Chapter 62 Marilyn’s Pov NAKARATING kami sa bakeshop na pagmamay ari ni Honeybee. Malaki din pala ang pwesto niya. Ang ganda pagmasdan ng kulay ng store niya dahil mint green. Ang linis at ang aliwalas sa mata ang kulay. Mukhang dumating na din yata ang mga kaibigan ni Koa. Naka park kasi ang mga sasakyan nila sa kabilang kalsada na katapat lang sa shop ni Honeybee. Siguro ay ginawa na din niyang parking lot yun. Nag park na ang asawa ko at sabay na kaming bumaba ng kotse. Magkahawak kamay kaming dalawa habang tumatawid sa kabilang kalsada. “Ang ganda ng nakuhang pwesto ni Honeybee, love no! Daanan din ng mga tao.” Saad ko habang panay ang tingin ko sa paligid. “Natutuwa ako na magnenegosyo siya. Matagal na namin sinabi sa kanya na talikuran na ang trabaho niya at mag negosyo na l

