Chapter 63 Marilyn’s Pov MASAMA akong nakatingin kay espasol at wala akong planong magpatalo sa kanya. Tama na din yata na magkita kami para naman malinis ko ang pangalan ko. Hindi ako sigurado kong totoo ba talaga ang sinasabi niya na may nawawala. Mamaya pala gumagawa lang pala siya ng issue. “Wala kang pruweba na ako ang nagnakaw sa sinasabi mo. Maniniwala lang ako kapag may naipakita ka sa sa ‘kin na ebidensya. Kung wala naman ay malinis ang pangalan ko at higit sa lahat, malinis ang konsensya ko. Kaya nga hindi ako kinakarma eh dahil wala naman akong ginagawang masama.” Mahaba kong sabi kaya natawa siya. “Ang kapal talaga ng mukha mo eh no! Malamang may nakakita sayo. At yun ay ang katulong ko.” Saad ng babae kaya ako naman ngayon ang natawa. “Ahh.. yung katulong mong patang

