Maaga pa lang ay abala na sa Manila Cathedral. Nagdidilig na ng halaman ang mga hardinero habang ang mga janitors ay nagwawalis at nagpupunas ng mga bintana, upuan at mga santo. Busy din ang mga sacristan, katulong ng mga altar servants, sa pagpreprepara para sa misa, pag-aayos ng mga libro't misallettes, at pagsisindi ng mga kandila. Maaga ring dumating ang administrative staff, ang secretary, treasurer at accounting na may kanya-kanyang pagkakaabalahan. Pagka't may kasalan sa araw na ito kaya't busy ang lahat. Nariyan ang wedding planner na abala sa pagko-coordinate—sa kanyang florist na nagaayos ng mga bulaklak sa altar; sa photographer at crew sa pagse-setup ng cameras; sa mga ushers sa pagaasikaso sa entourage; at sa paninigurado na wala sa mga matatanda ang pagpapawisan at aangal

