MAGKASALO sila ni Ethel sa hapunan pero pareho silang walang kibuan. Hindi niya alam kung pati si Blessy ay nararamdaman ang tensyon sa kanila kaya naman maaga na itong inaantok nang araw na iyon. Hinihintay niyang banggitin sa kanya ni Ethel ang tungkol sa pagpunta ni Jaime roon pero kung hindi niya ito kausapin ay tila hindi naman kikibo. Maasikaso pa rin naman si Ethel sa kanya. Iyon nga lang, mabibilang ang salitang lumabas sa bibig nito buhat nang dumating siya. “Pinuntahan ako ni Jaime sa opisina,” kaswal na wika niya. “Nagpunta siya?” ulit ni Ethel na bahagya pang napakislot. Tumango siya. “Nanggaling na pala siya dito.” Sandaling nabitin sa ere ang hawak na kutsara ni Ethel. Ibinaba muna nito iyon bago sumagot sa kany
Download by scanning the QR code to get countless free stories and daily updated books


