Nakatingala silang lahat sa belfry tower ng Manila Cathedral na mga walong palapag ang taas. Sa tuktok nito ay isang dome kung saan may clock. 9:45 PM ang sabi ng mga kamay nito. Sa ibang gabi ay may ilaw sa taas ng tower, bukas sa partikular na mga okasyon. Nguni't sa pagkakataong ito, madilim sa belfry tower. "He's up there somewhere," turo ni Bishop Israel. Maririnig ang malalalim nilang mga hinga at kumakalabog na mga dibdib. "Should we go up?" tanong ni Jules, may apprehension. "Or antayin na lang natin siyang bumaba?" "What do you think?" binalik lang ni Mayor ang tanong sa kanya. Nagkatinginan sila. May pagdadalawang-isip. "Let's go," sabi ni Bishop Israel. "If one of us is possessed at ngayon ay nasa itaas nung tower, what do you think Father Markus would do?" "H-he won't ha

