chapter 6

1717 Words
"Perfect!" malakas na pahayag ng Mommy ng mga amo ko at may kasama pang palakpak. Muntikan pa akong napatalon dahil sa gulat. Pabigla-bigla naman kasi ito! Hindi na rin ako nakasabay kung bakit sinabi nitong 'perfect'. Hindi naman ako nag-take ng exam. Pero kung ang tunutukoy niyang perfect ay ang vital statistics ko ay walang kuwestiyon doon. Natural pa ito at walang halong kemikal, pero iyon nga kasalukuyang tinatago ang dibdib ko. Hindi na talaga ako magtataka kung magiging dahilan na mahimatay ako itong binder na suot ko. "Sa bahay magdi-dinner mamaya itong mga anak ko kaya makakapunta ka rin," magiliw na dugtong ng ginang. Kaya pala perfect. Walang dahilan para tumanggi ako sa imbitasyon niya—unless biglang may tumawag sa’king agent at sabihing may life-or-death mission akong kailangan puntahan. Pero since wala naman akong agent at hindi rin ako secret agent, game na. "Hindi ba, Coco?" nakangiti pa nitong baling sa isang anak. Sobrang tamis nang pagkakangiti nito, pero bakit pakiramdam ko ay may kasama iyong pagbabanta. Napatingin ako kay Coco at nahuli ko ang pagpiksi niya na tila napaso sa tanong ng ina. "Oo naman, Mommy," maagap nitong sagot nang makabawi. Ngumiti pa ito at masuyong umakbay sa ginang. "Alam mo namang na-miss ko ang luto mo—." "Ang luto ko lang pala ang na-miss mo kaya hindi ka dumiretso nang uwi sa bahay," namaywang na putol ng ginang sa akmang paglalambing ng anak habang mapanumbat ang matalim nitong tingin. "Mommy, papunta na dapat talaga ako roon," malumanay na paliwanag ni Coco. Habang pinagmamasdan ko siya ngayon ay kapansin-pansin na ibang-iba itong pinapakira niyang character kumpara sa nakasama ko sa biyahe papunta rito. Bigla mula sa pagiging malamig at unapproachable niyang awra ay bigla naging maamo siyang tuta. At dahil iyon sa Mommy nila. "At kailangan ko munang i-orient si Mico sa trabaho niya rito," pagpapatuloy pa nito. Napatuwid ako bigla sa pagkakatayo dahil nadamay ang pangalan ko. "Gusto kong maging komportable siya sa una araw niya sa trabaho." At mukhang... nagamit pa akong palusot! Excuse me lang, orientation ko ba talaga ito o salvation niya mula sa sermon ng kanyang ina. "Ganyan talaga dapat..." tumango-tangong pahayag ng Mommy nila. "Maging responsible ka. Pero sana ay tumawag ka man lang sa'kin." Pangaral pa nito sa anak, pero hindi na nanenermon ang tono katulad kanina. Tagumpay sa palusot niya si Coco, napakagaling! Parang honor student sa subject na 'Pagsisinungaling with Emotion.' "Sorry po, Mommy," malambing na paumanhin ni Coco sa ina. Ay, grabe. Iyong ina naman ang nilambing pero bakit ako iyong kinilig bigla. Sa imahenasyon ko ay ako na iyong kinakausap ni Coco gamit ang malambing niyang boses. Mabilis akong nag-iwas ng tingin at baka kung saan na umabot ang pantasya ko. Habang pilit kong binabalik sa katinuan ang pilya kong utak—naglalakad pabalik sa direksyong tinatawag na professional boundaries—bumukas bigla ang pinto. At syempre dahil nagkakape ako ay muntikan na akong napaigtad sa gulat. Oh, 'di ba walang kwenta akong bodyguard, wala namang tunog ang pagbukas ng pinto ay ninerbyos na ako. Napakurap-kurap ako nang iniluwa ng pinto ang daddy-version nina Coco at Mhilo. Kung sakaling nalalapit lang ang mga edad nila ay mapagkamalan silang triplets. Hindi na kailangan pa ng DNA test upang masabing ito iyong Daddy nila. Nakangiti ito habang saglit na dumako sa'kin ang tingin bago huminto sa Mommy ng kambal. "May bisita pala kayo," magaan nitong komento habang napasulyap kay Mhilo at Coco. "Susunduin ko lang ang Mommy ninyo," dugtong pa nito at nilapitan na ang tinutukoy. "Mhie, tapos ka na ba rito?" malumanay nitong tanong sa asawa. Agad sumilay ang ngiti sa labi ng ginang, "Yes, Dhie..." Naging malambing na rin ang boses nito. Mhie? Dhie? Akala ko ay para lang sa mga bagong mag-jowa ang mga call-sign. Pero bakit parang mas nakakakilig palang pakinggan kapag galing sa mag-asawang may anak nang pwede na ring magsipag-asawa? Sa kabilang banda ay tahimik sina Mhilo at Coco. 'Yung tipong sanay na sila sa ganitong tagpo sa pagitan ng mga magulang nila, pero ako? Ako 'tong parang nag-a-audition bilang extra sa family movie nila. Walang importanteng papel, pero emotionally invested. Bigla akong napatuwid sa pagkakatayo nang lumipat sa'kin ang tingin ng bagong dating. "Si Mico," pakilala agad ng Mommy ng kambal. Lumarawan sa mukha nito ang rekognasyom na parang 'Aha, so ikaw 'yan,' habang hindi nawawala ang pagkakangiti. At least nakangiti siya at hindi ako tinitingnan ng parang 'Sino ka at bakit nakakaduda ang pagkatao mo?' So far, so good. Hindi naman ako mukhang threat... hopefully. "Mico, ito pala ang asawa ko... si Kiro," tawag ng ginang sa atensiyon ko. "Just call him Tito at Tita Kikay na rin ang itawag mo sa'kin. Pasensya ka na at hindi man lang ako pormal na pinakilala nitong mga anak ko. Habang lumalaki ang mga ito ay nakakalimutan na ang basic etiquette." "Mommy naman—" "Tahimik!" mabilis na putol ni Tita Kikay sa akmang pagrereklamo ni Coco at may kasama pang pandidilat. Agad namang tinikom ni Coco ang bibig kaya binigyan ito ni Tita Kiray nang nag-aaprobang ngiti. Nakakatuwang hindi pa man nila ako lubos na kilala ay parang welcome na welcome na agad ako sa pamilya nila. Hindi ko rin maalalang nasabi ng kambal dito sa mommy nila na recommended ako ni Lolo Fela, pero sobrang bait nito sa'kin kahit bodyguard lang naman ako. "Nasabi na sa'kin ni Tito Felan ang tungkol sa'yo," kausap sa'kin ni Tito Kiro kapagkuwan. Muntikan nang mahulog ang puso ko dahil sa narinig at ang lakas ng kabog nito habang iniisip ko kung ano ang mga posibleng sinabi ni Lolo Felan. Pilit kong hinahanap sa ekspresyon sa mukha ni Tito Kiro ang anumang senyales na magsasabing may ideya ito sa ginagawa ko ngayong pagpapanggap. Kahit naman kabilin-bilinan ni Lolo Felan na walang dapat na makaalam tungkol doon ay posibleng pinaalam niya iyon dito sa pamangkin niya. "Kapag may mga katanungan ka tungkol sa trabaho ay huwag kang magdadalawang-isip na magtanong sa'kin," dugtong ni Tito Kiro. Masyado itong kalmado habang ako itong malapit nang nagpa-palpitate dahil sa pag-o-overthink. "Kapag ang problema ay tungkol sa mga amo mo ay sa'kin ka rin lumapit," pagtatapos nito at binigyan pa ng makahulugang tingin ang dalawang anak. Wala namang kakaiba sa tingin niya sa'kin. "Salamat po, T-Tito Kiro," mula sa puso kong wika. Kung may naikwento man si Lolo Felan sa kanya ay mukhang hindi naman ang tungkol sa pagpapanggap ko bilang lalaki. "Dad, walang magiging problema si Mico sa'min," tumatawang sabat ni Mhilo. "Tsaka kung magkaproblema siya sa trabaho ay tiyak na kay Lolo Felan siya lalapit." Hindi ko alam kung tunog sarkastiko ba siya o namali lang ako nang dinig. Welcoming nga iyong parents pero bakit itong dalawang gwapong anak ay hindi. Pakiramdam ko tuloy ay napilitan lang sila dahil recommended ako ni Lolo Felan. "Basta, Mico, huwag masyadong magpagod sa trabaho, okay?" nakangiting kausap sa'kin ni Tita Kikay. "Mabait naman itong mga anak ko kaya wala masyadong threats sa mga buhay nila. Ang marami ay mga babaeng gustong magpapansin." Dire-diretso ang pagsasalita ni Tita Kikay at hindi binigyang pansin ang nagrereklamong ungol ng dalawang anak. Hindi ko alam kung matutuwa ba ako o masasaktan sa sinabi ni Tita Kikay. "Tsaka, mas malalaki naman ang mga katawan nila kaysa sa'yo," dagdag pa nito habang pinasadahan ako ng tingin. "Kayang-kaya na nila mga sarili nila kaya pwede nang huwag mo masyadong galingan ang trabaho." Tama nga naman si Tita, mas malaki ang mga braso ng kambal at tiyak na malaki ring iyong ano... iyong mga hita! Syempre alangan namang hindi iyon sasabay sa laki ng kanilang katawan. Feeling ko nga, pati anino ko lumiliit sa tabi nila. Pero, kung ganito ay parang hindi na pala ako kailangan. Ano na lang pala ang trabaho ko? Sayang talaga 'yong training na halos ikamatay ng bangs ko at mga kuko dahil sa kakalugmok sa obstacle course. Sayang 'yong gabi-gabing review para sa written exam kahit ang tanong lang pala ay kung paano maghanda ng de-latang corned beef sa survival mode. At ang pinaka-sayang sa lahat? Ang pink kong service gun! Diyos ko, pinaglaban ko 'yon kay Lolo Felan! Kung pwede nga lang gawan ko na ng adoption paper ang baril na iyon ay ginawa ko na. Sabi ni Lolo ay dapat panlalaking baril daw ang gamitin ko dahil nagpapanggap akong lalaki. Pero hindi ako nagpatinag at pinanindigan talaga ang gusto ko. Para kahit naman papaano ay maramdaman ko pa rin na babae ako kahit gupit lalaki na. Bumalik sa kasalukuyan ang naglalakbay kong isip nang marinig kong nagsasalita na ulit si Tita Kikay, "O siya, Mico, alis muna kami ng Tito mo." Sa'kin pa talaga siya nagpaalam gayong hindi naman ako iyong anak. Nakalimutan yata nitong bodyguard lang ako nitong mga anak niya. "Ingat po kayo, Tita," sagot ko na lang. Nang bumaling si Tita sa mga anak ay agad namang nagsilapitan ang dalawa sa kanilang ina at humalik sa pisngi ng ginang. Kitang-kita ang pagmamahal ng mga ito sa kanilang ina at iyon din ang nakikita ko sa mga mata ng huli. Parang may naramdamang akong pinong kurot sa puso nang maalala si Mommy. Ganito rin kami eh, close din kami sa isa't isa at magkasundo pa kami sa pambu-bully kay Daddy. Hindi sila iyong klase ng mga magulang na sobrang taas ng expectation sa'kin. Ang gusto lang nila ay maging masaya ako sa lahat ng mga ginagawa ko, no pressure. Kahit sobrang busy nila ay hindi sila nagkulang sa paglalaan ng oras para sa'kin. Kaya no'ng biglaan silang nakipag-meet kay Lord ay nawindang talaga ako. Hindi pa man ako nakapagluksa talaga ay nagsidatingan ang mga banta sa buhay ko. Iyong ngangawa pa sana ako pero wala nang time dahil pinagbabaril ang kinaroroonan ko. Tahimik kong sinundan ng tingin ang mag-asawang magkahawak-kamay na hinatid sa pintuan ng dalawang anak. Hindi ko na naririnig ang mga bilin ni Tita Kikay sa dalawang anak dahil naglalaro sa isip ko ang katulad ma eksena kasama ang sarili kong mga magulang. Iyong mga panahong, buhay pa ang mga ito at ang tanging pinoproblema ko ay kung hindi ko matapos ang project para sa major subject ko. Ngayon kasi ay nagbago ang takbo ng buhay ko, at kailangan kong huminto sa pag-aaral. Hello, twenty-one pa lang ako pero parang ang dami ko nang problema!
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD