Chapter 52 Marilyn’s Pov NAGLUTO sila ng pagkain. Mga lalaki ang mga nagluto habang kami ni ate Macy ay nakaupo lang at pinapanood sila. Lumabas saglit si Honey dahil ipaayos yata niya ang gupit niya. Kawawa naman kasi dahil pinagtripan naman kasi ni Morgan. “Ang sarap magluto ng asawa ko, ate Macy. Bukod na masarap siya ay masarap din po siya magluto.” Saad ko sa mahinang boses. Gusto ko si ate Macy lang ang makarinig ng pag uusap namin. “Ayy, bongga yan!” Tugon naman ni ate Macy sabay tawa. Lumingon naman si Koa at sir Sid sa’min dahil sa pagtawa namin ni ate Macy. “Siguro mga boys ang pinag uusapan ng dalawang yan,” sabi ni Doc. Demetri kaya mas lalong kumunot ang noo ng mga asawa namin. “Palitan niyo na mga asawa niyo girls. Mga baliw yan sa inyo baka masakal lang kayo ng bo

