Part 10

1180 Words

TATLONG oras lang ang pasok ni Ethel sa escuela ng araw na iyon. Umuwi siya sa boardinghouse upang magpahinga. Mamaya pa namang hapon ang pasok niya sa law office. Kahit matulog muna ay maaari niyang gawin.             Pero gising na gising ang diwa niya. Parang ngayon pa lang lumulubog sa isipan niya ang pinag-usapan nila ni Jaime. Kagabi ay wala na siyang oras na balikan sa isip ang paksang iyon. Matapos siyang ihatid nito, hindi pa man nagtatagal na nakalapat ang likod niya sa higaan ay tinangay na siya ng antok.             Hindi niya alam kung maniniwala siya. Pero seryoso ang takbo ng usapan nila ni Luke kagabi. Imposible namang nagsayang lang sila ng oras para mag-usap ng isang bagay na wala namang kuwenta.             Pero parang mahirap pa ring paniwalaan. Iyon ang isang bagay

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD