Chapter 4

2137 Words
Chapter 4 Maliyah’s Pov “Room 0206 nandito na tayo.” Wika ni Blake ng nakita ang number sa pinto. Kinuha ang susi saka binuksan ang pinto. Unang pumasok sa loob si Blake at dahan-dahan din ako. Nakita ko malawak naman pero walang kwarto doon ako ang na problema dahil babae ako. “Bakit kasi isang kwarto lang kinuha ni boss Milton para sa atin! Alam nman niya babae ako!” Singhal kung sabi kay Blake. “Ako na lang sa sofa ikaw sa kama.” Sabi Blake sa akin. “Haisst may magagawa pa ba ako nandito na ito.” Kunot noo sabi sa kanya. Dumiretso na ako sa kama sa ka humiga. Gusto ko munang matulog ngayon.” Sambit ko “Pahinga ka na muna mukhang pagod ka nga sa byahe.” Wika ni Blake sa akin. Ipinikit ko muna ang aking mga mata saka itinuloy ang pag tulog sa ibabaw ng kama. Inilabas ni Blake ang laptop at ang mga kagamitang iba. Ni open niya ito at inayos na ito. “Asan ang magaling mong anak Aurora?” Tanong ni daddy Robert kay mommy Aurora. “Tuluyan na talaga siyang humiwalay na sa atin ang anak mo Robert. Bakit hindi mo maibigay sa kanya ang pagmamahal mo bilang ama! Lumaki si Maliyah na sa puso hinanakit sayo! Kahit ng bata pa siya ni hindi niya maramdaman na nandyan ka para sa kanya. Matagal ng wala si Shara sana naman ibaling mo na sa kanya ang pagmamahal bilang ama. Huwag hayaan na pati siya mawawala din sa piling natin Robert.” Wika ni mommy Aurora sa kanya. “Wala na akong paki alam kung lumayas siya! Huwag kang mag alala babalik din yun sa bahay na ito.” Singhal ni daddy Robert kay mommy Aurora sabay umalis bumalik ng kwarto. “Grabe parang bato na din ang kanyang puso. Hindi niya magawang mahalin ang kanyang anak kahit nag iisa na lang ito." Sambit ni mommy Aurora. Nagising ako sa sound ni Blake na rock songs. “Ano ba yan Blake ang ingay naman ng sounds mo!" Naalimpungatan ako sa ingay. "Ah sorry na gising ba kita? Okay lang yun mahaba na din tulog mo.” Rason niya sa akin. Bumangon ako saka napa kamot sa ulo. Nakita ko siya pasayaw sayaw pa siya habang nakikinig ng sounds. Nakalimutan ko pa lang tanggalin ang jacket ko kaya sobrang init ng pakiramdam ko. Tinanggal ko ito at pinulupot ang buhok ko. Napatingin sa akin si Blake. “Oh bakit nakatingin ka sa akin?” Tanong ko sa kanya. "Wala naman. Bakit masama bang tumingin sayo?” Tanong niya sa akin. "Hindi naman baka nga sisilipan mo ako lalo na’t isa lang tayo ng kwarto! Subukan mo lang Blake makaka tikim ka sa galit ko!” Singhal ko sa kanya. "Hindi ako ganun! Baka nga pagnasahan mo ang matipuno kong katawan.” Sagot niya sa akin. “Hoy! Feeling mo akala mo magkakagusto ako sa katawan mo! Heller sayo na yan katawan mo at hindi rin kita type asa ka pa!” Pa bulyaw kong sabi sa kanya. “Naku mabato-bato pa naman itong katawan ko!" Biglang sabi niya na biglang nagpasikat sa muscle niya sa harapan ko. “Feeling mo talaga!" Sabay hagis ng unan sa kanya. “Hoy bakit mo ako binato ng unan! Naku wag mo lang itong hawakan katawan ko Maliyah baka hanap hanapin mo ito. " Singhal niya sa akin. "Asa ka! Hinding hindi ko yan hahawakan kahit anong mangyari.” Sabi ko sabay alis ng kwarto para maghanap ng makakain. Lumabas ako ng hotel para matanaw ang paligid nito. Tanaw ko sa malayo ang dagat. “Grabe sobrang tirik ng init dito sa labas gusto ko sanang pumunta doon." Sambit ko habang patingin tingin sa labas. May nakita akong malapit na restaurant pinuntahan ko at umupo sa labas nito. Habang nakaupo ako tinitingnan ko ang menu nila na nakalagay sa table. “Hi ma'am what's your order.” Tanong sa akin ng waitress na lumapit sa akin. Napatingin ako sa kanya at napangiti. “Oh Yes miss, I want fried garlic shrimp and fried chicken buntot with ice tea.” I said to him “Yes ma'am I prepared for 15 mins ma'am.” Sabay ngiti niya sa akin. “Okay thank you.” Sabi ko sa kanya. Hinintay ko sa table habang hawak ang aking cellphone. Bumungad sa phone ko ang message ni mommy. Ni open ko ito at binasa ang mga message ni mommy. “Maliyah nasaan ka na?” "Anak umuwi ka na nag aalala kami dito.” "Please anak umuwi ka na sa bahay pag usapan natin problema mo.” Mga mensahe ni mommy sa akin. Hindi ko na ni replyan mga message ni mommy. Alam kong maiiyak na naman ako pag ni replyan ko na naman ito. Gusto ko munang kalimutan problema ko kahit ngayon lang. Gusto ko munang magtrabho para sa sarili ko. “Haisst kahit na ano man sabihin ko hindi pa rin akong magawang mahalin ni daddy." Wika ko sabay napatingin sa malayo . Maya-maya dumating ang order ko. "Hi ma'am here your order.” Wika ng waitress sa akin. "Thank you miss.” Sagot ko sa kanya. "Happy lunch ma'am.” Aniya sabay alis sa harapan ko. " Thank you.” Sabay ngiti. "Wow ang sarap naman nagugutom na ako.” Sambit ko habang nakatingin sa pagkain. Pasubo na sana ako ng may tumapik sa balikat ko. “Nandito ka lang pala hindi ka nagsabi kakain ka dito." Wika ni Blake sa akin. “Ano ba yan inuudlot mo pagkain ko hanggang dito talaga napuntahan mo ako? Nagugutom na kaya ako.” Singhal ko agad sa kanya. "Pwede patikim nito.” Wika niya sa akin. "Hoy mag order ka kaya para kumain ka na din. Hindi yung kinakain mo pagkain ko!” Singhal ko sa kanya. “Parang tumikim lang kung masarap ba pagkain nila." Wika ni Blake sa akin. Nagpatuloy akong kumain sa harapan niya para paglawayin siya. “Oo na o-order na ako ng pagkain ko.” Sabi niya sa akin agad. "Alam kong naglalaway ka kaya mag order ka na ng pagkain mo." Sabi ko sa kanya. “Miss." Tawag niya sa waitress “Yes sir." What's your order?” Tanong ng waitress kay Blake. "Miss bigyan mo nga ako ng spicy shrimp in alavar sauce at chicken inato paa with extra rice and ice tea.” Wika ni Blake sa waitress. " Okay sir for 15 mins .” Wika ng waitress kay Blake “Miss, wait." Pag pigil ni Blake " Yes po sir.” Tanong ng waitress. " Pwede paki bilisan natatakam na kasi ako sa pagkain niya nagugutom na kasi ako.” Hirit na sabi ni Blake sa waitress. "Okay sir.” Sagot ng waitress na napa ngiti sa kanya. "Hoy maghintay ka! Akala mo madali? Ako nga naghihintay ng 25 mins tapos ikaw nagmamadali kang magpahatid.” Biro kong sabi sa kanya. Habang sinubo ko ang chicken na order ko ay pinapatakam ko siya muna. “Grabe ka talaga Maliyah gutom na gutom na ako tapos ganyan ginagawa mo." Sabi niya sa akin. "Asarap napaka sarap ng chicken.” Pagpapalawak ko sa kanya. “Hayaan mo makakakain din ako konting tiis na lang.” Sabi niya sa akin. Ilang minuto dumating na din order niya sa wakas. "Hay salamat dumating na din pagkain ko. Sa wakas makakakain na din ako.” Sambit niya agad mukhang gutom na gutom na siya. “Wow ang sarap nga!" Sambit niya habang kumakain. "Habang nandito tayo sa Coron tataba ata tayo dito sa sarap ng pagkain nila.” Sabi ni Blake habang kumakain. "Kumain ka na nga ang daldal mo.” Wika ko sa kanya. Biglang nag ring phone ko at nakita ko tumatawag si Piper sa akin. “Yes, kamusta!" Wika ko agad sa kanya. “Ito nandito nakahiga. Kayo kamusta na kayo dyan?" Tanong niya sa akin. “Ito kakatapos lang kumain." Sagot ko s kanya “Sino yan?" Tanong agad ni Blake sa akin. " Si Piper nangangamusta.” Sagot ko "Parang narinig ko boses ni Blake magkasama ba kayo?” Tanong ni Piper sa akin. "Oo kumain kami sa restaurant." Sagot ko kay Piper. “Parang himala nagsama kayo!" Wika ni Piper sa akin. “Paano kumakain ako biglang sumunod pala sa akin nagugutom din siya kaya ito kumakain siya ngayon ako tapos ng kumain." Wika ko sa kanya. “Ah ganun ba!" Sagot ni Piper “ Kailan kayo magsisimula dyan?" Tanong ni Piper sa akin. " Baka mamaya pagplaplanuhan na namin gagawin namin pero ako parang easy lang gagawin ko alam mo na yun.” Wika ko sa kanya. "Ikaw pa Maliyah hassler ka na yan kung yan ang pag uusapan. Kaunting ladian lang baka bumigay din yun sayo pag nakita ka.” Wika ni Piper sa akin. " Malamang kaunting himas at landi lang yun bibigay yun sa akin." Wika ko habang kausap si Piper sa phone. “Anong landi?" Tanong ni Blake “Hoy wag nyong idaan sa paglalandi kailangan din pag planuhan ng mabuti." Sambit din ni Blake habang nakikinig sa usapan namin ni Piper. “Kumain ka na nga dyan Blake usapan babae ito nangingialam ka!” Pagsita ko sa kanya "Bahala nga kayo basta ako kakain muna dito nagugutom na talaga ako.” Wika ni Blake agad. "Oh sige na mag ingat ka Maliyah lalo na’t malaking tao kinakalaban niyo. Kailangan nyong umuwi pa dito. Kung hindi nyo kaya pwede naman kayo humingi ng tulong nandito lang kami naka abang.” Wika ni Piper sa akin. "Salamat Piper sa concern mo sa akin. Mag ingat ka din dyan.” Wika ko sa kanya. " Ano tapos ka na ba dyan? Babalik na ako sa taas para maligo naman din. Uuna na kaya ako para maligo habang nandito ka pa kumakain.” Wika ko sa kanya. "Sige na mauna ka na doon susunod na ako.” Wika niya sa akin. " Magpaka busog ka dyan." Wika ko sa kanya ng iniwan ko siya kumakain. Natatawa akong naglalakad dahil iniwan ko siya na siya ang magbabayad sa inorder ko. Nagmamadali na akong bumalik sa hotel para maligo na ako. Binuksan ko ang pinto ng kwarto dumiritso na ako binuhat ang aking maleta. Binuksan ko ito agad at kumuha ng isusuot. “Naku lagot na puro pala pang sexy dala kong damit dito! Paano kaya ito?" Sambit ko sa sarili . Hindi ko akalain magsasama kami sa isang kwarto ng mukong na yun.” Dagdag ko pa Kinuha ko na lang ang terno black spaghetti top at short at yun na lang isusuot ko. Pumunta na ako agad sa banyo para maligo dala-dala ang tuwalya. Nang natapos ng kumain si Blake. "Miss." Tawag ni Blake sa waitress Lumapit sa kanya ang waitress. “Yes sir bale 1,000 lahat.” Wika ng waitress kay Blake. "Ha! Bakit sobrang laki naman ng babayaran ko?” Tanong ni Blake sa waitress. " Sir yung kinain ng kasama mo sir kasali na po doon.” Paliwanag ng babae sa akin. "Ano lintik na naisahan talaga ako ng babae na yun. Kaya pala umalis siya agad para ako magbayad ng kinain niya. Napaka tuso niya ding babae.” Maktul ni Blake habang binabayaran ang pagkain . “Lagot talaga siya sa akin pagdating ko doon sa kwarto.” Sambit niya habang nakatayo na siya para pabalik sa hotel. Nang natapos na akong maligo at nag toothbrush na din ako sa harap ng salamin. Nakalimutan ko pala ang damit ko nasa kama nakalapag. Lumabas na ako at doon na lang magibihis habang wala pa si Blake. Kinuha ko ang underwear ko at isinuot ko na agad ito. Nang sinuot ko ang underwear ko at tinanggal ko na ang tuwalya sa katawan ko. “Maliyah napaka tuso mo tala-. " Hindi na tapos sinasabi niya ng nakita niya akong naka panty at bra pagpasok niya sa loob ng kwarto. “Sorry nagbibihis ka pala!" Patalikod niyang sabi “Ano hindi ka ba marunong kumatok sa pinto! Alam mo naman naliligo ako tapos bigla kang papasok!" Singhal ko sa kanya habang nagmamadali akong ng suot ng damit ko. “Sorry! Kasi naman ang tuso mo kasi iniwan mo ako doon para ako magbayad ng kinain mo." Wika ni Blake sa akin. "Akala ko magaling ka simple lang naman yun pero nautakan kita." Wika ko sa kanya. “Sige na okay na ako nakabihis na ako. Pwede munang idilat mata mo dyan." Wika ko sa kanya. Pinunasan ko ang basang buhok ko ng tuwalya para matuyo ito agad. “Ang laki ng binayaran ko 1k lahat hanip mo!" Wika niya sa akin. “Hayaan mo Blake ako na manglilibre sayo sa sunod." Wika ko habang nag lo-lotion ako sa aking katawan.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD