Four months later NAPUNO ang silid ng iyak ng sanggol. At iyon ang pinakamagandang tunog na narinig ni Yu at ng mga kaibigan niya sa buong buhay nila. Mas maganda pa sa pinakamagandang awit na nalikha nila. Nasa ospital sila at nakapalibot sa kama kung saan naroon si Cham habang hawak ang anak nito. Nasa gilid ng silid si Rick kasama sina Oliver, Adam, Theodore, Cade, at Matteo. The men congratulated Rick who was grinning from ear to ear. Halatang masayang-masaya. “Nakakainggit. Ang cute-cute ng baby,” usal ni Carli na nilaro ang kamay ng sanggol. “Oo nga,” pagsang-ayon nina Stephanie, Anje, at Ginny. May nakapang kung anong kislot si Yu sa puso niya habang nakatitig sa sanggol. Gusto ko rin. Ngumiti si Cham. “Gumawa na rin kayo.” Nagkatinginan silang magkakaibigan at nagngisian
Download by scanning the QR code to get countless free stories and daily updated books


