Chapter 44 Marilyn’s Pov NAKATITIG parin ako sa ama ko kasama ang kanyang bagong pamilya. Natawa ako dahil kung titignan ay para silang perfect family. Siguro ay inalis na talaga ako ng ama ko. Halata din na mas lalong umasenso ang buhay nila. Nakakatawa ang bagong anak ni papa, dati hindi ako masyadong bumibili dahil na din sa nagsisimula pa ang negosyo ni papa at mama. Gusto ko kasing makatulong sa kanila sa pamamagitan ng pagtitipid at hindi pagbili ng luho. Kaya hanggang ngayon ay hindi talaga ako maluho. Pero yung bago niyang anak ngayon ay mula ulo hanggang paa ay magara ang suot. Hindi ko napigilan matawa habang nakatitig sa kanila. “Ikaw nga.. anak.” Sabi ng ama ko na halatang hindi ako inaasahan na makita. “Bakit? Nabigla ka ba ng makita mo ako?” Nakangisi kong tanong sa k

