PAUWI na si Yu kasama si Rob dahil iginiit ni Rob na ihatid siya hanggang sa kanyang condo. Sila na lang kasing dalawa ang naiwan sa opisina ng Diamond Records dahil ang mga kabanda niya ay maagang sinundo ng mga kasintahan ng mga ito. Maging si Cham at Rick ay umuwi na rin para makapagpahinga ang kaibigan niya. Mahirap na raw at baka may mangilan-ngilan pa ring reporters ang naroon. Naglalakad sila sa lobby ng Diamond Records nang mapahinto si Yu sa ipinapalabas sa malaking screen sa isang bahagi ng lobby. Naka-mute iyon pero sapat na ang malaking headline sa ibaba ng screen para malaman niya kung ano ang nangyayari. Kuha iyon sa airport at ipino-focus ang camera sa isang magandang babaeng may hilang maleta. Nakalagay sa screen na ilang oras na ang nakararaan mula nang mangyari ang nasa v

