Part 17

1114 Words

DALAWANG pares ng mga mata ang sumalubong sa kanilang mag-ama nang bumungad sila sa library. Parang gustong manghina ni Rachelle. Pawang kalungkutan ang nakikita niya sa mga matang iyon. Hindi niya alam kung kanino ang mas matinding lungkot. Kay Loi o kay Lara. Parang pinapanawan na siya ng pag-asa namasabi sa mga ito ang tungkol sa kasal nila ni Jake. “Sinabi mo na ba sa kanya?” tila nanantiyang tanong ni Loi kay Albert at saka tumitig sa kanya. Umiling ang papa niya. “Dito na lang ngayong magkakaharap tayong lahat.” Iminwestra nito sa kanya ang sofa. “Maupo tayo.” Palapit sa sofa ay naramdaman niya ang pangangalog ng tuhod kasabay ng hindi maipaliwanag na kaba. Gusto niyang ignorahin iyon subalit sa bawat paglagpas ng segundo ay parang tumitindi pa ang kabang nararamdaman niya. Hindi

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD