Preparation

2285 Words

Pasado alas-singko na ng hapon nang makauwi sila sa bahay ni Mayor Arteza kung saan masaya silang sinalubong ni Karen. Unang hinanap ng buntis ay ang Cebu lechon na hindi nabili ng alkalde, na hindi naman nakaligtaang pasalubungan ang misis ng kasoy, cashew butter at honey mula sa Puerto Princesa. Expected naman ito ni Karen kaya't nagpaluto na lamang siya ng mga pagkaing tubong Quezon tulad ng pancit habhab, Lucban longganiza, inihaw na tilapia sa gata, at ginataang kuhol sa paco. Of course, may panghimagas na budin. "Look! Kasama namin si Brother Paul, I mean, Father Paul!" turo ni Hannah. Binati ni Karen ang pari, alam naman niyang kasama ito pagka't tinext siya ng asawa. "Gutom na ba kayo?" tanong niya.           "Wat es for dinner, Karen?" mabilis na tanong ni Father Deng, nakangi

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD