Chapter 82 Marilyn’s Pov TAPOS Na ang tatlong araw na pag s-stay namin sa La Presya. Nasa byahe na kami pabalik ng Manila. Nagawa ni Koa ang dapat niyang gawin kaya malaya na kaming bumalik sa Manila. Hindi ko na nakita ang ama ni Koa at mas mabuti yun dahil hindi talaga ako komportable na makita siya. Kasama namin si manang kaya tuwang tuwa ako dahil may kasama na kami sa bahay. Halata din naman sa matanda na masaya siya na kasama niya kami. Yun naman ang mahalaga eh. Ang sabi kasi ni Koa sa ‘kin ay kaya niya din gusto bumalik sa bahay ng ama niya para balikan si manang. Ginagawa daw kasi ng ama niya na panakot ang matanda at sinasabi niya na papatayin daw niya. Naawa naman ako kay manang dahil ilang taon na siyang naninilbihan pero ganito lang pala ang plano ng ama niya sa kanya.

