Chapter 1
Maliyah’s Pov
Ka baba ko lang sa big bike ko at tinanggal ko agad ang aking hemet para ipatong sa motor.
Naglalakad ako habang winawagayhay ang aking buhok papunta sa loob ng quarter namin.
“Nandito na pala si Maliyah.” Sabi ni Piper
“Oh anong pinag uusapan ninyo?” Tanong ko agad sa kanila. Parang mahalaga ata pinag uusapan nyo?” Pataas kong kilay habang tinatanong sila.
“May ipapagawa daw sa atin si boss kaya tinawag niya tayo dito.” Sagot ni Yumi habang nilalaro ang lighter sa kanyang kamay.
“Sino na naman kaya ipapaligpit niya kaya sa atin?” Sagot din ni Georianna
Biglang may dumating na maangas ang tunog ng motor.
“Nandito na si feeling pogi lagi.” Sambit ni Piper agad.
“Hi guys nandito na ako!” Pangiting sabi ni Reid sa aming lahat.
“Aga nyo ah ako na ba ang huli nasaan si Boss?” Tanong ni Reid habang naglalakad palapit sa amin.
“Wala hindi pa siya dumating.” Sagot agad ni Yumi
Hinila agad ang upuan saka umupo.
“Ahhh! Inaantok pa ako kulang pa talaga sa tulog!” Sambit ni Reid habang paghikab hikab siya naka upo.
Biglang dumating si Blake ang laging tahimik.
“Blake buti nandito ka na! Completo na tayo! Saan na kaya si Boss Milton.” Patanong ni Reid.
Tahimik lang ako nakatingin sa malayo habang naka upo.
"Parang hindi ako sanay ngayon sobrang tahimik.” Matyag ni Reid sa mga kasamahan namin.
"May burol ba?” Tanong ni Reid
"Sadyang tahimik lang kami Reid di tulad mo ang ingay mo.” Sagot ni Piper.
“Pangit naman magkasama tayo tapos hindi lang magka kamustahan." Rason ni Reid.
Biglang may dumating na isang sasakyan naka BMW. Nakita namin si Boss Milton bumaba sa sasakyan.
“Buti nandito na kayo lahat." Wika niya sa amin
"Kamusta kayo ngayon ulit tayo nagkita-kita.” Baraskong boses ni boss Milton sa amin.
“Boss bakit po kayo nagpatawag sa amin?" Tanong ni Reid
“Gusto ko lang kamustahin kayo ng harap harapan." Sagot ni boss Milton.
“Maliyah napa tumba mo agad pinagawa ko sayo. Balitang balita sa tv ang pagkamatay ni Zion pero hindi pa nahuhuli ang salarin dahil malinis at walang evidence ang mga pulis.” Sabi ni Boss Milton sa akin.
“Madali lang sa akin yan boss Milton." Matipid kung sagot sa kanya.
“Sanay na sanay ka na talaga, Dati takot ka pang magtrabaho sa akin dahil ayaw mo ang trabaho mo.” Sabi ni boss Milton sa akin.
"Ganun talaga bos pag may pinaghuhugutan ka ng galit magagawa mong pumatay ng tao.” Sagot ko sa kanya.
“Good bawat isa may kanya tayong hinaing sa buhay kaya nandito kayo para dito niyo mailabas ang tinatago nyong galit pero kumikita naman diba! Kaya paghusayan nyo pa ang mga pinapa utos ko bawat sa inyo." Paliwanag ni boss Milton sa amin.
“Ikaw Piper ano ng balita sa pinapagawa ko sayo?" Tanong ni boss Milton sa kanya
“Hindi ko pa siya matiempuhan boss pero sinusundan ko na siya ngayon. Kaunti na lang magagawa ko na pinapa utos mo boss Milton." Sagot ni Piper
“Ikaw Yumi wala pa akong ipapagawa sayo tambay ka na lang muna." Sabi ni boss Milton kay Yumi.
“Okay boss magpapahinga muna ako." Agad na sagot ni Yumi.
" Ako boss may ipapagawa po ba kayo sa akin?” Tanong ni Reid kay boss Milton
"Hindi muna kita bibigyan ng trabaho Reid stay put ka muna." Sagot ni boss Milton
“Ano ba yan boss gusto ko ng magtrabaho. Akala ko may ipapagawa kayo sa akin." Sabi ni Reid kay boss Milton
"Ikaw Georianna hindi ka pa rin tapos pinapagawa ko sayo kaya hindi muna kita bibigyan ng trabaho.” Wika ni boss Milton sa kanya.
" Okay lang boss.” Sagot naman ni Georianna.
“Pero may project ako ngayon kay para kay Blake at Maliyah.” Wika ni boss Milton
"Bakit magkasama pa kami ni Blake boss pwede naman ako na lang ang gagawa boss." Reaksyon ko agad.
“Hindi mo ito kakayanin Maliyah kailangan may kasama kang gagawa dahil mahirap kalabanin itong tao na ito." Paliwanag ni boss Milton sa akin.
"Boss ipalit nyo na lang po si Reid sa akin kung ayaw niya akong makatrabaho.”Sagot agad ni Blake
" Hindi pwede dahil alam ko kayo lang dalawa ang pwedeng magtrabaho nito. Yun na ang desisyon sa pinakataas.”
Paliwanag ni boss Milton sa amin.
Hindi na ka imik si Blake sa sinabi ni boss Milton.
“Naku paano yan Maliyah makatrabaho mo naman si Blake diba nagka away kayo yan? Mukhang bang mauulit na naman.” Wika ni Piper sa akin.
"Kaya nga pwede naman sana ako na lang mag isa kaya ko naman eh.” Sabi ko kay Piper.
"Kayo kasi ang malinis magtrabaho kaya pinagsama na naman kayong dalawa.” Sambit ni Piper sa akin.
"Ano pa bang magagawa ko utos na ng pinaka mataas daw alangan tanggihan ko.” Sagot ko kay Piper.
“Maliyah at Blake sumunod kayo sa loob at pag uusapan natin kung sino target niyong dalawa." Wika ni boss Milton ng pumasok siya agad sa loob.
"Paano Maliyah goodluck na lang sa inyong dalawa kung magkakasundo na naman kayo yan.” Sabi agad ni Piper sa akin.
Unang pumasok sa loob si Blake na walang lingon-lingon. Tumayo na din ako para pumunta din sa loob.
Pagpasok ko nakaupo na si boss Milton sa kanyang upuan habang si Blake ay nakatayo sa gilid.
“Umupo ka Maliyah." Sabi ni boss Milton sa akin.
" Alam ko ang tandem dahil magaling kayong dalawa. At alam ko din na hindi kayo magkasundo sana naman sa pangalawang pagsama niyo sa isang trabaho ay magkaintindihan naman sana kayo. Wala na sanang alitan gaya ng dati.” Paliwanag sa amin ni boss Milton.
" Okay po boss susubukan po.” Sagot ko sa kanya agad.
Hindi umimik si Blake habang sinabi ko kay boss Milton.
“Ikaw Blake magagawa mo ba? Dapat magkasundo na kayo dahil panibagong trabaho na naman ang pagsasamahan nyong dalawa." Paliwanag ni boss Milton kay kay Blake.
“May magagawa ba ako kung yun ang ibibigay niyo sa amin na trabaho boss.” Kunot noo siyang sumagot kay boss Milton.
“Okay Maliyah at Blake sana magkaayos na kayo para walang ilangan sa gagawin nyong trabaho.” Sabi sa amin ni boss Milton.
May inilapag si boss Milton na picture ng isang lalaki.
“Sino po siya boss?" Tanong ko agad.
“Siya si Mathias Rocco Valdez anak ni Apollo Valdez na isang businessman sa palawan. Si Mathias ay isang kilalang tao sa palawan may mga pasugalan at nagbebenta ng mga babaeng binubugaw niya sa ibang dayuhan. Kaya siya ang target natin at kayong dalawa ang pwedeng ma assign dito. Hindi makulong kulong dahil sa mga pera niyang pinipyansa sa pulis kaya pina trabaho na sa atin para matapos na ang kasamaan niya.”Paliwanag ni boss Milton sa amin.
“So sa palawan ang destination naming dalawa boss." Wika ni Blake
" Oo yun ang destination ninyong dalawa para na din kayong nagbakasyon yan.” Sabi ni boss Milton sa amin.
"Alam mo na gagawin mo Maliyah. Alam kong mga diskartehan mo at mahusay ka dito.” Sabi ni boss Milton sa akin.
"Ikaw Blake alalayan mo lang si Maliyah sa mga gagawin niya pagpasok doon sa puder ni Mathias. At huwag mong pabayaan si Maliyah doon Blake dahil kayo lang dalawa ang magkakampi. Maliwanag ba sayo Blake Miller?” Tanong ni boss Milton sa kanya.
“Makakaasa po boss Milton." Sagot ni Blake.
" Bukas na bukas pupunta na kayo sa palawan para simulan na ninyo ang mission nyong dalawa.” Wika ni boss Milton sa amin.
Tumayo na si boss Milton saka tumayo na din ako ng biglang.
"Teka lang Maliyah at Blake kailangan magpatawaran kayo dito sa harapan ko.” Wika ni boss Milton sa amin.
Nagharap kaming dalawa para mag patawaran.
“Sorry sa mga sinabi ko noon sayo nadala lang ako sa emotion ko Blake." Sabi ko sa kanya.
“Pasensya na din nadala din sa init ng ulo." Sagot ni Blake sa akin.
Inabot ko ang kamay ko para makipag kamay sa kanya. Napatingin siya sa akin saka hinawakan din ang kamay ko.
“Okay na kayong dalawa wala ng alitan kailangan trabaho muna." Sabi ni boss Milton sa aming dalawa
" Okay po boss.” Sagot ko
" O sige na makakaalis na kayong dalawa bukas doon na kayo sa palawan." Sabi ni boss Milton sa amin.
Lumabas na kaming dalawa na walang imikan.
"Oh Maliyah parang naka bisungo ka sa nguso mo dyan!” Wika ni Piper sa akin.
Si Blake dertso-diretso sa kanyang motor para makaalis na din.
“Tignan mo napaka plastic niyang tao talaga kala mo nakikipag bati pero napaka plastic naman tao." Wika ko kay Piper
"Hayaan mo Maliyah. Ano okay na kayo doon sa pupuntahan nyo? Saan ba destination ninyong dalawa?” Tanong ni Piper sa akin.
“Sa palawan kami pupunta ng dalawa Piper kaya mahabang asungot ang makakasama ko.” Sabi ko kay Piper.
" Naku malayo pala pupuntahan nyong dalawa goodluck sa inyo.” Sabi ni Piper sa akin.
“Goodluck talaga kung magkakasundo kaming dalawa doon." Kunot noo kong sabi sa kanya.
“Oh bakit nandito ka pa kanin pa sila nag uwian?" Tanong ko sa kanya.
“ Wala hinintay lang kita sabay na tayo uuwi." Wika ni Piper sa Kin.
“Nalu sabihin mo nakiki marites ka lang talaga Piper kahit kailan." Wika ko sa kanya
“Hindi naman gusto lang talaga kitang makasabay pag uwi." Wika niya sa akin.
"Tara na nga dami mong sinasabi.” Wika ko sa kanya
Agad na namin pinuntahan ang mga motor namin.
“Ang gara talaga ng bigbike mo Maliyah astig na astig." Sabi ni Piper sa akin
“Dadalhin ko nga itong motor ko para magagamit ko doon." Sabi ko sa kanya
“Huwag mo ng dalhin ipa arbor mo muna sa akin yan." Wika niya sa akin.
Hindi pwede Piper ito ang unang sahod ng sumabak ako dito sa trabaho na ito.” Sabi ko kay Piper
" Mukhang mahal na mahal mo ito Maliyah mahalaga talaga ito sayo.” Saad niya sa akin.
“Mas mahalaga pa ito sa pamilya ko itinuturing kapatid ko na itong motor ko Piper.” Wika ko sa kanya.
“Hindi pa talaga kayo nag aayos ng daddy mo?" Tanong sa akin ni Piper.
"Hindi pa kahit ngayon sinisisi pa talaga ako sa pagkamatay ni ate Shara.” Sabi ko sa kanya
" Grabe matagal na yun ilang taon ka na hanggang ngayon hindi pa rin maka move on daddy mo?” Tanong niya sa akin.
"Hindi pa kaya kahit wala ako dyan wala naman akong magandang nagawa sa paningin niya Piper . Okay na din yun kamuhian niya mas doon ako tumatapang bawat galit niya sa akin. Focus na lang ako sa ipapagawa sa amin ni aboss Milton.” Paliwanag ko sa kanya.
“Mabuti pa kaysa magmukmok ka sa bahay at maririnig mo pa ang masasakit na salita ng tatay mong hindi man lang nagparamdam sayo ng pagmamahal.” Wika ni Piper sa akin.
"Hinahayaan ko na lang Piper ayoko nag ipilit sarili ko kung pwede pa ata mamatay na lang din ako para matuwa na din siya sitwasyon ko." Wika ko sa kanya.
“Ay naku Maliyah huwag mong sayangin buhay mo may para lang dyan. Mahalin mo sarili mo." Wika ni Piper sa akin.
“Salamat Piper sa payo mo sa akin." Sabi ko sa kanya
" Tara na uwi na tayo para maghanda na din ako para bukas na dadalhin.” Aya ko kay Piper
Isinuot ko ang aking helmet at pinaandar ko na din ang aking motor. Pinaandar na din ni Piper ang kanyang motor saka pinatakbo na namin ang mga dalang motor namin.
Nag harurot na kaming nagpapatakbo sa motor ng nagpaalam na si Piper dahil lilihis na siya ng ibang way pauwi sa kanila.
“Maliyah magkikita lang tayo pag balik muna ingat ka bukas tawagan mo na lang lagi para hindi ka ma boring sa isla." Sigaw niya sa akin.
“Oo naman ingat ka din sa pag uwi mo Piper." Sigaw ko sa kanya.
Pinaharorot ko ulit sa daan ang motor na naka 200 ang takbo. Wala akong takot sa pagpapatakbo ko dahil sanay na ako sa ganitong motor na malaki.
Napahinto na ako sa gate ng subdivision bumusena muna ako ng nakapasok ako sa loob.
Nang nakarating na ako ay huminto na ako sa harapan ng bahay at bumaba agad.