Maitim na mga kamay na nakahawak sa makapal na lubid. Naglalakihang mga ugat na para bang sa puno. Hila-hila ng matandang lalaking magsasaka ang kanyang kalabaw patawid ng aspaltong provincial highway. Pauwi na siya matapos pakainin ang hayop sa malagong damuhan malapit sa sapa kung saan hinayaan niya rin itong magbabad ng ilang oras. Siya man ay nangangailangan na ring magbuhos, at iyon ang nasa isipan niya patungo ng bahay, nangangati nang makatakas sa init ng araw. Diyoskopo, kagabi lang ay umulan, ngayon nama'y sukdulan ng init, aniya. Madalang ang mga sasakyan sa oras na ito, marahil marami'y ayaw bumiyahe sa kasumpa-sumpa at nakadedeliryong init. Well, maliban sa isang Toyota Hi-ace na natanaw ng magsasaka na paparating. Imbes na bilisan, siya at kanyang kalabaw ay nanatili sa kani

