Part 16

2046 Words

NAGHUHUBAD si Rachelle at naghahandang maligo nang mapatda siya. Tinitigan niya ang sariling repleksyon sa harap ng salamin. Buhat sa leeg niya pababa sa bahagi ng katawan niyang natatabingan ng damit ay mababakas ang marka ng nagdaang gabi. Wala siyang reklamo doon sapagkat kung sabik si Jake sa kanya ay aaminin niyang ganoon din naman siya. Nang matanto nila kung paanong gumasgas sa makinis na balat niya ang nagsisimulang tubo ng balbas sa baba ni Jake, naroon na iyon at namumula. “Ganito ba ang itsura ng bagong kasal?” tanong niya sa sarili. Parang nararamdaman pa niya sa buong katawan niya ang paggapang ng mga labi ni Jake. At saka malungkot na ngumiti. Parang hindi na siya makahinga. Nahihirapan siya sa sitwasyon na gusto niyang ipagsigawan kung gaano siya kasaya sa buhay na pinaso

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD