Chapter 80 Marilyn’s Pov NGAYONG araw ay pupunta kami sa bahay ng ama ni Koa. Kanina pa ako hindi mapakali at hindi na yata ako makakain ng maayos sa sobrang kaba ko. Kasama naming pupunta si Honeybee at Doc. Demetrius. Iniisip nila na baka may gawin ang ama ni Koa kaya dapat lang daw na nakabantay sila. “Alis na tayo, amore.” Aya ni Koa sa ‘kin kaya tumango lang ako habang nagdadalawang isip. “Sige, alis na tayo.” Sagot ko na lamang habang ang mukha ko ay hindi na yata maguhit ng kahit sinong pintor. Pinagsiklop ni Koa ang kamay namin dalawa at sabay na kami naglakad palabas ng kwarto. Nadatnan na namin si Honeybee at Doc. Demetrius na nakahanda na at kami na lang ang hinihintay. Nang makababa kami ni Koa ay tumayo sila kinauupuan nila at naglakad papunta sa kanilang dalawa.

