Part 6

1650 Words

“SAAN TAYO uuwi?” tanong ni Rachelle nang palabas na sila ng hotel. They extended their stay for obvious reasons. Sa tatlong araw na inilagi nila doon ay tila tumigil ang inog ng mundo sa paligid. They couldn’t get enough of each other. And they were oblivious to the outside world. Minsan lang siya tumawag sa papa at mommy niya para huwag mag-alala ang mga ito sa kanya. Pinili niyang huwag magbigay ng dahilan para sa maigsing pagkawala niya. At nagpapasalamat siya na hindi naman nagtanong ang mga ito. Hindi pa siya nagbubukas ng cellphone buhat nang tumawag siya sa mga ito at sa mga staff niya upang maghabilin ng tungkol sa negosyo. Sinulyapan siya ni Jake. “Saan nga ba? Ikaw, saan mo gusto?” Natawa siya. “Ayan kasi. Nag-apura sa pagpapakasal, hindi tuloy alam ngayon kung saan uuwi.”

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD