Chapter 53 Marilyn’s Pov LUNES NGAYON, maaga akong nagising para sana magluto ng almusal. Gusto ko sanang pagsilbihan ang asawa ko na walang ginawa kundi ang pagsilbihan ako. Ngunit paano ako makakabangon kong nakadagan naman ang asawa ko sa ‘kin hindi lang nakadagan kundi nakapatong talaga ang ulo niya sa tiyan ko. Ayaw kong maistorbo ang tulog niya kaya hinayaan ko nalang muna siyang matulog. Nalasing kasi siya kagabi. Nag aya kasi ng inuman si sir Sid dahil pa welcome back nila kay Honeybee. Ako naman ang uri ng asawa na papayagan ang mister makipag inuman. Wala din naman kasi siyang gagawin kaya naisipan kong pumayag. Naiintindihan ko din naman yun dahil ngayon lang din naman nila makaka bonding ang kaibigan nilang matagal na nawala. Sino ba naman ako para hindi payagan si Koa

