"May ideya po ba kayo kung bakit pinagtangkaan ang inyong buhay?" Kaharap ni Bishop Israel ang hepe sa kuwarto nito sa himpilan ng pulisya. Inimbitahan siya ng pulis para mabigyan ng karagdagang linaw ang pagpapakamatay ni Roger at ang assassination attempt nito. "Like I told you," ani ng obispo. "I have no idea. Hindi ko kilala personally ang assailant..." "Bukod sa dati siyang asawa ni Dr. Pontificano," tukoy ng hepe at binasa ang papel na nasa ibabaw ng kanyang mesa. "Dr. Pontificano na currently ay employed ng inyong office..." May edad na si Hepe. 52 years old, puti na ang buhok sa tagiliran. Isang beterano at experienced na pulis na halos 30 years na sa serbisyo. Kalmado magsalita pero straightforward, sa pagtatanong at sa pag-iisip. Tuwid, honest—ito ang immediate impression sa

