Chapter 45 Marilyn’s Pov SUMAMA ako kay mayor kahit pa nga hindi pa ako nakaka move on sa pagkikita namin ulit ng ama ko. Nawalan talaga ako ng gana sakanila. Gusto kong isumpa ang ama ko pero naalala ko na may Diyos nga pala at hihintayin na lang kung kailan sila makakarma. Nandito na ako sa sasakyan ni mayor habang siya ay bumalik sa mall para kunin ang mga pinamili niya. Hindi na ako sumama dahil nawalan talaga ako ng lakas sa paghaharap namin ng ama ko. Nakakapanghina na makita silang masaya habang ako ay nag iisa. Hindi man lang ako naisip ng ama ko. Hindi naman siya ganun dati. Naiiyak ako dahil naalala ko kung paano ako tratuhin dati ng ama ko. Siya palagi ang nag aalaga sa ‘kin. Ang totoo nga nyan ay mas close kami ni papa kaysa kay mama. Kaya hindi ko lubos maisip na magaga

