Chapter 9.
Maliyah's Pov
‘’Blake pupunta muna sa bayan may bibilhin lang ako.’’ Paalam ko sa kanya
‘’Gusto mo ba samahan kita?’’Tanong ni Blake sa akin.
‘’Wag na kaya ko naman mag isa.’’ Sagot ko sa kanya
‘’Mag ingat ka sa pupuntahan mo.’’ Paalala ni Blake sa akin.
“Blake huwag kang mag alala hindi naman ako mag iinom." Sagot ko sa kanya.
" Sige na alis na muna ako." Sabi ko sabay alis.
Lumabas na ako sa hotel at nag hanap ng sasakyan papunta sa bayan.
“Honey alis na muna ako may pupuntahan lang ako saglit.” Paalam ni Mathias sa kanyang asawa
Lumabas siya agad saka sumakay sa kanyang sasakyan.
“Iha dito na kita maibaba." Sabi ng drive ng multicab sa akin.
“Sige po manong ito po bayad ko." Wika ko sabay abot sa pamasahe ko.
Pag baba ko palakad lakad muna ako sa gilid ng kalsada at patingin tingin sa paligid. Naghahanap ako ng grocery para mamili ng hygiene ko.
Nang nakakita na ako ng mini grocery ay pumasok ako agad sa loob at kumuha agad ng basket para lagyan ng pinamili ko.
Ilang minuto natapos na din akong naka pamili ng mga kailangan ko agad akong pumunta sa cashier saka nagbayad.
Lumabas ako agad saka naglalakad papunta sa isang kainan.
Sa pagtawid ko sa kalsada biglang may bumusena ng malakas sa akin na muntik na akong mabundol nito. Napahinto ang sasakyan ng dahil sa akin.
Napatingin ako sa sasakyan na muntik ako masagasahan.
“Siya yung nagka inuman ko noong isang gabi.” Biglang sambit ni Mathias habang nagulat siya sa pagtigil niya bigla ng sasakyan.
Bumaba siya agad sa sasakyan para tingnan na muntik niyang mabundol.
Nakita ko Mathias ng bumaba ng sasakyan.
“Nasaktan ka ba? Ikaw yung babaeng nasa bar I'm right?" Tanong ni Mathias sa akin.
"Si Mathias pala itong muntik na akong masagasaan.’’Sambit ko sa isip habang naka tulala.
‘’Are you okay!’’Tanong nya sa akin
‘’Ay sorry sir hindi ko namalayan may parating na sasakyan.’’ Sagot ko sa kanya
Parang pagkakataon kong makalapit sa kanya.
‘’May masakit ba sayo? Dadalhin kita sa ospital.’’ Tanong niya sa akin
‘’No i'm okay.’’ Sagot ko sa kanya
‘’Bakit bigla kang nawala last night?’’ Tanong niya sa akin
“Sinundo ka ba sa bar?" Dagdag niyang tanong sa akin.
“A-ah oo sinundo ako ng kuya ko lasing na daw ako. Pinapahanap daw ako ng lola ko kaya pinuntahan niya ako sa bar. Sorry hindi na ako nag paalam sayo sir.” Alibay ko sa kanya.
“Ganun ba. Kaya pala hinahanap kita hindi kita makita.” Wika niya sa akin.
“Okay ka lang ba talaga?" Tanong niya ulit sa akin.
“Opo okay lang ako huwag kayong mag alala hindi naman po ako nasaktan." Sagot ko sa kanya.
“Saan ka ba pupunta?" Tanong niya sa akin.
“Mag hahanap ng makakainan nagugutom na kasi ako kaya hindi ko na namalayan may sasakyan pala parating." Sabi ko sa kanya.
“Ganun ba sige treat na lang kita para naman makabawi ako sayo.” Aya niya sa akin.
"Sorry ano nga pangalan mo? I forgot your name." Tanong niya sa akin.
“Maliyah sir." Sabi ko sa kanya.
“Ah Maliyah pwede ba kitang ayain kumain sa labas? Para makabawi naman ako sayo sa nangyayari ngayon." Tanong niya sa akin.
Hindi na ako makatanggi sa aya niya sa akin. Sakto kailangan kong mapalapit na sa kanya.
"Pwede naman po sir.” Sagot ko sa kanya.
“Let's go." Sabi niya sa akin.
Pumunta siya sa kabilang pinto saka binuksan ang pinto para makasakay na ako.
Nang nakasakay na ako ay umikot na din siya para sumakay para magmaneho.
“Dito na tayo banda kumain. Okay lang ba sayo?” Tanong niya sa akin
“Kahit saan po sir okay lang po kahit sa turo-turo nga lang okay lang po." Sagot ko sa kanya.
“Huwag naman dito na tayo kakain mukhang nagugutom ka na kasi sa tingin ko sayo." Wika niya Mathias sa akin.
" Mukhang mamahalin ata dito sir? Huwag na lang po dito wala po akong ibabayad sa inyo.” Sabi ko sa kanya.
"No, I'll treat you. Ako na bahala hindi naman kita pag babayaran pagkatapos natin kumain.” Wika ni Mathias sa akin.
“Tara baba na tayo." Aya niya sa akin.
Bumaba kaming dalawa saka nagtungo sa loob ng restaurant. Habang naglalakad at naka sunod ako napatitig ako sa kanya kinuha ko ang cellphone at saka dali nag pm kay Blake.
“Kasama ko si Mathias ngayon nasa loob ng restaurant." Message ko kay Blake agad.
Inilagay ko sa bulsa ang phone ko agad para hindi niya makita.
“Parang isang oras na mahigit hindi pa rin siya nakaka balik nasaan n kaya yun babae na yun?" Na patanong na si Blake sa sarili.
Biglang tumunog ang phone niya saka tinignan agad niya ito. Nakita niya may message at binasa niya ito.
"Kasama ko si Mathias ngayon nasa loob ng restaurant." Mensahe ko sa kanya.
"Nakipag kita talaga siya ng hindi nagsasabi!” Inis niyang sabi habang nakatingin siya sa phone.
“Hindi siya nagsasabi kung anong mga plano niya talaga parang walang kasama kumikilos lang mag isa!" Dagdag niya pa ito na naiinis na si Blake.
“Dito na tayo.” Wika ni Mathias habang inurong na niya ang upuan para paupuin ako.
"Thank you.” Ani ko.
Saka umupo din siya sa tapat ng inuupuan ko.
“Waiter." Tawag niya Mathias.
“Hi sir, here's the menu.” Wika niya sabay bigay niya sa menu dish.
Tinuro niya sa waiter kung ano ang inoorder niya sa menu saka umalis sa harapan namin.
"Ah sorry hindi na kita tinanong kung anong gusto mo. Ako na lang pumili para sa kakainin natin dalawa.” Wika niya sa akin.
“Okay lang po sir hindi naman ako mapili sa pagkain." Wika ko sa kanya.
"Ganun ba hindi ka pala mapili sa pagkain. Kahit anu pala kinakain mo?”Tanong niya habang nakatingin sa akin.
"Oo naman po kumakain ako kahit ano." Sagot ko agad.
“Ako kumakain ako ng iba-ibang putahe. Mas masarap kasi yung hilaw na mamasa- masa.” Wika niya habang nakaharap sa akin.
" Ganun po ba! Anong klase na putahe yung sinasabi mo sir Mathias?” Tanong ko sa kanya.
"Masarap yung tahong na inihaw na mamasa-masa ang sarap sipsipin lalo na fresh pa ito.” Sagot niya habang nakatitig sa akin.
Napakagat labi na lang ako sa sinabi niya sa harapan ko. Habang titig na titig sa akin. Biglang lumitaw ang waiter saka hinatid mga order naming pagkain.
“Ah sorry nandito na pala order natin." Sambit niya habang inilalapag ang mga order niya na pagkain.
"Sir sobrang dami naman po inorder nyong ulam hindi po ako kumakain masyado sir.” Sambit ko agad sa kanya.
“Kakain natin itong lahat hanggang magsawa ka."Wika niya sa akin
“Naku sir konti-konti lang talaga kinakain ko. Hindi ako matakaw po.” Sabi ko sa kanya .
" Okay lang yan Maliyah pwede mo naman e take out kung hindi natin maubos.” Wika niya sa akin.
" Let's eat na.” Sambit niya sa akin.
Nagsimula na kaming kumain dalawa habang nag uusap pa rin.
“Masarap ba pagkain nila dito?” Tanong niya sa akin
“Masarap din naman pag kain nila.” Sagot ko sa kanya
“Ako hindi ako masyado nasasarapan sa pagkain ko.” Wika niya sa akin.
“Okay naman ang lasa ng pagkain nila dito. Iba-iba kasi tayo panlasa sa pagkain.” Wika ko sa kanya.
Kinuha ko ang juice na order niya at ininom.
“Gusto ko kasi kain yung sinabi ko kanina yung fresh tahong.” Sambit niya bigla sa akin.
Bigla na lang ako napa upo sa sinabi niya sa akin.
“Okay ka lang ba?” Tanong niya sa akin
“Nasamid lang ako sa baka may nakaalala sa akin.” Sagot ko naman sa kanya.
“Swerte naman yun nakaalala sayo napansin mo siya.” Wika niya sa akin.
“Baka hinahanap na ako ng lola ko.” Sagot ko sa kanya.
“Anong trabaho mo ngayon at saan ka nagtatrabaho?” Tanong niya sa akin
“Ako nasa department store ako nagtatrabaho dati nag resigned ako dahil umuwi ako dito sa palawan.” Wika ko sa kanya
“So wala kang work ngayon?” Tanong niya sa akin
“Wala sa ngayon.” Sagot ko sa kanya
Bigla siyang tumayo saka may kinuha sa likod ng bulsa ng kanyang pants. Binuklat niya ito at may kinuha sa wallet agad.
“Ito calling card kung gusto mong mag trabaho may offer ako sayo.” Wika niya sa akin sabay abot sa calling card.
Napatingin ako sa kanya saka agad napatingin sa calling card.
“Mathias Rocco Valdez ang pangalan mo. Sige pag kailangan ko mag trabaho tatawag ako sayo.” Sabi ko agad sa kanya.
Umupo siya agad sa kanyang upuan saka itinuloy ang pagkain naming dalawa.
“ Ano bang trabaho meron po kayo?” Tanong ko sa kanya.
“Maraming trabaho kung gusto mo personal assistant hired ko sayo simula ka na agad bukas.” Wika niya sa akin.
“Ganun po ba! Hired talaga agad. Pag iisipan ko pa sir at magpapaalam pa ako sa lola ko.” Wika ko sa kanya
“Tawagan mo lang ako kung need mo ng magtrabaho.” Wika niya sa akin.
“Sige pag need ko po.” Sabi ko sa kanya.