Chapter 81 Marilyn’s Pov KASAMA ko ang asawa ko na pumasok ng bahay ng ama niya. Nasa likod naman namin si Honeybee at Doc. Demetri habang si manang ay nasa tabi ko. Nang makapasok kami sa loob ng bahay ay halos mag tinginan ang mga katulong sa’min. Mukhang nagulat sila sa pagdating namin. Nasa loob na kami ng sala at isang katulong ang tinawag ni manang. “Ipaghanda mo sila ng maiinom.” Utos ni manang sa katulong na agad naman tumalima. Tumingin si manang sa’min ni Koa at ngumiti sa’min. “Nasa loob ng opisina ang ama mo, Koa. Doon mo na lang siya puntahan.” Saad ni manang kaya tumango si Koa. “Maghanda ka na ng gamit mo, manang. Makikipag usap na ako sa ama ko. Kailangan nasa labas na ang gamit mo upang hindi niya mapigilan ang gusto ko.” Saad ng asawa ko kaya agad na tumango s

