Umaga na nang mabalitaan nina Jules, Hannah, Mayor Arteza, Father Deng at Tulsa ang pagpapakamatay ni Roger. Although hindi naman nila kilala si Roger ay nakaramdam sila ng lungkot at pakikiramay kay Dr. Pontificano, sa paniniwala na may responsibilidad sila sa nangyari. Sa mga nalaman nilang impormasyon at detalye, alam nilang gawa-gawa ito ng dimonyo. "They know we're up to something, kaya gumagawa din sila ng mga hakbang," sabi ni Jules. Nagb-breakfast sila sa restaurant ng hotel, nakaupo sa bilog na mesa ang apat at mukhang mga puyat. "Which reminds me," sabi ni Mayor at ibinaba ang cup ng coffee na kanyang iniinom. "Hannah, what's the deal with Sister Juanita?" "Obviously, tinutulungan niya tayo," sabi ng psychic at humigop ng kanyang kape. Brewed coffee. Mula sa pahabang breakf

