Part 19

2978 Words

NAKAGAT ni Rachelle ang mga labi sa pagpipigil na mapabunghalit ng iyak. Hindi niya kayang tagalan na tingnan si Lara habang nakapikit ito at nakaratay sa ospital. Meron pang aparato na nakakabit sa katawan nito. Tila nanghihina siya na napasandal na lang sa dingding. Siya rin ang hindi nakatagal na hindi ito kumustahin. Isang text lang ng papa niya at nalaman niyang ilang araw na ring nasa ospital ang kanyang kapatid. “Mahigit isang linggo kang wala,” walang tono na sabi ni Albert sa kanya. “Hinayaan ka namin. Iginalang namin ang paglayo mo. Alam namin, hindi madali para sa iyo ang hinihiniling ng kapatid mo. Iniisip naming nagrerebelde ka. Pero salamat at naalala mo pa rin siyang kumustahin.” Hindi siya makasagot. Natumbok ng papa niya ang dahilan niya. Lumipat ang tingin niya kay Loi.

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD