Naupo si Father Markus sa malamig na batong sahig ng dungeon, katapat ni Dr. Pontificano sa kabila ng rehas na nakaupo naman sa foldable chair. Naka-lotus position ang pari na para bang magyo-yoga at nakalapat ang kanyang mga kamay sa magkabilang tuhod. "Kumusta ang leeg mo, doctor?" tanong niya. "My neck is fine," sagot ng psychiatrist. Nagka-strain ang leeg ni Dr. Pontificano gawa ng pag-angat sa kanya ng pari sa ere gamit ang kapangyarihan nito, na para ba siyang sinakal ng isang unseen force at nag-iwan ng marka sa kanyang balat. Lumipas na ang dalawang araw, wala na ang pantal pero ang memoryang iyon ay sariwa pa sa kanyang isipan. Ipinasantabi na lamang niya ang nangyari, ikanga'y water under the bridge, hindi siya dapat maapektuhan pa nito. Umayos siya ng upo at finold ang kanyan

