalang ganito kabilis na kumalat ang galit sa pagkatao ko. Unti-unti kong naikuyom ang dalawang kamao. "A—anong... ginagawa mo rito?" mahina man ngunit alam kong dinig niya iyon. Nandito ba siya para magmakaawa? Bumalik ba siya para sabihin lahat ng dahilan niya? Nagpipilantikan na ang mga kilay ko, para na akong nag-aalburotong bulkan na kaunting kalabit siguro ay sasabog na ako. Isang taon. Hindi ko akalain na higit isang taon na pala ang nakalipas. Masaya ako na kahit papaano ay nagagawa kong ngumiti sa isang araw, ma-excite sa mga bagay na nagpapasaya sa akin, pero ngayon, parang nawala ulit ako sa sarili ko. "Babe!" Rinig kong pukaw ni Miranda, kapagkuwan ay lumapit siya sa gawi namin ni Ryker. "I've been waiting for you, Azaleo. Why don't you go inside?" Nakita ko ang pagpulupot ng kamay ni Miranda sa braso ni Ryker na kanina pa walang imik. Natuon doon ang atensyon ko. Nangunot ang noo ko. Matagal bago ko natanto kung anong nangyayari. Kalaunan ay para akong sinampal ng katotohanan. "Oh, Madison! I forgot to tell you," ani Miranda at saka pa lalong hinapit palapit sa kaniya si Ryker. "Ikakasal na pala ako." Hindi ako nakapagsalita. Alam ko na sa sarili ko na tama ang hula ko ngunit sadyang masakit sa parte ko, kaya hindi ako makapag-react. Hindi ko alam kung tatalon ba ako sa tuwa, o sasampalin ko muna si Ryker. Ito ba 'yun? Kaya ba siya nakipaghiwalay sa akin noon? Kasi ikakasal na siya? Mas pinili ba niya si Miranda kaysa sa akin? Tangina naman. "Uhm, Azaleo, this is Madison Cassidy Cruz, hindi halata, but yeah, kapatid ko." Humagikhik si Miranda. "And Madison, ito naman si Azaleo Ryker Montreal, fiancé ko." Tangina talaga. "Oo, nagpakilala na siya kanina. Akala ko ay bodyguard mo," dere-deretso kong sambit, kahit pa gusto ko nang sumabog. Natawa si Miranda. "You're evil." Maagap na tiningala ni Miranda si Ryker. "Sorry for that. Ganyan lang talaga si Madison, sabi ni Mama, she's taong-bahay, no friends and such. Kaya I'm sorry." "It's okay..." tila bulong sa hangin ni Ryker bago tumuwid ng tayo. "Anyway, nice meeting you, Maddy— Madison." Naglahad siya ng kamay ngunit hindi ko tinanggap. Ngumiti lamang ako bago tumango kay Miranda. Hindi na ako nagpaalam at nauna na akong pumasok ng bahay. Hindi ko na naalala iyong utos ni Mama, pero bahala na. Maddy? Maddy talaga?! Sa kama lang niya ako tinatawag ng gano'n!
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD