Chapter 70 Marilyn’s Pov DINALA ako ng asawa ko sa kwarto namin at hindi man lang ako pumalag. Hindi ako nagsasalita dahil ganun din naman ang ginagawa niya sa ‘kin. Nang makapasok kami sa room ay binitawan na niya ang kamay ko. Galit na naman siya dahil masama na naman siyang nakatingin sa ‘kin. “Ano bang problema mo?” Tanong ko sa kanya sa mahinang boses. “Bakit kausap mo yung lalaking yun?” Tanong niya sa matalim na boses. “Bakit, bawal ba akong makipag usap sa ibang tao? Tinuturo lang naman niya sa ‘kin kung saan ang magandang puntahan.” Depensa ko dahil halata naman sa mata niya na kung ano-ano na naman ang naiisip niya. “Bakit ka ngumiti sa kanya?” Tanong na naman niya. Isang beses pa talaga na magtanong siya, uppercut na talaga ang aabutin niya sa ‘kin. “Pwede ba.. ma

