Muling natigilan ni Matt. Naging seryoso rin ang ekspresyon ng mukha nito kasabay ng paglapag ng mug sa mesa. Nang humarap si Matt kay Yu at masalubong niya ang seryosong mga mata nito ay napalis ang kanyang ngiti. “Matt?” nag-aalalang tawag niya. Bakit biglang naging ganoon ang disposisyon ni Matt? Umangat ang kamay ni Matt at sinuklay ng mga daliri ang buhok ni Yu na palagi nitong ginagawa. “I still haven’t told you things. I’m afraid you might leave me if I told you.” Napakurap si Yu. Bigla siyang kinabahan sa sinabi ni Matt. “Hindi kita iiwan. Hinintay kita nang matagal na panahon, hindi ba? Bakit kita iiwan ngayon kung kailan nagkita na tayo?” mahinang usal niya. Napakurap din si Matt. Tila may sasabihin si Matt nang muling tumunog ang cell phone nito. Sabay pa silang napatingi

